“Ganoon talaga. Talagang mga bwesit iyang mga lalaki na ‘yan. Tayong mga totoong nagmamahal sa kanila ini-echapuwera. Mas gusto nila roon sa babaeng pinagloloko sila. Gusto kasi nila iyong mga pabebe. Ayaw nila sa ‘ting may pagka-amazona,” ani Mandy. Huminga naman nang malalim si Debbie. “Kaya bilib ako kay, Kuya Blue eh. May ex siya ha, supermodel. Pero nu’ng makita ang BFF kong si Lana, wala na talaga. Doon na umikot ang mundo niya. Hindi na naghanap ng iba, hinintay pa na mag-twenty bago niya nilapitan. Mandy, isa iyong patunay na ang lalaki kapag gusto ka, gusto ka. Gagawa iyan ng paraan para hindi ka mawala. Tayong mga hindi pinili at pinalad, maghintay tayo sa gilid at makiusyuso na lang muna sa lovelife ng iba. Wala eh, hindi pinalad ang mga pukeng-ina,” aniya at tumawa. Napahing

