Walang masyadong ganap ngayon dahil firstday of school lang naman, actually pwedeng next week na pumasok dahil next week pa talaga yung pinaka start pero dahil masipag kami pumasok pa din kami
"sa bahay tayo ngayon" pag-aaya samin ni Yuta
"mall nalang tayo ngayon kain tayo sa KFC unli gravy dali" kontra ni Chen, etong dalawang to palibhasa mga mayayaman
"pass! may photoshoot ako ngayon" model nga pala tong si Wendy, may kaibigan yung mama nya na may clothing line kaya sya ang kinuhang model, pumayag naman sya para yoon ang pang tustos nya sa pag aaral nya
"hala bakit hindi ko alam?" well etong si June naman ang photographer
"kaninang umaga may nag punta sa bahay, biglaan lang" paliwanag ni Wendy
"ikaw Irene may pupuntahan ka ba ngayon?" tanong sakin ni Chen
"wala naman siguro uuwi nalang din ako sa bahay gusto kong matulog" dahil maaga akong pumasok maaga din akong nagising kaya matutulog nalang ako
"sa bahay ka nalang matulog" sabi ni Yuta na ikinagulat namin, hindi naman bago samin na mag sleep over sa bahay nila ang nakaka gulat lang yung yayain nya ko mag isa
"hoy Yuta anong trip mo?" sabi ko sa kanya ay tinigan sya nga masama, ganun din si Wendy
"mga ogag! wala akong balak halayin yang si Irene ang plano kasi foodtrip muna sa bahay kaming tatlo kasama si Chen tapos kung matutulog sya bahala sya umuwi nalang sya after dinner, tsaka hindi ako napatol sa nanay ko" ok na sana kaso nang asar pa kaya hinapas ko nga sa braso!
so ayun na nga umalis na sila Wendy at June at kaming tatlo naman pupunta muna sa grocery store para mamili ng mga kakainin, konti lang din naman ang binili namin dahil tatlo lang naman kami
"catch!" sabi ni Yuta sabay hagis sakin nung toblerone at hersey bar buti nasalo ko
"asan yung sakin?" sabi ni Chen
"may pera ka kaya bumili ka HAHAHAHA" sagot ni Yuta sabay takbo papunta sa kotse nya
"ang daya! pag dating talaga kay Irene masyado kang galante samin nila June ang damot mo!" pag rereklamo ni Chen, totoo naman din kasi ako ang palaging binibilhan ni Yuta ng mga gusto ko sa katunayan alam nya lahat ng mga gusto at ayaw ko kaya nga sa buong barkada sya talaga ang mas nakaka kilala sakin.
Saktong 3:00 pm kami nakarating sa bahay nila Yuta, sa sala kami dumiretso at nag simula ng kumain hanggang sa naisipan nila ni Chen na manood ng movie kaya hinayaan ko lang sila sa gusto nila at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil nakaramdam ako na kaylangan ko mag CR pag tingin ko sa cellphone ko 5:30 na at wala din yung dalawa sa sala. Pag tapos ko mag CR hinanap ko yung dalawa, yung bahay nila Yuta ay simple lang at classic ang interrior may veranda at rooftop, may small garden din na may puno ng manga at meron ding duyan. Nakarating ako sa garden pero wala sila kaya titignan ko kung nasa rooftop sila kaya nag simula na akong mag lakad, pag dating ko medyo bukas yung pintuan sign na may tao nga dito kaya nag tuloy lang ako hanggang sa nakita ko sila, nag hahalikan sila!! hindi ko alam kung anong gagawin ko, dahil sa gulat pero huli na ang lahat noong maisipan kong bumaba nalang dahil nakita na ko ni Chen kaya itinulak nya si Yuta
"Irene" mahinang sabi ni Yuta
"ahmm a-ano ahh oo ano sige uuwi na ko! oo uuwi na ko, bye! see you" nauutal kong sabi pero agad akong tumakbo pababa, hindi ko alam pano at ano ang dapat gawin kaya ang unang nasa isip ko is tumakbo
"Irene wait!" tawag sakin ni Yuta habang hinahabol ako pababa
"Yuta!" tawag naman ni Chen at alam kong kasunod namin sya kaya mas binilisan ko ang pag baba
"Yuta wag mo syang habulin nasa hagdan tayo baka may maaksidente pa" pero huli na ang lahat dahil nadulas na ko dahil hindi ko masyadong napansin yung mga binababaan ko buti nahawakan ako ni Yuta at hindi nahulog ng tuluyan
"Irene ok ka lang?" tanong ni Yuta sakin pero napaupo na ako at humagulgol ng iyak kaya agad naman nya akong niyakap lumapit naman agad samin si Chen at hinagod ang likod ko
"ssshhhh don't cry please safe ka na" sabi ni Chen pero hindi naman dahil sa muntik ako malaglag kaya ako naiyak kundi sa sakit, sa sakit na yung taong gusto ko may kahalikang iba and worst thing is yung bestfriend nya pa na lalake, ow yes! mga sis may gusto ako kay Yuta (╥╯﹏╰╥) huminga muna ako ng malalim bago nag salita
"let me go please" tinangal ko ang pagkaka-yakap sakin ni Yuta at tumayo na ko, noong hahakbang na sana ako pababa hinawakan ni Chen yung kamay ko
"Irene let us explain please" tinanggal ko ang kamay ni Chen, ayoko pang pag usapan dahil hindi ko pa alam kung anong dapat gawin
"gusto ko ng umuwi pagod na ko" pero pinigilan pa ko ulit ni Yuta
"ihahatid na kita" umiling lang ako
"no, i can take care of my self, i want to be alone" kinuha ko ang bag ko sa sala at nag umalis na, alam kong para sa kanila parang ang OA ng naging reaction ko pero para sakin na 2 years nang may gusto kay Yuta normal lang to.
Nag simula akong magustuhan si Yuta noong 2nd year kami, kahit noong 1st year pa kami mabait na sakin si Yuta kaya nga lagi nilang sinasabi na pag dating sakin may special treatment sya at baka may gusto sya sakin, yun ang sabi ni Wendy pero binaliwala ko yun dahil nga kaibigan ko sya, iisang barkada kami kaya hindi ko na sinubukang tignan sa ganoong way pero noong 2nd year kami, 2nd sem. may dumating na pag subok sa family ko nagka-leukimia si papa, hindi pa ganoog kalala pero dapat ng maagapan kaya nag decide ako na mag stop muna sa pag-aaral para matulungan ko si mama at ate sa mga gastusin, hindi naman kasi kami mayaman. Sinabi ko sa kanila yung sitwasyon ko thru group chat pero hindi ako nag pakita sa kanila kasi iiyak lang ako dahil hindi ko na sila makakasama sa iisang class, dahil magiging ahead na sila sakin pero ok lang para naman to kay papa. Ang hindi ko alam hinanap pala ni Yuta ang bahay namin para puntahan ako dahil hindi daw sya papayag na mag stop ako kaya ang plano nya family daw muna nya ang mag papa-aral sakin pero hindi ako pumayag dahil nakaka-hiya yun! pero hindi sya tumigil humanap sya ng paaraan at ang naging ending naging secretary ako ng mama nya sa lawfirm kaya habang wala pang enrollment napasok akong secretary hangang sa nakapag enroll ako, kinumbinsi ni Yuta na lahat kami mag morning class para hindi kami mag hiwa-hiwalay at pumayag naman sila, pag dating ng tanghali sa lawfirm na ko na-diretso. Naging working student ako at hindi ako pinabayaan nila Wendy sa lahat ng mga nangyayari sakin lalo na si Yuta kaya simula noon nahulog ang loob ko sa kanya dahil sya, sya ang mas nag effort na tulungan ako hanggang sa maging ok si papa.