Kanina pa ako nakadilat dahil hindi makatulog. Nakakahiya kasi ang nangyari kanina. Mabuti na lang talaga at naibaba ko ang suot na skirt dahil biglang pumasok si Lazarus. Pinilit kong makatulog hanggang sa nakatulog nga, pero alas dos na. Pagkagising ko ay kaagad na may kumatok mula sa labas ng kwarto. Mabilis naman akong lumapit upang tingnan kung sino. Sinilip ko pa ang itsura ko sa malaking salamin at baka si Lucifer ang nasa labas at makita pa akong dugyot. Pagbukas ko ay ang isang kasambahay, 'yong babae kahapon. “Magandang umaga po, bakit po?” magalang na tanong ko rito. Marahan naman itong tumango at tumingin sa akin, “Magandang umaga din po, Miss. Pinapasabi pala ni Mr. L na mag-ayos daw po kayo dahil aalis po kayo ngayon,” magalang na sabi nito at agad ngumiti sa akin ng marah

