Baby Angel… iyan lang ang nakalagay sa lapida na pangalan. He gently placed the basket of flowers under. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang bawat bugso ng lungkot, hinagpis, at panghihinayang para sa nawala naming anak. Alam ko na sa loob-loob namin na dalawa ay sarili pa rin namin ang sinisisi pero alam ko rin na mawawala iyon. “Sabi mo noon napanaginipan mo ang anak natin, sabi mo kamukha ko siya. Y-You saw her after you gave birth to her, right? It is true that she looks like me?” tanong niya habang ang tingin ay nasa puntod pa rin ng anak namin. “Yes. Pareho kayo ng mata, ilong, kilay…” Inalala ko ang itsura niya noon. A surge of happiness rushed into me while remembering her. “Labi lang yata ang namana niya sa akin? O baka wala talaga. Para siyang anghel kaya kaya Angel ang ipina

