Chapter 15

2140 Words

“What the hell, Hazel?” singhal ni Blue sa kaniya. Umiyak naman si Hazel habang hawak-hawak ang mukha niya. Paniguradong masakit iyon at kumikirot din ang sa akin. “Lana!” Napalingon ako at nakita ang nag-aalalang mukha ni Debbie. Lumapit saiy sa ‘kin at tiningnan ang mukha ko. “Wala ka na ba talagang ibang gawin kung hindi ang mang-away ha?” sigaw ni Debbie at akmang sasaktan din si Hazel. Buti na lamang at nahawakan ko. “Debbie,” pigil ko sa kaniya. “Bitiwan mo ako, Lana. Kaya ang lakas ng loob ng bruhang ‘yan manakit ng iba e. Akala niya siguro puwede ka niyang ma-easy-easy. Mahiya ka naman, Hazel. Hindi mo kilala iyong tao. Ano ba ang meron kay Lana at parang galit na galit ka? Kahapon mo lang nakilala pero kung makapanakit ka akala mo pinatay ka nu’ng past life mong bwesit ka!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD