Three

1222 Words
Hindi ako pumasok kinabukasan kasi sobrang sakit ng paa ko, na-sprain siguro kahapon pero ipinilit ko pa ding ilakad dahil nga gusto kong lumayo kila Yuta, ayoko ding makita nila Wendy na mugto ang mga mata ko sa kaiiyak kaya nag chat nalang ako sa kanila na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko pa din alam kung pano haharapin yung dalawa :( maya maya may kumatok sa pinto ng kwarto ko "Irene may bisita ka, pina-akyat ko nalang dito" sabi ni ate Aileen, pumasok naman sa loob yung dalawang expected ko na pupunta si Chen at Yuta "hi are you ok?" tanong ni Yuta "yeah i think? masakit lang paa ko dahil na sprain siguro kahapon" bumangon ako at sumandal sa pader na parang head board ko na din, umupo naman ni Yuta sa paanan ko at si Chen sa bakanteng upuan na inilapit sa amin "dinala namin yung mga na missed mong lesson today, may quiz tayo bukas" sabi ni Chen at inilabas nya yung photo copy ng lessons at inabot sakin "salamat" tanging nasabi ko "Irene hear us out, let us explain please" malumanay na sabi ni Yuta "fine, i'll listen" hindi naman na siguro kaylangang patagalin pa "Me and Chen yes we're bestfriends since elementary alam mo naman yun, magkasama kami sa lahat ng bagay para na kaming mag kapatid then bago matapos ang highschool may niligawan kami pareho ni Chen then kahit tamad sya at nerdy look ako that time nag sucess kami na mapasagot ang mga nililigawan hangang sa parang wala na kaming time makita yung isa't isa after ng schools or even weekends, umabot ng one month na hindi na kami nagkakasama at para sakin parang may mali, parang may kulang at hindi din ako masaya sa girlfriend ko until one day nalaman ko na break na si Chen at yung girlfriend nya na hindi ko nakasama, i mean like we have double date ganun dun ako na decide na kausapin girlfriend ko na give me my weekend, my bestfriend needs me, sa una ayaw nya hangang sa napilit ko sya friday night pumunta ko kila Chen para doon mag spend ng weekend then we talked about his ex then saturday night" tumigil muna sya sa pag sasalita at hinawakan yung kamay ni Chen at ngumiti ng sweet, aba! "ehem! may single dito wag kayong bastos!" bored kong sabi sa kanila kaya tumawa sila "sorry, so yun na nga saturday night sinabi ni Chen na he is gay and gusto nya ko matagal na at cover up lang yung ex nya nagalit ako nun at umuwi sa bahay pero hindi ako pinatahimik ng confession nya kaya hindi ako naka tulog sunday ng hapon pumunta ako sa kanila at tulog sya sabi ni kuya Kris (older brother ni Chen) pero tumuloy ako sa kwarto nya tinitigan ko sya at slowly realizing that i was going to kiss him, after the kiss mas naguluhan ako kaya umuwi ako sa bahay hangang sa nag start na ang weekdays hindi ko sya pinansin sa school at kung malabo na kami ng girlfriend ko from the start mas lumala na hangang nag break kami gulong gulo na ko nun hangang sa sexuality ko di ko na sure umabot na sa graduation day na hindi ko pa din pinapansin si Chen pero after ceremony lumapit sya sakin nag usap kami sa vacant room umiiyak sya kasi he lost his besfriend and saying sorry for being gay at ang sakit para sakin na makita syang ganun so i kiss him kaya nagulat sya and ayun doon mag start yung relationship namin" tumahimik na si Yuta, it's like they waiting my reaction "bakit nyo tinago sa barkada? sakin? imagine since 1st year magkakasama tayo and now 4th year na hindi nyo man lang ba pinlano na sabihin samin or kahit sakin o sa isa samin" para kasing they don't trust us enough "takot kasi kami, takot kami sa magiging reaction nyo takot kami na baka hindi nyo kami maintindihan, sa naging reaction mo palang nung nahuli mo kami natakot na kami agad na baka hindi mo kami maintindihan lalo na at hindi ka pumasok kanina paranoid na kami na baka dahil samin masira ang barkada dahil nandidiri ka samin" nakayukong sabi ni Chen alam kong umiiyak sya, Chen is a soft person muka lang manly yan pero iyakin sya kaya inasar sya ni June minsan na gay which is totoo naman pala "hindi ako nandidiri sa inyo, hindi ako galit sa inyo, tangap ko kung ano kayo" then i start crying, tahimik lang silang dalawa na parang pinag iisipan ang bawat sasabihin "ako naman ang pakingan nyo sa explanation ko kung bakit ganoon ang reaction ko and please wag sana kayong magalit ang please let me finish my explanation" i really don't know kung tama tong gagawin ko pero kaylangan kong sabihin sa kanila, ayoko nang itago to "nung nakita ko kayo sa rooftop nasaktan ako, nasaktan ako kasi yung taong gusto ko at mahal ko may kahalikan and worst is besfriend nyang lalake" i pause for awhile at tinignan nila ako na gulat na gulat "pero wala akong planong guluhin ang relasyon nyo at kung kaylangan lalayo ako, pinag isipan ko to, suport ko yung relationship nyo tanggap ko at ayokong masira kayo ng dahil sakin" pinunasan ko yung mga luha ko at ngumiti sa kanila "si Yuta yung tinutukoy mo diba?"  tanong ni Chen "oo si Yuta, since 2nd year may gusto na ko sa kanya" lumapit naman samin si Yuta at niyakap ako "thank you for your love and understandment" niyakap ko sya at mas lalong umiyak na tumagal ng limang minuto "oh Jochen wag selosa dinama ko lang kahit ngayon lang, vaklang tooo!" pabiro kong sabi sa kanya "baliw sige damahin mo basta ngayon lang, possessive ako!" natatawang sabi ni Chen "halika nga dito group hug tayo!" yaya ko sa kanya at yumakap din sya, i love this moment "pero seriously Irene wag kang lalayo samin please, walang mag babago basta keep it secret please ayaw naming masira yung friendship tsaka hindi ka pwede mawala saming lahat ikaw nanay namin eh" pinag hahampas ko tuloy sya ng unan kaya lumayo sya "letche ka talaga! pasalamat ka injured tong paa ko di kita mahabol" pero lumapit sya sakin at niyakap ako ulit "pero thank you talaga, thank you for being a good friend and for being understanding and supportive, i love you" wala din naman akong choice diba so being supportive is the last choice "ewwww Jochen! ayan ka na naman sa pa-i love you mo kung kadiri na noon mas kadiri ngayon ewwww!" nag act ako na parang nasusuka kaya hinampas nya ko ng unan "ang arte mo ah!" nag act naman sya na iki-kiss ako "ewwwww! Yutaaaaaaaa ilayo mo nga sakin tong panget na to ewwww! yuck! yuck!" at ang magaling na Yuta walang ginawa kung hindi tawan lang ang ginagawang kahalayan sakin ni Chen "hahahaha tama na yan! tara na ipa-check natin yung paa ni Irene para makapasok na sya bukas" ayoko na sana dahil magiging ok naman na siguro yung paa ko pero tong maharot na Chen na to hinampas yung paa ko kaya napa aray ako kaya eto pasan pasan ako ni Yuta at ipapa-check up nga daw namin kaya wala akong choice kung hindi sumama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD