Hindi na kami bumalik sa bawat kwarto namin sa hotel. We stayed all night here at the private room. Mabuti na lang at kakilala pala nila ang may-ari kaya pumayag. Halos hindi ako nakatulog. Paulit-ulit na nag-play sa isip ko ang nangyari, ang mga sinabi ni Lucifer, ang mukha ni Gabriel bago siya umalis. Hindi ko alam kung paano ako makatulog sa ganitong sitwasyon. Habang nagkakape kami– pampagising lang, dahil wala naman talagang gana– nang bigla na lang may kumatok. Nagkatinginan kaming apat. Sino naman kaya 'to? Ang aga-aga pa atsaka walang binilin si Lucifer na may darating ngayon. Pagbukas ng isang staff ay may kasama ito na nasa likuran niya, kasunod na pumasok ang isang lalaki siguro nasa late 50s na ito, pero hindi naman siya sobrang tanda kung tignan. Nakasuot ng mamahaling suit
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


