Dumilim ang buong silid dahil pinatay ang ilang ilaw lalo na ang chandelier ngayon na pinatay ang ibang ilaw ay Isang dim lights na lang ang natira at parang nasa loob na kami sa bar habang nag-iinuman. Nakaalis na si Mr. Cavaliere, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng presensya niya sa loob ng silid. Ang iba sa amin ay sinisikap magpanggap na normal ang lahat, pero hindi ko maikakaila na lahat kami ay apektado sa nangyari kanina. Habang sumimsim ako sa alak na napili ko ay nakita ko naman si Si Lucifer na tahimik na umiinom sa kanyang whisky, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa malayo. Habang si Lazarus naman ay nagtatangkang magpatawa upang gumaan ang paligid ngunit walang nangyari. Si Ambrose naman ay kagaya ng dati, nanatili na kalmado at mapagmasid. Habang si Victor naman ay tahimik d

