The presence of Coco who always smiles at me is gone, I cannot see him anymore. He’s now back to looking ruthless and untouchable. Hindi ako nakakilos. Ni hindi ko maalis ang titig sa kaniya. Sa kabila ng takot na nararamdaman ay hindi ko mapigilan na maginhawaan dahil nasa maayos siyang kalagayan ngayon. Anong gagawin ko? Nang makita kong humakbang siya ng isang beses ay nagmamadali akong naglakad paalis. Wala na akong pakialam sa lugaw sana ni David, gusto kong makawala sa presensiya niya. He didn’t stop or call me. Bahagya akong nakahinga ako ng malawag nang lumiko na ako sa kanto at walang nakasunod sa akin. “Tamara?” takang tanong ni David nang pagbuksan niya ako ng pinto. May sakit nga siya. Nakasuot siya ng hoodie at pants. Matamlay ang itsura at parang anumang oras ay t

