Five months of being pregnant already changed my life drastically. Natapos ko ang 3rd-year ko ng walang ibang nakakaalam bukod kay William, Marco, at Hency na buntis ako. Siguro dahil ay mga baggy na ang isinusuot ko noon. Nahihirapan na rin ako na itago dahil maliit akong babae kaya may kalakihan ang tiyan ko.
Hindi na dapat ako nagtataka kung bakit malaki ang tiyan ko, higante ba naman ang tatay.
Akala ko masasanay na rin ako na mag-isa sa loob ng limang buwan na buntis ngunit nagkamali ako. Mas naging mahirap sa akin ang lahat. Sa totoo lang ay parang hindi ko na kilala ang sarili ko.
Dahil bakasyon na at walang pasok ay nakakulong na lang ako rito sa condo. Halos napanood ko na lahat ng series, drama, at movies kaya ngayon ay wala na akong magawa. Sinubukan ko rin mag-practice magluto pero tuwing natatapos ay naiiyak na lang ako dahil hindi iyon ang gusto kong kalabasan.
Tulad ngayon, ako lang mag-isa at naisipan ko na gayahin ang napanood ko sa social media na pritong kangkong. Nagpabili pa ako kay William ng mga ingredients para rito pero masasayang lang pala sa wala. Kung hindi sunog ay pangit ang lasa. Pinangakuan ko pa naman siya na bibigyan siya, pero mukhang alam na niya ang kalalabasan kaya siya na mismo ang tumanggi.
I was sobbing as I washed the things that I used. I am so bored right now. Gustuhin ko man na lumabas ay hindi ko magawa dahil natatakot ako na may makakita sa akin.
I knocked on my door and interrupted my thoughts. Iniwan ko na muna ang mga hinuhugasan para pagbuksan ang kung sino iyo. Impossible na si William iyon dahil binigyan ko siya ng spare key card. Si Marco lang ang naiisip ko na pupunta ngayon.
“Bakit ngayon–” nahinto ako sa pagsasalita nang mapagtanto kung sino iyon. “Oliver? Anong ginagawa mo rito?”
“Tamara, is it true? May iba ka na?” tanong nito sa nanginginig na boses.
He looked miserable right now. Kung noon ay kaawa-awa lang ang itsura nito ngunit ngayon ay hindi ko na siya mamukhaan. He lost weight, and he kind of reminds me of someone who has not taken a shower for days. Was he depressed? Pero limang buwan na ang nakalilipas simula nang putulin ko ang kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa.
Bumuntong-hininga ako. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng konsensiya. I know there was no label between us before, and I am partly the one to blame because I indulge myself with him despite not having a single ounce of romantic interest in him.
“First of all, walang tayo para tanungin kung may iba na ba ako. Second of all, I don’t have anyone with me. You know my opinion about this.”
Una pa lang ay sinabi ko na wala akong kahit ni katiting na intensiyon sa pagkakaroon ng romantikong interest sa mga lalaki. What I liked about him before is that he isn’t narrow-minded. Kapag sinasabi ko na galit ako sa lalaki ay tumatawa lang ito, hindi katulad sa iba na magagalit at sasabihin na hindi naman lahat. Kung hindi lang niya inamin ang pagkakaroon nito ng feelings sa akin ay baka may namamagitan pa rin sa amin ngayon.
Ang mukha nito ay binalot ng sakit. Bahagya siyang yumuko, pero umangat din ang tingin sa akin. “Kung ganoon ay bakit ayaw mo akong tanggapin? Tamara, lahat gagawin ko. Kung gusto mo akong magpanggap na wala akong nararamdaman sa ‘yo, gagawin ko, bumalik lang tayo sa dati. I promise, I will know my limits–”
Kung sasabihin ko sa kaniya ngayon na buntis ako ay panigurado na lalong hindi siya magtitigil. Iisipin niya na siya ang ama ng nasa sinapupunan ko. Pasalamat na lang ako na oversized shirt ang isinuot ko ngayon kaya hindi halata ang may kalakihan ko ng tiyan.
“Oliver, let us not further hurt ourselves. Wala kang magiging future sa akin. Maraming babae riyan na gusto at naghahabol sa ‘yo, sila na lang ang pagtuunan mo ng pansin, huwag ako.”
Nagulat ako nang lumuhod ito sa harapan ko. He held my hand and kissed it. Mabilis kong hinila iyon paalis sa kaniya pero hindi ako natagumpay dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya.
“Oliver,” may pagbabanta sa boses ko.
Sunod-sunod ang naging pag-iling niya. Ramdam ko na sa kamay ko ang pagtulo ng luha niya. His sobs sound hurtful. Kung hindi lang ako buntis ay wala akong magiging pakialam pero ngayon na naririnig ko ang mahihina ngunit masakit niyang pag-iyak ay kumikirot ang puso ko.
“Babe, I-I am begging you… tanggapin mo ulit ako.”
Napatingala ako dahil hindi ko kaya na makita siya na ganito. Kahit papaano naman ay may pinagsamahan kami. He is a nice man, maalaga at lagi akong inaalala. It is just that I can’t be the same person again. Kailangan kong magbago para sa anak. I want to be the best role model for my child.
“Oliver, trust me, you wouldn’t want someone like me. Huwag mo ng hayaan na masaktan pa ang sarili mo sa isang katulad ko. You have a life, live it to the fullest instead of chasing me. Wala kang mapapala sa akin, Oliver.”
I gasped when he stood up and pulled me into a hug. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Pakiramdam ko ay mapipisa na ako sa sobrang higpit ng yakap niya. Nahihirapan na akong huminga dahil sa klase ng yakap niya ay ayaw na ako nitong pakialam.
Itinulak ko siya palayo pero wala akong sapat na lakas para roon. Wala na akong ibang magawa kung hindi ang umiyak dahil nahihirapan ako. I don’t want his hug. Ramdam ko sa yakap niya lahat ng kinikimkim niyang sakit dahil sa akin.
“Ano ba ang nagawa ko? Mali ba na mahalin kita? I did not force you to love me back, kaya bakit ang hirap sa ‘yo na tanggapin ulit ako. Ha?! Tell me! How can I move on when you become my support system?”
“T-Tama na,” I whispered. Lahat ng lakas ko ay naubos dahil sa masakit nitong yakap. “Please… bitawan mo ako.”
Akala ko ay hindi na maaalis ang mahigpit at masakit na yakap niya sa akin ngunit may malakas na pwersa na humila sa kaniya palayo sa akin. Natumba sa sahig si Oliver, ngayon ay wala na itong lakas dahil parang papel lang siyang naibalibag.
Humihikbi pa ako nang magtama ang nagbabagang mga mata ni Marco. Napalitan din iyon ng pag-aala dahil sa mga luha na nagkalat na sa mukha ko.
“M-Marco,” tawag ko sa kaniya sa mahina at maliit na boses.
Umigting ang panga nito. Hinarap niya si Oliver na umayos na ng tayo. Tulad niya ay galit din ang nakikita kong ekspresyon, pero hindi kay Marco kung hindi sa akin.
“Pumasok ka na sa loob, Tamara,” mariin na utos niya sa akin.
Umiling ako. Alam ko na sa oras na pumasok ako sa loob ay mag-aaway silang dalawa. Ayaw kong magkasakitan sila.
“Siya ba? Siya ba ang ipinalit mo sa akin? Ha?!”
Napapikit ako sa lakas ng boses ni Oliver bago umiling bilang sagot.
“Don’t shout at her or else I will throw all my inhibitions left and smash your face,” mahinahon ngunit mapanganib na wika ni Marco.
Nagmulat ako ng tingin para tignan si Marco at ilingan ito. Ayaw ko siyang madamay dito. Hindi naman siya kasali kaya bakit nandito pa siya? This is between me and Oliver only.
Ngumisi si Oliver sa kaniya. “Matapang ka? Alam mo ba na kahit kailan ay hindi ka magagawang mahalin ni Tamara? She only wants your body. She only seeks for intimate pleasure. Man, I am warning you, she’s far more than her angelic face.”
Yumuko ako dahil sa kahihiyan na nararamdaman. Tama si Oliver pero bakit ang sakit? It is indirectly saying that I am not capable of feeling something other than lust and heat.
“And you expect me, what? Na layuan siya? No wonder she left you. You are an asshole. Kung may hindi man kamahal-mahal dito, ikaw ‘yon. Better fix yourself first before begging someone.”
Nang mag-angat ako ng tingin ay palapit na sa akin si Marco. Humakbang ako palayo sa kaniya. I don’t want anyone near me. Bumalakas ang sakit sa mukha nito dahil sa ginawa kong paglayo.
“U-Umuwi na kayong dalawa,” wika ko.
Tumalikod na ako para pumasok sa loob pero may humigit ng braso ko. Muntik na akong mawalan ng balanse kung hindi lang may pares ng kamay na humawak sa balakang ko para hindi ako matumba. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa pag-aakalang matutumba ako. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan na tila pinoprotektahan ito.
“Sa akin ka, Tamara. Ako lang dapat ang–”
He could not finish his words when Marco’s fist landed on his left cheek. I shrieked because of how hard Marco’s punch was.
Naitakip ko ang kamay ko sa bibig, hindi alam ang gagawin.
Dahil natumba na naman si Oliver ay kinuha ni Marco ang pagkakataon na iyon para daganan ito at paulanan ng sunod-sunod na suntok. Walang nagawa si Oliver kung hindi ang walang lakas na itulak paalis si Marco sa ibabaw niya.
“Marco!” sigaw ko ng matauhan. “Marco!”
Natatakot ako hindi dahil sa nangyayari sa kanilang dalawa ngayon, kung hindi dahil maaaring mapatay niya si Oliver. Dahil sa pamamayat ni Oliver ay higit na malaki na sa kaniya si Marco.
Nilingon ako ni Marco. Akmang tatayo na siya pero nakabawi si Oliver. Gamit ang hawak nitong cellphone ay sunod-sunod niyang inihampas sa ulo ni Marco ang kanto ng cellphone na hawak. Si Marco naman ngayon ang natumba.
My eyes widened when blood trickled down Marco’s temple. Puno rin ng dugo ang mukha ni Oliver pero iba ang nararamdaman kong pag-aalala dahil sa tumutulong dugo sa gilid ng ulo ni Marco.
Sakto naman na may dumating ang security. They took both Oliver and Marco in their quarter. Si Marco ang nakiusap na huwag na akong isama. Hindi ko alam kung paano niya napapayag dahil hindi na nila ako pinilit na sumama.
Pumasok ako sa loob. Tulala ako pagkapasok ko. Hindi ako makapaniwala na may nangyaring ganoon. Hindi ko namalayan na nakahawak pa rin ako sa tiyan ko hanggang ngayon.
Sa tagal kong nakatingin sa kawalan ay hindi ko namalayan na bumukas ang pinto.
“You did not close your door properly,” wika ng mahinahon ngunit malalim na boses.
I did not turn around to look at him. I don’t like what he did. Hindi lang siya nakasakit, nasaktan din siya. Wala tuloy akong ibang masisi kung hindi ang sarili ko. Walang ibang pwedeng sisihin kung hindi ako.
Hindi niya ako nilapitan o kinulit. Hindi ko siya pinansin. Nakaupo lang ako sa sofa, inabala ang sarili sa pag-iisap. Pero hindi rin katagalan ay nilingon ko siya.
Nasa kusina siya. Ang puting white long sleeve niya ay nakatupi hanggang siko niya. Dahil nakatalikod siya sa akin ay malayo kong ipinagsawa ang mga mata sa malapad nitong likod. Nang humarap siya ay hindi agad ako nakaiwas ng tingin. Una kong napansin ang bakas ng dugo sa gilid ng noo niya.
“Nagluto ako, halika na,” aya niya sa akin. Dala ang mangkok kung nasaan ang ulam ay ibinaba niya sa lamesa.
Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad papunta sa kung nasaan siya. Inusog niya ang upuan para makaupo ako pero hindi ako umupo. Tumayo ako sa harapan niya, walang emosyon.
“Do you need anythi–”
Sinampal ko siya. Ngayon ay nagbabaga ang mga mata ko na nakatingin sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ako natutuwa sa ginawa nito, ang makialam kanina, kaya lang ay nawalan ako ng boses. Ano na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa kung hindi dumating ang security? Maaring hindi lamang sugat sa gilid ng noo ang matamo niya.
“Why did you–”
Muli ko siyang sinampal. Bahagyang tumagilid ang mukha nito dahil sa lakas ng sampal ko.
I was about to slap him again but he held my wrist firmly. Bago ko pa masubukan na bawiin ang kamay ko ay mabilis na napunta ang isang kamay nito gitna ng panga at pisngi ko para hilahin sa mainit at mapangparusa na halik. Nablangko ang utak ko. Ang planong pagbawi ng kamay ay hindi ko na gawa.
I should be pushing him away but what am I doing? Nagawa ko pa na pumikit para lasapin ang halik niya.
Nang maramdaman niya na hindi ko na siyang muling sasampalin ay binitawan niya na ang kamay ko. Using his free hand, he held my waist and pulled me closer to him. Lalo akong napatingala sa kaniya. Nalulunod sa kung paano unti-unting nagsimulang gumalaw ang malambot niyang mga labi.
Nang humiwalay siya ay naghabol ako ng hininga. Akala ko lalayo na siya pero hindi. Titigan niya ako, parang anumang oras ay mawawala ako sa harapan niya. I shiver when his thumb starts caressing my cheeks slowly and sensually.
“Hindi mo alam kung gaano ako nagpipigil simula pa kanina.” Lumapit muli ang mukha niya sa akin kaya akala ko ay hahalikan niya ako ulit.
Pumikit na ako sa pag-aakala pero ang mga labi nito ang napunta sa tenga ko. Marahan na dumadampi doon ang labi niya. Para akong mawawala sa katinuan dahil sa kakaibang sensasyon.
“Slap me again and I’ll tie you to your bed.”