Sabi ng Doctor magiging okay naman daw agad yung sprain ko sa paa basta wag ko munang ilakad ng 2 more days kaya eto pasan pasan ako ni Yuta papasok ng school, ayoko sana pero ayaw nyang pumayag
"alam mo Yuta ibaba mo nalang kaya ako? nahihiya na kasi ako pinag titinginan tayo" halos lahat na ata nang nakaka-kita samin tinitignan kami
"hayaan mo sila hindi gagaling yang paa mo kung iintindihin mo sila" sabagay tama sya kaso nahihiya na ko
"alam mo kasi Yuta mabigat ako eh, alalayan mo nalang ako mag lalakad nalang ako sige na" pag kumbinsi ko sa kanya
"pag hinayaan kita mag lakad at aalalayan ka lang possible na maihakbang mo pa yang kanang paa mo at mas matagal pa yun dahil dahan dahan kaya pwede ba isa pa ilalaglag kita" napakapit naman ako ng mahigpit sa kanya, physically fit si Yuta obviously dahil member sya ng baseball team kaya sisiw lang sa kanya ang mag buhat, dumating na kami sa tambayan namin sa bench sa tapat ng class room namin
"bakit may pag pasan na nagaganap?" tanong agad ni Wendy at umupo ako sa tabi nya
"alam mo kasi Wendy matanda na si mommy Irene mahina na ang mga buto kaya kaylangan na ng alalay at dahil mahirap lang ang pamilya natin at wala naman tayong tatay wala tayong pambili ng wheelchair kaya ayan ang kakamabal nating si Yuta ang nag buhat" umaktong umiiyak na sabi ni Chen kaya nahampas ko sya ng nirolyong folder hinawakan naman ni Wendy ang kamay ko at umakto ding umiiyak
"patawad mommy Irene pangako mag aaral ako ng mabuti at mag hahanap ng trabaho para mabili ka ng wheelchair" nahampas ko din ng nirolyong folder si Wendy
"sige simulan nyo ko mga ogag kayo puro kayo kalokohan! na sprain ang paa ko kaya hindi ko pwede ilakad" paliwanag ko para tumahimik na sila
"bakit si Yuta ang nag buhat sayo? ayiiiieeeee" pang aasar ni June, na palagi na nyang ginagawa dahil para daw may gusto sakin si Yuta, napatingin naman ako kay Chen na tawa ng tawa at nakiki ayiiieeee
"ako kasi ang may kasalanan kung bakit na sprain yung paa nya, hinabol ko sya noong baba ng hagdan kaya dapat lang na tulungan ko sya" paliwanag ni Yuta
"tara na pumasok na tayo" sabi ni Chen para matigil na ang usapan dahil makiki-chismis lang yung dalawa sa tunay na nangyari
"mauna na kayo Wendy mag si-CR kasi sana ako" tinignan ko si Chen at muka namang gets nya na gusto ko silang maka usap kaya
"akin na yang mga bag nyo Yuta ako na mag dadala" sabi naman ni Chen
"sure ka Irene? or much better ako nalang ang sasama?" sabi ni Wendy
"ok lang keri na" pag sisigurado ko sa kanya kaya nauna na sila ni June at pinasan na ako ulit ni Yuta
"alam nyo nagi-guilty ako kasi clueless yung dalawa sa mga nangyayari, ang unfair kasi" hindi ako sanay na may tinatago sa kanila lalo na kay Wendy dahil kaming dalawa lang naman ang babae sa barkada kaya mas madalas kami ang nag uusap
"plano din naman naming sabihin sa dalawa, humahanap lang kami ng timing dahil baka mamaya hindi nila tangap yung mga gay couple" sagot ni Chen, okay gets ko yung point
"and Chen sorry dun sa kanina sa pang aasar ni June" medyo nailang kasi ako sa part na inaasar nila ako kay Yuta
"ano ka ba okay lang normal lang naman na sakin yung pang aasar ni June sa inyo and i trust you, i trust Yuta" sabi nya ang ngumiti sakin
"be natural lang Irene, wag mong ipahalata na may alam ka about samin and don't worry sasabihin namin sa kanila" sabi naman ni Yuta, after nun bumalik na kami sa class room.
***
Nag isip ako ng possible way para malaman namin kung okay lang ba kila June at Wendy ang mga gay couple and i end up watching BL or Boys Love series, so sa ilang araw na pag iisip and searching natagpuan ko ang Thai BL series at nag start na manood since weekend naman. I don't know what's happening to me but i found my self na kinikilig ng sobra and nakatapos na ko ng isang series, 2 Moons it's about a college student Wayo being elected as Moon of his faculty with his best friend Mingkwan from another faculty for Moons and Stars of the campus contest and the last year campus moon, Phana is Wayo's first love basta something like that nakaka kilig! and now Love By Chance naman pinapanood ko, so pumasok ako ng maaga para manood at hindi ma-late 8am palang nasa campus na ko at ang class namin for today is 10am
"hey! maaga ka ata pumasok" tinigan ko kung sino si June pala
"what's new? maaga naman talaga ako napasok" sabi ko without looking at him
"ikaw palang?" tanong nya ulit kaya ni-paused ko muna yung pinapanood ko at tinignan ang oras
"yep 9 palang naman papasok na din sila maya maya" sabi ko then continue watching
"bakit ba ang busy mo sa phone mo?" sabay hatak nya sa phone ko hala ano ba yan! magki-kiss na si Ae at Pete sa kotse eh!
"ano ba June akin naaaaaaa" pero pinanood nya na din
"what's this! two men? kissing? gay movie?" kinuha ko yung cellphone ko, mukang effective ang plano ko
"and so? any problem? don't tell me homophobic ka?" tinignan ko sya habang nag hihintay ng sagot
"hindi ako homophobic pero kadiri yan! mga bakla mga salot sa lipunan yan nakakadiri tigilan mo yan Irene ang halay! hindi sila kabilang sa mundo dahil wala namang ginawang bakla ang Diyos" pag tingin ko sa likod ni June andoon na pala si Chen at Yuta at halatang nalungkot sa mga narinig nila kaya hindi ko napigilan yung sarili ko dahil nasaktan ako para sa kanila
"hindi ka homophobic pero ganyan ang reaction mo? salot sila? bakit ano bang ginawa nila? tao din naman sila ha! not all gays are the same! maybe may nakakainis na bakla pero hindi sila parepareho! iba iba ng ugali yan at pagkatao" biglang lumapit na sila Chen at Yuta pretending na kakadating lang nila
"anong nangyayari?" tanong ni Yuta
"wala" tipid na sagot ni June
"what if im gay?" tinignan naman nila akong lahat "answer me June! what if im gay? iiwasan mo ba ko? mandidiri ka ba sakin? itataboy mo ba ako?" na-frustrate naman si June kaya tinignan nya ko ng masama
"shut up Irene babae ka" dumating na din si Wendy at umupo sa tabi ko pero si Chen at Yuta naka tayo
"eh paano nga kung malaman mong bakla ako" tumayo bigla si June
"if you're gay then i hate you" sabi nya sabay walk out
"wow you're not homophobic huh?!" at tuluyan na syang umalis
"ano bang nangyayari" tanong ni Wendy
"tahimik akong nanonood ako ng series dito tapos bigla nya akong ginulo noong nalaman nyang about gay couple yung pinpanood ko kung ano ano sinabi nya kaya nainis ko then ayan" explain ko sa kanya, wala na hindi ko nalang gugustuhin na malaman nila June at Wendy kung ano sila Chen at Yuta dahil baka masira lang talaga ang barkadahan namin, mas ok na to.