Bago pa kami makarating sa kotse ay biglang may nagpaputok ng baril, kaagad naman akong hinila ni Lucifer padapa. “Head down!” Sigaw ni Lucifer at tinabunan niya ako gamit ang kanyang buong katawan. Mabilis naman akong sumunod sa kanyang sinabi, nagpalitan ng putok ang kalaban at mga tauhan ni Lucifer. Ilang minuto pa kami sa ganong posisyon ng wala nang nagputukan ay kagad akong tinulungan na makatayo ni Lucifer at pumasok sa kotse. Hinihingal akong pumasok sa loob, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para bang anumang oras ay hihimatayin ako. “Kilala mo yun? Kalaban mo?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “ I don't know, Lazarus will investigate it later. ” seryoso niyang sagot sa akin. Inilabas niya naman ang kanyang baril mula sa compartment sa ilalim ng upuan niya. I think pi

