Chapter 1

1173 Words
Pagkatapos nga naming kumain ay nagsimula na ang party ni Debbie. Nasa gilid lang ako at tahimik na nanonood sa kanila. Hindi ako mahilig sa party pero natutuwa naman akong nakatingin sa kanila na nag-e-enjoy. Ganoon din naman si Debbie. Halatang sobrang saya niya. Umalis na muna ako saglit sa table at tinatawag ako ng kalikasan. Pumasok ako sa loob ng bahay at iilang kasambahay ang nakikita ko. Halos lahat ng guests ay nasa labas at sumasayaw. Mabilis na pumunta ako sa banyo at nakahinga nang maluwag nang makaihi. Nang matapos ay lumabas na at napatingin sa gilid. Dala ng kyuryosidad ay lumapit ako sa malalaking shelves kung saan may mga libro. Halos lahat ay tungkol sa law and politics. Grabe sa kapal at talaga namang hindi biro ang mga presyo. “What are you doing here?” Napalingon naman ako at nakahinga nang maluwag nang makita ang lalaking nagsalita. Napatingin ako sa kaniya at umiling. “N-Napatingin lang po, M-Mayor,” sagot ko. He smirked. Pumamulsa siya at nilapitan ako. “P-Pasensiya na po, aalis po ako kaagad,” dagdag ko pa. “It’s fine. I’m just curious why are you here. Nasa labas ang mga kaibigan mo, why aren’t you enjoying with them?” tanong niya pa. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pakiramdam ko ay hinihigop niya ang pagkatao ko sa klase ng tingin niya. Ang mga mata niya ay parang nanghi-hypnotize. “Ahm, h-hindi po ako mahilig sa party. May social anxiety ako,” sagot ko. “Relax,” aniya at nginitian ako. Hindi iyon umabot sa mata niya. Ang mga ngiting iyon ay tila ba may ibang ibig sabihin. “Hindi naman ako nangangain nang walang paalam,” dagdag niya pa at ngumiti na naman. It gives me goosebumps. Kumuha siya ng isang libro at binuklat iyon. “May plano ka bang pumasok sa politics in the future?” usisa niya at umupo sa couch. Sumenyas naman siya na umupo rin ako sa kabilang upuan. Sumunod na rin ako at ayaw ko rin namang bumalik sa labas. “W-Wala po,” sagot ko. Tumikwas naman ang kilay niya sa akin. “Po? You make me feel too old,” wika niya pa. Napakamot naman ako sa batok ko. “Mas matanda po kayo sa ‘kin,” depensa ko. “Whatever,” aniya lang at tiningnan ang libro. “How old are you?” he asked. Natigilan naman ako. “Ha?” “Masiyado bang mahina ang boses ko para hindi mo marinig ang tanong ko?” Napalunok naman ako. “T-Twenty,” tipid kong saad. I swallowed hard and looked at the floor. “Is there something interesting down there? Pansin ko lang kanina ka pa nakatitig sa sahig,” aniya at tila natawa pa. “What you saw earlier...” “H-Huwag po kayong mag-aalala Mayor, w-wala po akong nakita. I-I’m really sorry for interrupting. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko. P-Promise po, akala ko lang may binubugbog,” sambit ko at napapalunok pa sa kaba. I heard him chuckled. “Wala naman sigurong binubugbog na nagmamakaawang huwag kong tigilan,” sagot niya at napailing. “K-Kaya nga po.” “Do you want to be f****d too?” tanong niya. Natigilan naman ako sa kinauupuan ko at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kaniya. “Excuse me?” inis kong sambit. He seems more interested now by his expression. “Why? You haven’t had s*x with your entire life?” tanong nito at tila amuse pa siya. Napapikit naman ako sa inis at hindi ko alam kung paano siya sagutin. I’m freaking pissed right now. “Ano po ba ang akala niyo sa ‘kin? Mukha ba akong f**k girl?” tanong ko sa kaniya. May bahid ng inis ang boses ko. Sana mapansin niyang hindi ako natutuwa. Naturingang Mayor pero bastos kung magsalita. “Kaya nga tinatanong kita dahil hindi ko alam. It’s your problem kung sa tingin mo nagiging bastos ako,” sagot niya. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko. “Don’t you know it’s rude to ask someone else’s s*x life? Isa pa, wala kang pakialam doon,” wika ko. “And now you’re mad,” aniya at napailing. tumayo siya at napalunok ako nang tumayo siya sa harapan ko at hinawakan ang aking baba. “I thought you’re just a pretty face. Glad you’re not like other women. Tama ‘yan, don’t let anyone think you’re an easy girl,” aniya. Naguluhan naman ako. “And watch your tone next time. I hate girls screaming at me mad. I only want them scream in pleasure. Ako ang alkalde ng lugar na ‘to, at malaki ang nasasakupan ko. If anyone hears you, paniguradong malalagot ka. It’s rude to be rude in front of someone so respectful,” saad niya at ngumiti na naman. I hate his smile. Aminin ko man o hindi he’s really good looking. Nakakainis ang mga mata niya na parang nanlalamon. Kulay abo iyon. And right now, walang karespi-respito sa kaniya. I looked away at tumayo na rin. Sinalubong ko ang tingin niya at naikuyom ang aking kamao. “Only minutes that I get to know you, and I hate you already. Act like you’re a nobleman, dahil mayor ka ng lugar na ‘to. I don’t care if you’re Debbie’s cousin, what you’re saying right now is quiet stupid. I don’t need your opinion. Kung ayaw mong makarinig ng hindi maganda, huwag kang mayabang,” inis kong sambit at tinalikuran na siya. “Hindi pa nga ako nagmamayabang nayayabangan ka na agad sa ‘kin. Kasalanan ko ba kung iyon ang katotohanan?” aniya pa at tila iniinis pa ako lalo. I breathed heavily and closed my eyes. Ilang saglit pa ay natuod ako sa aking kinatatayuan nang maramdaman ang kamay niya sa likuran ko. His mouth is on my nape. “Relax baby girl, don’t hate me that much. I was just trying to converse with you. Alam ko naman na hindi ka katulad ng ibang babae,” aniya at ramdam ko pa ang malamig niyang labi na dumampi sa leeg ko. “See you again soon,” aniya at nginitian ako bago ako iniwanan. Hindi naman ako makagalaw sa aking kinatatayuan at napakurap-kurap. “Ano ‘yon?” “Lana! Nandiyan ka lang pala! Akala ko kung saan ka na pumunta.” Napalingon naman ako sa gilid at nakita si Debbie. Kumunot naman ang noo niya. “Are you okay?” aniya at tila nag-aalala. I shake my head and smiled at her. “I-I’m fine, uuwi na ako?” tanong ko sa kaniya. “Not yet, may thirty minutes pa. Tara sa labas, gusto kang makausap ng pinsan ko,” aniya at tila kinikilig pa. “P-Pinsan?” “Yea, don’t worry. Hindi si Blue,” nakangiting sagot niya. “Blue?” “Oo, si Asul. Si Mayor Blue Saur Virgon. Hindi siya, dahil hindi siya good sa mental health mo,” sagot niya. Nakahinga naman ako nang maluwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD