"Kayo ho, hindi po ba may taning na ang buhay niyo?" tanong ni Sandra. "Aba'y! Saan mo naman nalaman yan hija?? Tingnan mo nga ako at malakas pa ako sa kabayo." biro ni Lolo pero, alam ko mapipikon na siya. "Kay Terrence po." sagot ni Sandra. Napatingin sa akin si Lolo ng masama. "Hijo, mag-uusap tayo mamaya." mariing wika ni Lolo. "Yes po, Lo." sagot ko at natahimik na lang. Ngayon pa lang nag iisip na ako agad kong anong ipapaliwanag ko dito. Mas naging close pa yata sila ng lolo ko kumpara sa akin. Hinayaan ko na lang muna silang magbonding at sa tingin ko naman nakuha na ni Sandra ang loob ng lolo kong pihikan. Mas okay naman sa akin 'yon. At hindi ko na kailangan pang maghanap ng bagong babaeng ihaharap sa kan'ya. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila at hindi ko alam kong a

