I woke up feeling like shít. Paano bago ako matulog kagabi ay nasilip ko pa si Marco na nasa labas ng bahay. Kung noon ay hindi siya makausap ng mga kapitbahay, ngayon ay parang matagal silang magkakaibigan na hindi nagkita. May isa pa akong kapitbahay na pinatuloy siya sa bahay nila para kumain ng hapunan. I even overheard them saying that he was courting me. Ang lalaking ‘yon, hindi man lang itinanggi. Bumangon ako at tinahak ang nakasarado kong bintana. Dahan-dahan kong binuksan ng kaunti para silipin kung naroon pa ang kotse. Bumuntong-hininga ako dahil naroon pa. Napatingin ako sa orasan, alas sais pa lang ng umaga pero nasa labas na ito. Hindi tulad kahapon, mas komportable na ang damit niya. He is wearing a gray shirt and black shorts. Nasandal siya sa hood ng sasakyan niya ha

