Nag tungo muna ako sa opisina at magtatrabaho muna ako at mamaya pa naman ang dinner namin with Lolo. Nang makarating ako ng opisina nagpark lang ako ng sasakyan at bumaba hanggang sa maglakad papasok sa loob ng kumpanya at maging sa opisina ko. Nakita kong tambak ang mga files sa desk ko at agad kong hinanap si Analia. "Analia, where are you??" tawag ko sa pangalan nito. Ngunit hindi ito nasagot man lang kaya baka wala ito doon at hindi naman nagsabi sa akin na hindi siya papasok ngayon. Nagsimula na akong mag open ng computer at nag basa ng unang folder at okay naman sa akin kaya agad ko itong pinirmahan at itinabi sa gilid ng desk ko. Para malaman ko kong ano na ang mga natapos ko sa hindi. Ayoko ng paulit ulit na trabaho at naiirita talaga ako. Nang matapos ko ang iba pang files at

