Chapter 1
“Are you sure you’re not coming with me?”, halos limang beses na yatang tinanong ni Nate sa kasintahang si Mia habang inaayos nito ang pagkakasuot ng kanyang necktie. Dadalo ang binata sa birthday party ng kaibigang si Mike at naguguilty ito na iiwanan niyang mag-isa sa bahay ang dalaga habang nakikipagkasiyahan sa party ng kaibigan.
“Babe, ano ba? Pang-ilang tanong mo na yan?”, nakatawang pahayag ni Mia dito habang inaayos ang pagkakabuhol ng kurbata nito.
Simula noong maging sila ni Nate at nagdesisyong magsama sa iisang bubong ay nakagawian na nito na tulungan ang binata sa pagbibihis. Sa mahigit dalawang taon nilang nagsasama ay naging routine na niya ang taga-ayos ng kurbata at taga buntones ng long sleeves at suit nito.
“I just can’t believe na maiiwan kang mag-isa dito habang nasa party ako.”, wika nito. Pagigil namang hinawakan ng dalaga ang mukha ng binata pagkatapos ay ginawaran ng munting halik ang mga labi.
“Okey lang ako dito, sige na baka malate ka pa.”, malambing na turan ng dalaga.
Sa kasweetan ng dalaga ay ipinulupot ni Nate ang mga kamay sa baywng ng nobya at hinapit palapit sa kanyang katawan. Agad namang ipinalibot ni Mia ang mga kamay sa leeg ng binata pagkatapos ay nakangiting tumitig sa gwapo nitong mukha.
Kahit siguro maghapon at magdamag siyang nakatitig sa mukha nito ay hindi siya magsasawa. Para sa kanya, si Nate ang pinakagwapong lalaki sa mundo. Mula sa kanyang malalagong kilay na nagbibigay-buhay sa kanyang mukha, hanggang sa mahahaba, maiitim, at kulot niyang mga pilik-mata na nagpapaganda sa kanyang kulay tsokolateng mga mata. Ang kanyang matangos na ilong ay nagdadala ng dignidad, at ang kanyang mga labi... ang kanyang mga labi ay sapat na upang mawala ito sa sarili.
“And what is the meaning of that smile?”, pukaw ni Nate habang busy ang kamalayan ng dalaga sa pagdedetalye sa napakagandang features nito. Ngunit gumiti lamang ito pagkatapos ay inilapit ulit ang labi sa mga labi nito. Kung mayroon man itong pinakagustong gawin sa binata, iyon ay halikan ang mga malalambot nitong mga labi.
“I love you, babe.”, nakangiting anas ng dalaga. Ngunit sa halip na sumagot ang binata ay ito naman ang nagtakip sa mga labi ng nobya.
Akala ni Mia ay sandali lamang ang gagawin nitong paghalik sa kanya ngunit hinapit siya ng mahigpit palapit sa katawan nito at hindi na binitiwan ang mga labi. Pinaglaro pa nito ang kanilang mga dila hanggang mapaungol ang dalaga sa pagdausdos ng mainit na labi nito sa makinis niyang leeg. Subalit bigla niyang naimulat mga mata ng maramdaman ang pagbukol ng hinarap nito.
“Babe, yung pupuntahan mo?”, saway niya dito kahit hindi sumang-ayon ang ilang parte ng kanyang katawan. Gustong-gusto niya ang ginagawa ng binata subalit nakabihis na ito’t lahat at baka malate lamang ito kung hayaan niya ang nagsisimula nitong pagnanasa.
“I don’t care, baby. I want you now!”, tugon ni Nate pagkatapos ay sinelyuhan ulit mga labi ng dalaga habang pinagapang ang mga kamay ang katawan nito at hagilapin ang pagkakabuhol ng bestida.
Nang matanggal ang pagkakabuhol ng damit ng dalaga ay kusa itong nalaglag sa sahig at tumambad ang maladiyosa nitong kahubdan. Bukod sa napakaputi ay sobrang kinis, sobrang lambot, sobrang sexy, at higit sa lahat ay napakabango ang katawan ni Mia. Kung saan gustong gusto niyang hawakan, halikan, at sambahin. She is so ethereal that he can't resist touching her every time she is near.
Pinakawalan nito ang labi ng dalaga pagkatapos ay pinaglakbay ang mga labi mula sa leeg nito hangang sa dibdib. He kissed every inch of her, claiming every part of her body. He worshipped her with his mouth. He tasted her, each lick a silent promise, a desperate plea. He didn't want to stop, couldn't stop, until she cried for mercy.
“Babe, take me now, please?”, may pagmamakaawang daing nito habang nakapikit at kagat kagat ang mga labi sa sensasyong idinudulot ng kanyang ginagawa. Imbes na sundin ang kagustuhan nito ay natuwa siya sa nakikitang expression ng dalaga, and for that he wants to touch her more.
“No, baby, I want to feel you more.”, saad niya pagkatapos ay binuhat ang dalaga at maingat na ipinatong sa kama. Tinanggal ang pang-ibaba nitong saplot pagkatapos ay halos mabaliw ito sa sumunod niyang ginawa. At ang malakas na pag-ungol at pasambit ng kanyang pangalan ay nakadagdag sa kagustuhan niyang iparamdam dito ang rurok ng kaligayahan.
“I love you so much, baby.”, anas ni Nate habang nakayakap sa katawan ng dalaga pagkatapos ng hindi inaasahang pagniniig.
“I love you, too, babe. Mag-ayos ka na, siguradong hinihintay ka na ni Mike ngayon.”, nakangiting tugon ni Mia sabay lingon sa binata na nasa likuran at mabilis namang binusalan ni Nate ang bibig nito.
“You’re mine, okay?”, saad ng binata at napalo ng dalaga ng mahina ang bisig nito. Sa tagal na nilang nagsasama hindi na mabilang ni Mia kung ilang ulit ng narinig ang linya ni Nate na ito.
“Of course, babe, saiyong saiyo lamang ako… at ikaw, siguraduhin mong wala akong kahati saiyo?”, birong pahayag ng dalaga at seryoso namang tumitig ito sa kanya.
"I'm absolutely sure of that because you're the only girl I'll ever want.", aniya at walang kasintamis ang ngiting sumilay sa labi ng dalaga sa sobrang kilig. Sino ba ang hindi makikilig kung ganito ang linyahan ng taong mahal na mahal mo?
“Oo na! Naniniwala na ako. Magbihis kana baka ikaw na ang tatanghaling grand entrance sa party ng kaibigan mo.”, wika ng dalaga habang hindi matanggal tangal ang matamis na ngiti sa mga labi.
„Sure ka talagang hindi sasama, ha?”, pag-uulit na namang tanong nito. Natawa na lamang ang dalaga sa kakulitan nito kasabay ng paghila nito patayo pagkatapos ay patulak na ipinasok sa banyo upang mghugas ng katawan bago tumuloy sa party.
„Bye, babe, uwi ako before 12.”, pahayag nito bago lumabas sa may pinto.
“I'll be waiting for you. Have fun at the party and take care. Send Mike my warmest greetings!”, tugon ng dalaga at minsan pa ay hinalikan ng binata sa labi bago tuluyang umalis.
Nang mawala sa paningin si Nate ay wala sa sariling napabuntunghininga si Mia. BIgla kasing tumahimik ang paligid sa pagkawala nito sa paligid at kahit kalalabas lamang sa pinto ay namimiss na niya agad ito.
Siya pala si Mia, isang manunulat sa isang sikat na publishing company. Dahil flexible ang work schedule niya ay madalas na nakastay lamang sa loob ng bahay at dito ginagawa ang trabaho. Marami na rin siyang natanggap na gantimpala at parangal mula noong nagsimula siya sa trabaho. Lowkey lamang siya, ibig sabihin hindi niya ibinabandera ang mga karangalang natatanggap. Marami siyang fans somehere pero gusto niyang maging private ang personal na buhay kaya gumagamit siya ng pen name. Si Maia Olivares pala siya at hindi lang siya simpleng manunulat. Lingid sa kaalaman ng lahat ay siya ang editor-in-chief sa publishing company na pagmamay-ari ng kanyang ama. Hindi pag-aari pala nilang dalawa.
Hindi siya close sa kanyang ama simula noong naghiwalay sila ng ng kanyang ina sampung taon na ang nakakaraan. Ang tatay niya ang unang nagloko at hindi iyon matanggap ng kanyang ina kaya nakipaghiwalay dito. Pero ilang taon din ang nakaraan ay nakahanap din ang kanyang mommy ng lalaking nagpatibok ulit sa puso nito at kagaya ng kanyang daddy ay nagkaroon din ng bagong pamilya. Nagkanya kanyang nuhay ang mga magulang niya na hindi man lamang inalala ang kanyang nararamdaman. Feeling nga niya sa mga panahong iyon ay wala siyang halaga sa mundo dahil ang mga magulang na dapat bubuo sa kanya ay iniwan siya. Nagdamdam siya sa mga magulang sapagkat mas pinili ng mga ito ang mga pansariling kaligayan kesa sa kanya. Mabuti na lamang at buhay pa noon ang kanyang lola na siyang nag-aruga at nagmahal sa kanya na dapat ay responsibilidad ng mga magulang niya.
Kung hindi dahil sa kanyang lola malamang ay napariwara ang kanyang buhay. Tinuruan siyang maging mapagbakumbaba at maging matatag sa lahat ng panahon kahit anumang hamon ng buhay ang dumating. Palagi nitong sinasabi na hindi dapat magtatanim ng galit sa mga magulang sapagkat yun daw ang nakatakda nilang kapalaran. Pero kahit anong paliwanag nito tungkol sa nasira nilang pamilya ay hindi matatanggal ang dulot nitong malalim na sugat sa kanyang puso. Ilang taon na rin simula ng mawala ang kanyang lola pero magpahanggang ngayon ay hindi niya mahanap sa puso ang pagpapatawad sa kanyang mga magulang. Kung kailan ay hindi pa niya alam, basta sariwa pa ang sugat na linikha ng mga ito at ang idinadaan niya lamang sa pagsusulat ang nararamdaman. Dahil dito ay naging payapa ang masalimuot niyang mundo.
At dahil naging trabaho na niya ang pagsusulat ay naging daan naman ito upang makilala niya si Nate na siyang nagbigay ng kulay sa kanyang mundo. Bukod sa yumaong lola ay ito lamang ang nagparamdam na mahalaga siya. Minahal siya ng binata at sa piling nito ay sumaya ang kanyang buhay. Mahal na mahal si Nate at sa ngayon ay dito na umiikot ang kanyang mundo. Ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat upang mapanatili ang maganda nilang pagtitinginan at hindi gumaya sa mga magulang.