Unang araw ng 1st semester kaya halos lahat ng tao ay abala dahil ang iba ngayon palang nage-enroll or yung iba hinahanap ang mga assigned room nila, well karamihan sa mga lakad dito lakad doon ay mga first year na wala pa namang alam sa pasikot sikot ng campus. Yung mga late enrollist karamihan sa kanila mga 2nd to 4th year na, mga masyadong nag enjoy sa bakasyon kaya nalimutang mga estudyante pa din sila. Ako? nag enroll ako ng maaga para walang hassle kaya ngayon eto ako naka upo sa isang bench nag aantay ng mga tamad kong kaibigan na nag papa-enroll palang ata or papunta palang
"excuse me ate i'm Patrice De Jesus, 1st year Pol-Sci student, pwedeng mag tanong?" ganito dito pag hindi mo kilala ang kakausapin mo mag papakilala ka at sasabihin ang course mo pati na din yung year mo kaya halos lahat dito magkaka kilala
"hi, Irene Joy Legaspi, 4th year HRM student, sure ano yun?" naka ngiti kong sabi sa kanya
"ate Irene kilala mo po si Yuta Gonzales diba?" si Yuta half Japanese sya at kilala sa buong school dahil varsity player sya ng Baseball
"yes classmate ko sya, bakit?" classmate ko sya since first year, and close kami dahil iisa lang ang circle of friends namin
"pinsan po kasi ako ni Jochen Martinez may pinapa abot po kasi si kuya kaylangan po kasi ni kuya Yuta" Chen and Yuta are bestfriends pero si Chen member ng jackstone club este wala pala syang club dahil nung nagpa-ulan ata ng katamaran hinakot nya lahat
"wala pa kasi si Yuta, kung ok lang sayo mag hintay dito ka nalang, andito na din naman sya nag park lang ng daw kotse nya" galing sa mayamang pamilya si Yuta at Chen isa sa dahilan kaya sikat sila
"naku ate may class pa ko, ok lang ba pabigay nalang" inabot nya sakin yung bagpack na alam kong kay Chen
"nasaan ba si Chen" sabi nya kasi sa group chat na kanina pa sya andito pero hindi ko naman nakikita
"ngayon palang kasi sya nag papa-enroll" napa iling nalang ako dahil hindi na talaga nag bago si Chen
"sige iwan mo nalang dito sa table dito naman kami mag kikita-kita bago pumasok" buti nalang maaga ako pumasok ngayon
"hey hey hey who's this little cutie here" sabi ni June isa sa mga kaibigan namin
"tumigil ka June pinsan yan ni Chen" humarap ako kay Patrice "sige na Pat kung papasok ka na go na baka ma-late ka pa" umalis na sya at si June naman ang umupo na sa harap ko
"bakit pinaalis mo naman yung bata" nag tatampong sabi nya
"tigil tigilan mo yang papaging mahilig mo June pinsan ni Chen yun" napaka babaero talaga ng taong to
"oh? asan na si Wendy?" hanap nya sa isa pa naming kaibigan
"hindi ko alam hindi din naman sya nag sasabi kung nasaan na sya" sa mga kaibigan namin kay Wendy kami laging stress kasi hindi namin alam kung nasaan na sya kahit tawagan mo hindi sasagot
"kanino namang bag to? diba kay Chen to" pag pansin nya sa dinalang bag ni Patrice
"oo kay Chen yan, inutusan nya si Patrice na dalhin yan dito importante daw dahil kaylangan ni Yuta" sinimulan namang bukasan ni June yung bag para tignan
"ano yung kaylangan ko?" biglang sulpot ni Yuta
"ayang bag dinala dito ng pinsan ni Chen dahil kaylangan mo daw" inilabas naman nila yung mga gamit
"siraulong Chen yun! ginamit na naman ang pangalan ko sa katamaran nya" inis na sabi Yuta dahil puro gamit lang naman ni Chen ang nasa bag
"hahahaha nakaligtas na naman si ogag sa pag bibitbit ng bag" natatawang sabi ni June
"pagbati sa mga ogag kong kaibigan" sabi ni Chen pag dating nya
"namo ka Chen ginamit mo na naman pangalan ko para makapag utos ka!" sabi ni Yuta sabay batok sa bestfriend nya
"chill! si Patrice lang naman yun" pag papakalma ni Chen kay Yuta dahil sisipain naman sana sya
"besides dito na sya mag aaral so para ma-meet nyo ang pinsan ko" sabi nya pa sabay upo sa bench sa tapat ko
"pero hindi tamang gamitin mo sya at si Yuta sa katamaran mo, buti nalang ako agad yung napag tanungan nya kung hindi pahihirapan mo pa yung bata kakahanap kay Yuta" inilagay nya yung pointing finger nya sa gitna ng ilong nya at nag ssshhhhh
"sorry na po mother Irene hindi na po mauulit" ganyan sya lagi pag pinagagalitan ko sya "sa ibang student naman" pagkarinig ko nun hinampas ko sya ng mga naka rolyong papel na hawak ko
"teka asan na si Wendy? hindi ba sya papasok? 1st day ng class ngayon" sabi ni Yuta
"hindi ka pa ba sanay kay Wendy since 1st year ganyan naman sya hindi malaman kung ano nangyayari sa kanya" nagulat kami nang biglang may nag salita sa kabilang bench
"actually kanina pa ko andito since dumating si Chen hindi lang ako mag sasalita" nagulat kami na si Wendy pala yung nasa kabila at naka takip lang mg libro ang muka
"bakit hindi ka man lang lumapit samin?" tanong ko
"sorry girl trip ko lang, let's eat firts 10am pa naman ang 1st class natin" kumilos na kami papuntang canteen buti nalang may 30 mins pa kami
eto ang barkada ko, iba iba man kami ng ugali at hilig nananatiling mag kakasama kami sa ngalan ng pagka-kaibigan namin. Pangako namin na kahit anong mangyari kahit iba iba man kami hindi hindi kami mag hihiwalay dahil hindi naging madali saaming lahat ang unang taon namin dito sa USB (University of St. Benedictine), si Wendy noong first year kami palagi syang nabu-bully dahil chubby na sya nerd pa pero noong pwede na matangal yung brace nya tinulungan namin sya mag diet at maging pala-ayos kaya eto ngayon lumabas na ang ganda nya. Si June laging itinataboy ng mga nakakasama nya kasi feeling close daw agad sya, well totoo naman pero kung bibigyan sya ng chance mabait naman sya at ngayon dakilang babaero na. Si Yuta nerdy din sya noong pumasok kaya ayaw syang tangapin sa baseball team pero noong naka pasok sya sa try out ginawa lang syang water boy hanggang sa may championship sila na-injured yung isa sa kanila at napilitang ipasok sya at dahil sa kanya nanalo ang team namin, ngayon MVP na sya. si Jochen naman sa sobrang tahimik nya at tamad ayaw sa kanya ng lahat kaya noong may groupings kami inampon ko sya at pinilit sa lahat kaya ngayon madaldal na sya buti nalang bestfriend sila ni Yuta simula pagka-bata kaya hindi ako ganoong nahirapan sa kanya. Ako? ako daw ang nanay nilang lahat dahil noong walang tumatanggap sa kanila ako ang unang lumapit at tumangap sa kanila pero sa totoo lang ako ang pinaka bata samin same age silang lahat 21 at ako 20, noong first year kami Miss No Good ang tawag nila sakin kasi palpak lahat ng luto ko pero noong nag bake ako ayun nasarapan sila. Yan ang naging pag subok naming lahat noon, ngayong graduating na kami hindi sa pag mamayabang pero sikat na ang barkada namin lalo na dahil gwapo sila Yuta at Chen.