Panandalian akong nawala sa sarili. Nanatili ang nag-aalab niyang tingin sa akin na naging dahilan kung bakit pinanghihinaan ako ng tuhod. Hawak niya pa rin ako hanggang ngayon.
“Available ba 'yong kabilang kwarto?” tanong nito sa mababang boses.
I gasped because of his question. Marahan niya pa rin na iginagalaw ang hinlalaki niya sa pisngi ko. Lahat na yata ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa ulo ko.
Why would he ask that question?
“P-Pwede naman sa kwarto ko,” mahina kong sagot.
Is this really happening? Kanina lang ay dalawang beses ko siyang sinampal tapos ngayon ay nasa ganito na kaming sitwasyon? Ang malala pa ay tinatanong niya pa kung available ang kwarto ni Hency. Of course, I would not let that happen. Hindi pwedeng sa kwarto ng kaibigan ko dahil nakakahiya sa may-ari.
Kumunot ang noo ko nang umangat ang magkabilang sulok ng kaniyang labi. Nagtataka ko siyang tinignan lalo na nang mahina siyang matawa. Bahagya pang yumuko para itago ang pagtawa.
Frustration slowly rose in my system. He completely wrecked the momentum… not that I want something to happen between us.
“Sa bahay ko ikaw titira o ako ang titira rito? That is why I am asking if the spare room is available. Hindi ko naman alam na iyan pala ang iniisip mo, well, pwede naman—”
Itinulak ko siya palayo. “Shut up!”
Kung kanina ay namumula ang mukha ko dahil sa init na nararamdaman, ngayon ay dahil sa inis sa lalaking nasa harapan ko ngayon. I want to smash his face, 'yong mas malala sa ginawa niya kay Oliver.
Malakas na tumawa na ito nang lumayo ako sa kaniya. Parang may lumalabas na usok sa tenga ko dahil sa tawa niyang iyon.
“I know that you have an appetite for that because you are pregnant. Pwede mo naman akong gamitin sa bagay na iyon, hindi ako magagalit. You just have to ask me nicely.”
Hindi ko siya pinansin. Padabog na pumasok ako sa kwarto. As soon as I closed the door, I stomped my feet on the floor because of annoyance.
Talaga ba na inakala ko na may mangyayari sa amin? I am such a slut! Ang mokong, halata naman na gusto niya rin iyon pero pinili pa na asarin ako. One of these days, I will sew his lips together so that he can stop smiling like an idiot!
Ipinantay ko na muna ang paghinga ko bago lumabas. Paglabas ko ay wala na si Marco ngunit nasa lamesa ang niluto niya kanina. Napansin ko rin sa takip na may iniwan siyang sticky note.
Eat before it gets cold. I'll be back :)
Marco
I rolled my eyes. “Huwag ka ng bumalik!” inis na sabi ko.
Kahit na inis pa rin ako sa kaniya ay kinain ko pa rin ang niluto niya. Ayaw ko man aminin pero mas gugustuhin ko na kainin ang luto niya kaysa sa luto ko. Hindi niya deserve ng puri ko pero totoo naman na maging siyang magluto. Kaya siguro maraming babae rin ang nahuhumaling sa kaniya.
Nang matapos kumain at naligo na ako. I was feeling extra hot today. Hindi ko alam kung sa panahon ba o dahil sa nangyari kanina.
I should stop thinking about what happened earlier. Hindi maganda ang dulot ng lalaking iyon sa akin.
Dahil mainit nga ay sleeveless black silk terno pajama ang isinuot ko. Muntik na hindi magkasya ang tiyan ko at maging crop top. Mabuti na lang ay ako lang ang mag-isa rito sa condo.
I spent my whole afternoon in my room reading. Dahil wala na akong mapanuod ay inabala ko na ang sarili sa pagbabasa. Luckily, I did not throw away the books that Hency gave me. Nahinto ako nang maisip ko siya.
Kumusta na kaya siya? Hindi pa rin siya sumasagot sa mga messages at tawag ko.
Nahinto ako sa pagbabasa nang tumunog ang alarm sa may pintuan ko. Tumutunog iyon kapag may pumapasok.
I was expecting to see William because he had the spare key card but my jaw dropped when Marco entered. Nang tuluyan niyang maibaba ang dalawang duffle bag na dala niya ay pinagsalubong niya ang tingin namin.
“So, saan ako matutulog?” parang wala lang niyang tanong sa akin.
Kung nakakasugat lang ang tingin ay malamang puno na siya ng sugat sa katawan, lalo na sa mata.
“What the fuçk? Pumayag ba ako? Hindi naman, ah!”
Imbis na sagutin ang tanong ko ay naglakad siya at nilagpasan ako. Inilipat niya ang mga gamit niya sa ibaba ng sofa bago dumiretso sa kusina.
“Magluluto ako, may gusto ka ba?”
Parang may lumalabas ng usok sa ilong ko dahil sa kaniya. Gusto kong sumigaw dahil sa kapal ng apog ng lalaking ito.
“Hindi ako pumapayag na dumito ka. Kaya I'll be thankful if you leave right now, magpapahinga na ako.” Itinuro ko ang pintuan ko para paalisin siya.
Imbis na pakinggan ako ay nagsimula na siyang gumalaw sa kusina para magluto. Mariin akong pumikit para pakalmahin ang sarili. Someone, please give me enough patience because it is at its limit.
Naglakad ako palapit sa kaniya. Marahas ko na hinawakan ang mapintog niyang braso. Sandali lang pero alam ko na kung gaano katigas iyon. Napalunok ako dahil naisip ko pa talaga ang bagay na iyon.
“Sabi ko umalis ka na, Marco! Ipapatawag ko ang security kung hindi ka aalis.”
“You expect me to leave you all alone here? Matapos ang nasaksihan ko kanina? Baka hindi mo alam, maaaring mangyari ulit iyon. Hindi ako papatulugin ng konsensiya kung sakali.”
Natigilan ako dahil tama siya. Hindi ko kilala ang Oliver kanina. Now that I remember again his tight hug wherein I almost lost my breath, I got scared.
“Hayaan mo muna ako rito hanggang manganak ka. Habang nandito ako ay hindi kita guguluhin pero syempre pagsisilbihan ka. Ako ang magluluto ng pagkain mo, ako bibili ng mga cravings mo, ako na ang bahala.”
And the realization hit me like a truck. Ginagawa niya ito dahil nag-aalala siya sa kapakanan ng anak ko, hindi dahil concern siya sa akin. Hindi ako makapaniwala na nag-expect ako sa bagay na iyon.
Kailangan ko na yata ipa-tattoo sa noo ko na kaya kami magkasama ngayong dalawa dahil sa anak ko, nothing more.
Bumuntong-hininga ako. “Okay fine! Pero once I that gave birth lalayo ka na sa akin.”
Nakita ko ang bahagyang pagsimangot ng mukha niya. “What? Ilalayo mo sa akin ang bata?”
“Kung pwede lang,” bulong ko. Mukhang narinig niya iyon kaya lalong sumama ang timpla ng mukha niya. “I mean, pwede mo siyang bisitahin o ipasyal kapag may trabaho na ako, pero magagawa mo lang 'yon kapag nakakapagsalita na siya.”
I don't trust men, meaning kasama roon si Marco. Kung babae ang magiging anak ko, lalo akong mangangamba. Ngunit tatay si Marco kaya kapag nakakapagsalita na ang anak ko ay pwede niya na hiramin. Kaya gusto ko na nakakapagsalita na ang anak ko kung sakali para maisumbong niya sa akin ang maaaring mangyari. Gusto ko malaman kung saan siya dinadala, anong ginagawa nila, kung masaya ba siya. Ganoon din kahit na lalaki ang maging anak ko.
“Sige, pwede na 'yon.” Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. “By the way, nice sleepwear.”
“Pervert!” singhal ko sa kaniya bago siya talikuran.
Nakapasok na ulit ako sa kwarto ko pero rinig na rinig ko pa rin ang tawa niya.
Kinatok niya rin ako para kumain. Kahit ayaw ko lumabas para kumain dahil nandoon siya ay lumabas pa rin ako dahil gutom ang bata.
Hinawakan ko ang umbok ng tiyan ko. “Ikaw anak, ah. Siguraduhin mo lang na malusog at malakas ka paglabas mo dahil ang dami mong pinapakain kay Mommy.”
Paglabas ko ay nakaayos na ang lamesa. Nakatayo lang si Marco sa gilid kaya nagtaka ako. Inirapan ko siya. Ugatin sana ang paa niya.
Ikinagulat ko na ipinanghila niya ako ng upuan. Nagawa niya na ito noon pero bakit nagugulat pa rin ako.
Hindi ko na iyon masyado pinansin at naupo na lang. Nang tignan ko ang niluto niya ay naduwal ako. Nagmamadali akong tumayo para magsuka sa lababo.
Paborito ko ang sinigang na baboy pero hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaksiyon ko sa ulam na iyon.
Naramdaman ko agad ang paghaplos ng malaking kamay ni Marco sa likod ko.
“Hey, what's wrong?” nag-aalalang tanong niya.
Nagmumog na muna ako bago siya tignan ng masama. “Anong inilagay mo sa ulam na 'yon? Bakit ang baho! Nakakasuka!”
Kumunot ang noo niya, nagtataka sa nangyayari sa akin.
“I don't like it," dagdag ko pa.
Huminga siya ng malalim. “Alam mo na malala ang pagkainis mo sa akin pero hindi mo kailangan na babuyin ang pagkain. Just tell me that you don't want to eat it, and I'll cook something else.”
Babuyin? Hindi naman iyon ang gusto ko.
My eyes started to swell. Hindi na ako nakapagsalita habang nakatingin sa kaniya dahil sa pag-aakala niya na binababoy ko ang pagkain. Hindi ba pwedeng hindi ko lang talaga gusto? I don't like the smell, even its look. Anong alam ko kung may ibang inilagay siya roon para gantihan ako.
Naging malikot ang mata niya, halata ang pagkantaranta dahil sa sunod-sunod na luhang tumulo sa mata ko. Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi gumagalaw.
“Fuçk, I am sorry. Hindi ko dapat sinabi iyon. Yes, yes, mabaho nga 'yong niluto ko pero wala akong inilagay… o baka may nasama ako na hindi dapat isama.”
Tumalikod ako sa kaniya. Naglakad ako papunta sa sala para maupo sa sofa. Kinuha ko ang remote para buksan ang TV.
“Tamara, anong gusto mo? Babaunin ko na lang sa office bukas ang iniluto ko.”
Hindi ako kumibo. Comedy ang nasa palabas pero hindi ako makatawa dahil parang kinukurot ang puso ko. Akala niya ba ay nag-iinarte lang ako? May pasabi-sabi pa siya na ang bahala sa akin pero hindi naman niya kaya. Mabilis din siya mapikon!
“Tamara,” parang may mali sa tenga ko dahil tunog naglalambing iyon.
Umusog ako palayo sa kaniya nang maupo siya sa tabi ko. Lumapit siya ulit kaya ako naman ang umusog palayo. Umusog siya at uusog sana ulit ako pero nahawakan niya na ang bewang ko. Ipinalupot niya ang braso sa akin.
“Ano ba!” suway ko sa kaniya.
“Sorry na, Tamara. Tell me what you want to eat, lulutuin ko.”
Hindi ko na talaga siya papansinin sana pero kumakalam na ang sikmura ko sa sobrang gutom.
“Kahit ano,” malamig kong sagot.
“Adobo?” suwestiyon niya.
Umiling ako. “No,”
“Nilagang baboy?”
“Ayaw ko,”
“How about bulalo?”
“Too much grease, ayaw ko.”
Bumuntong-hininga hininga siya. “Then what do you want?”
“Ewan ko! Basta kahit ano nga.”
“Tamara, paano ko malalaman kung anong iluluto ko na magugustuhan mo kung hindi mo sasabihin kung ano?” mahinahon ang pagkakasabi niya pero sa pandinig ko bilang buntis ay nagrereklamo siya.
I crossed my arms. “Hayaan mo na lang kaming mamatay ni baby rito tutal ay hindi mo alam kung ano ang gusto naming kainin.”
I heard him chuckle. Napatingin ako sa kaniya na lukot ang mukha dahil sa inis na hindi niya alam ang gusto kong kainin.
“Anong nakakatawa? Matutuwa ka kapag namatay kami ni baby, 'no!" sigaw ko sa kaniya.
“Huwag kang sumigaw. Nakakatuwa ka lang maglihi. Gusto mo na malaman ko kung ano ang gusto mo nang hindi mo sinasabi, tama?”
I stiffened when his face went near my neck. I heard and felt him sniffing my scent there. Natameme ako bigla, nablanko ang ang isip ko.
“You're cute, alam mo ba? Believe it or not but this side of you is turning me on.” Magaspang at malandi ang pagkakasabi niya.
Napalunok ako. “B-Bastos,”
Napasinghap ako nang maramdaman ang tuktok ng ilong niya sa leeg ko. “Dapat alam ko kung ano ang gusto mong kainin? Hmm?”
“O-Oo, kasi ikaw ang nakabuntis sa sakin kaya dapat alam mo.”
What am I thinking? Sabi ng utak ko ay itulak ko na siya palayo sa akin dahil ang pamilyar na init ay nagsisimula na naman manumbalik.
He laughed quietly, sending vibrations on my body. “Ako hindi mo ako tatanungin kung anong gusto kong kainin?”
Para na akong malalagutan ng hininga lalo na nang maramdaman ko ang bahagyang pagdampi ng labi niya sa sensitibong parte ng leeg ko. Napapikit ako dahil sa kakaibang sensasyon na iyon.
Aaminin ko, I want him. It's been so long since my last lay. I miss something inside me, lalo na at ngayong buntis ako. Nasabi ng doctor ko na normal lang iyon sa mga buntis.
“Dapat alam mo rin kasi ikaw ang nagdadala ng anak ko. You have my DNA inside you.”
I know that we are talking nonsense. Kahit bata ay alam na hindi tama ang pinagsasabi naming dalawa.
I moaned when I felt his warm hand moving up and down on my exposed arms. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan.
Ang mga labi niya ay umangat sa tenga ko. Hindi ko maiwasan na bahagyang mapaungol lalo na nang bigyan niya iyon ng halik.
“Now tell me what you want to eat, and we'll have our dessert later.”
Dessert... I've been craving it.