Nang makarating kami sa pantalan ay kaagad naman lumapit sa amin ang kanyang tauhan, isang kulay itim na kotse ang pumarada sa harapan namin. “Get in,” sambit ni Lucifer ng binuksan niya ang pintuan ng kotse. Walang imik akong pumasok at kaagad na sinuot ang seatbelt. Si Victor naman ay nasa harapan at katabi ko naman si Lucifer, hindi ko alam kung saan nagpunta si Lazarus. Habang papunta kami sa destinasyon ay pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. This is my first time, dahil kami noon ni papa ay hanggang tiangge lang kami dahil mas mura doon at yon lang din talaga ang kaya naming bilhan. “You okay?” tanong ni Lucifer sa akin. Kaagad naman akong tumango at huminga ng malalim, ilang sandali lang ay papasok na kami sa parking lot ng mall. Asia sky mall, pagbasa ko pa kan

