Bea's POV
Hanggang sa sinundo ako ng asawa ko ay lutang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin kong desisyon. Kung hahayaan ko bang balikan ko si Keith at makipag-divorce agad sa asawa ko. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin.
Pakiramdam ko mababaliw na ako dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Mahal ko si Keith 'yon ang totoo pero si Gio alam kong nakapasok na rin siya sa sistema ko.
"Are you okay?" napatingin ako sa asawa ko na naka-focus lang sa pagmamaneho pero nagawa pa rin mapansin na lutang ako.
"O-Oo naman," sabi ko kahit isa itong kasinungalingan lang. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa asawa ko. Baka kapag inamin kong naguguluhan ako ay ito ang pag-awayan namin dalawa.
Nirerespeto ko si Gio kaya kung maaari ay ayaw kong gumawa ng pagsisisihan ko sa huli. Kailangan kong makapag-isip ng maayos.
"I feel like that guy has something to do with you being quiet right now," he said calmly.
Tinabi niya sa gilid ang sasakyan at mahigpit akong hinawakan sa buhok ko bago sumandag sa likod ng upuan at tumingala siya ng nakapikit.
Nakahinto na kami dito sa gilid ng kalsada at gabi na kaya hindi ko maaninagan ng maayos si Gio. Pero nakikita ko na nakakuyom ang mga kamao niya na handa nang sumuntok.
"Ano ang na pag-usapan niyo ng Keith na 'yon?" malamig na tanong niya sa akin.
Nanatili akong tahimik at ilang beses na napalunok. Nag-aaway na kami ngayon ramdam kong mag-aaway kami ngayon.
"Nagkabalikan na kayo?" tanong nito kaya nanlaki ang mga mata ko at napailing-iling kahit na alam kong hindi siya nakatingin sa akin.
"Gio," tawag ko sa pangalan niya pero hindi siya tumingin sa akin. Nakapikit lang siya kaya hinawakan ko ang nakakuyom niyang kamao.
"Don't play with me, Bea. 'Wag mo akong paglaruan. Ginusto mo itong kasal na ito... ngayon bumabalik si Keith, tatalukiran mo ako?" hindi makapaniwalang sabi ni Gio at tumingin sa akin kaya napakagat ako sa ibabang labi bago ko siya sinagot.
"Pero mahal ko siya," pag-amin ko sa asawa ko.
Mas magandang mapag-usapan namin dahil baka kapag nagkasagutan kami ay makapag-isip ako ng tama para sa ikakabuti ng lahat.
Kailangan kong mamili, hindi pwedeng habang kasa-kasama ko si Gio ay si Keith ang iniisip ko. Gusto ko bago kami lumipat ng asawa ko sa bahay nito sa Visayas ay buo na ang desisyon ko na siya ang gusto kong makasama.
Ayaw ko na may iniisip na iba dahil kung si Gio ang pinili ko ay dapat siya lang ang iniisip ko. Walang Keith at wala ng iba pa. Tanging si Gio lang, ang asawa ko lang.
"May mahal rin naman akong iba pero nasa tabi mo ako ngayon. Maayos ang pakikitungo sa 'yo," sabi ni Gio habang titig na titig sa mga mata ko.
Pero magkaiba kami ng sitwasyon si Keith na mahal ko at si Yna na mahal ni Gio. Magkaibang-magkaiba kami dahil si Yna kasal na samantalang si Keith ay gusto akong makuha mula kay Gio.
"Pero kasal na ang mahal mo," sabi ko kaya biglang nagbago ang emosyon sa mga mata sa asawa ko.
"Sa tingin mo kung talagang hindi kita nirerespeto, nasaan ako? Nando'n sana sa babaeng mahal na mahal ko at gumagawa sana ako ng paraan para mapasa akin siya," sabi niya kaya napayuko ako.
Tinanggal niya ang magkakahawak ko sa kamay niya.
"Sana noong una palang bago tayo nagpakasal naisip mo na mangyayari ito. Sana hindi ka na lang nagpakasal sa akin. Because you have given me the right to own you," he said coldly. Hinawakan ako sa baba at nagsalubong ang mga tingin namin. "Sa akin ka na. And no, hindi kita ibibigay kay Keith. Dahil kung may mamahalin ka man na tao ay hindi ang lalaking 'yon kundi ako."
Bigla naman kumalabog ang puso ko at may paru-paro na namang nagliliparan sa loob ng t'yan ko na kumikiliti sa akin.
"Pinapahirapan mo ako Gio," kinakabahang sabi ko.
Pinapahirapan niya ako at nililito din ang puso ko kung sino na ba talaga ang nagmamay-ari nito.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa bigla niyang paghawak sa leeg ko gamit ang isang kamay niya. Halos masakot rin ng kamay niya ang pisngi ko. Malambing ang pagkakahaplos niya sa akin.
"Ako rin, pinapahirapan mo ako Bea," mahinang sabi nito kaya ilang beses akong napalunok.
Lalo nang unti-unting lumapit ang ulo sa akin ni Gio at katulad sa mga napapanood ko sa mga pelikula kung saan sinasalubong ng babae ang ulo ng lalaki at maglalapat ang kanilang mga labi.
Hindi ko nahalikan si Gio noong kasal namin kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam ng mga mapupula at nakakaakit na labi ng asawa ko.
Konting-konti nalang at magdidikit na ang mga labi namin. Naamoy ko na ang mabangong hininga ni Gio at konti nalang ay mararamdaman ko na ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko.
Baka kapag naglapat ang mga labi namin ay makuha ko ang sagot na gustong-gusto kong malaman.
Pero napamulat kami ng mga mata ni Gio at halos maduling dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Tumutulog lang naman ang cellphone ko.
"A-answer it," sabi ni Gio at humiwalay sa akin. Nakita kong umiwas siya ng tingin at naisuntok ang kamao sa manubela.
Napalunok naman ako dahil mabilis pa rin ang t***k ng puso ko at tila nawalan ako ng hininga at nauhaw ako bigla.
Pero nagulat ako ng makita ang pangalan ni Keith sa screen ng cellphone ko.
"Si Keith tumatawag," sabi ko habang titig na titig pa rin sa screen ng cellphone ko.
"Sagutin mo na," sabi ni Gio at pinausad na ang sasakyan namin. Sinunod ko naman ang asawa ko. Mabuti din na magpalit nalang ako ng sim card para hindi na alam ni Keith ang number ko.
Third Person's POV
Hindi alam ni Gio kung ano ang pumasok sa utak niya kanina at muntik na niyang mahalikan si Bea. Kung hindi tumawag ang Keith na 'yon ay naglapat na ang mga labi nilang dalawa at 'yon ay hindi maganda para sa kanya.
Kanina bigla nalang naging blangko ang utak niya nang makita niya ang labi ni Bea na mapupula at tila inaakit siyang halikan at lasahan.
Para siyang mababaliw ngayon dahil sa simpleng labi lang na muntik na niyang mahalikan ay tinigasan siya. Hindi niya alam pero saglit siyang nakalimot ng titigan niya ang magandang mukha ng asawa niya.
"Hello," rinig niyang sabi ni Bea.
"Loud speaker mo," sabi niya kaya napatingin sa kanya ang asawa. Agad naman umiwas ng tingin at may pinindot sa cellphone nito.
"My A-Amore," sabi ni Keith at masasabi niyang lasing ito dahil hindi na malinaw ang sinasabi at medyo maingay ang lugar kung nasaan ito.
"Are you drunk?" gulat na tanong ni Bea at kita niya ang pagkunot ng noo nito.
Hindi niya alam pero bigla siyang nainis dahil sa nahimigan na pag-aalala sa boses ng asawa niya.
"O-of course not... pagagalitan mo ako kapag uminom ako remember?" aabi nito at pinilit na maging maayos ang pagsasalita.
"Tanungin mo kung nasaan siya. Susunduin natin, ayaw ko naman sa pag-uwi natin ay siya ang iisipin mo habang katabi mo ako," sabi niya dahil hindi niya kayang tiiisin si Bea.
Alam niyang importante ito sa asawa at nakikita niya din ang sarili kay Keith dahil ganito din siya noong aalis si Abilene at nakipaghiwalay sa kanya. Kahit wala siyang pera at kinapalan na niya ang mukha niya at nagmakaawa dito.
Uminom din siya ng uminom kahit hindi mamahalin ang inumin niya katulad ng kay Keith na nasa bar pa 'ata ay naaawa pa rin siya. Samantalang siya noon ay sa tindahan lang sa harapan ng bahay nila noon siya umiinom.
Bago niya naisipan na mag-move on at magbakasyon kaya nakita niya si Yna na gusto din kalimutan ang nakaraasn.
"Oh your husband is there beside you. Sabihin mo sa kanyang hindi siya ang kailangan ko at hayaan ka na niyang mapunta sa akin," sabi nito kaya mahigpit siyang napahawak sa manubela.
"Shut up Keith! Where are you?" tanong na ng asawa niya na kanina pa nananahimik.
"My Amore! I'm here at Heaven in Your Arms Club," sabi nito at narinig pa niyang tumawa. "Hihintayin kita at ayaw kong makita ang lalaking 'yan kasama ka."
Kapag hindi pa ito magtigil ay masusuntok niya ito kapag nagkita sila.
Parang hindi maganda sa pakiramdam ng isipin niyang talagang mahal na mahal nito ang asawa niya. Para siyang mababaliw dahil sa kaisipang 'yon.
Gusto ko nalang angkinin ang asawa ko.
Pero hindi... baka nalilito lang siya sa nararamdaman at baka magaya lang kay Yna na parang kapatid lang ang turing niya para dito.
Pinatayan ng tawag ni Bea si Keith at may tinawagan si Bea.
"Hello Cloud. Pwede bang pasundo si Keith sa Heaven In Your Arms Club? Lasing kasi baka kung mapaano siya doon," sabi ni Bea kaya napatingin siya dito buti nalang ay nag red light na.
Akala niya ay sila ang susundo kay Keith. Hindi niya alam kung saan ang Heaven In Your Arms Club pero baka si Bea ay alam nito.
"Salamat! Ang bestfriend mong 'yon talaga! Alam mo naman kapag nalalasing ang lalaking 'yon!" sabi nito kaya napatango-tango naman si Bea na halatang sumasang-ayon sa sinasabi ng nasa kabilang linya.
Napangiti naman si Bea bigla kaya hindi na din niya napigilan na mapangiti dahil sa pagngiti ng asawa niya.
"Salamat talaga babae!" sabi ni Bea kaya napangunot ang noo niya.
Babae?
Si Cloud na kausap nito ay babae. Akala niya ay lalaki ang Cloud na bestfriend ni Keith. Nang maibaba na ni Bea ang cellphone ay nagsalita siya agad.
"Hindi ba ang weird. Si Keith pambabae ang pangalan samantalang ang bestfriend niyang babae ay panglalaki naman ang pangalan," sabi niya kaya natawa si Bea.
"Sinabi ko na 'yon sa kanila pero ang cute kaya ng Keith tsaka Cloud. Tsaka pangalan lang naman 'yon. Hindi naman mababago ng pangalan mo kung ano ang halaga mo," sabi ni Bea kaya malawak siyang napangiti at napatango-tango.
"I also love the named Bea Dean," sabi niya habang nakangiti kaya narinig niya ang tawa ng asawa.
"I love your name. Giovanni," sabi ni Bea habang nakangiti. "Because in Italian origin... the name Giovanni means The God is Gracious." Napangiti naman siya dahil sa sinabi ng asawa.
"And in american origin, Bea means blessed," sabi niya kaya natawa si Bea kaya nagsalita ulit siya, "I'm so Bea because the GOD is so Giovanni," makahulugan niyang sabi kaya mas natawa si Bea na mukang nakuha ang sinabi niya.
"Me too. I'm so blessed because the God is so gracious to give me you. God gave me you and... I choose you," sabi nito kaya bigla siyang nagpreno.
What the f**k?!
Bea's POV
"Our home," mahinang sabi ko at papasok na sana sa loob ng bahay namin ni Gio ng pigilan ako ng asawa ko.
Matapos nang pag-uusap namin sa kotse no'n at ng sabihin kong siya ang pinipili ko ay naging mas sweet ang asawa ko. Kinausap niya si Dad kinabukasan, matapos ang pag-uusap naming dalawa sa sasakyan.
Gulat ako noon at wala 'kong naramdaman na pagsisisi. Ngayon nagsisimula kaming dalawa ni Gio sa pinakauna ay sinabi niyang liligawan ako araw-araw.
Nagsisimula kaming mahalin ang isa't isa para naman maging masaya ang pagsasama naming dalawa bilang mag-asawa. Ngayon nasa Visayas na kami kung saan nasa harapan na ng bahay naming dalawa. Masyado itong malaki para sa aming dalawa pero sapat kapag nagkaanak na kaming dalawa.
Napailing naman ako at pahampas sa ulo ko dahil kasasabi ko palang na nagsisimula palang kaming kilalanin ang isa't isa at ito ako ngayon na iniisip na ang anak.
"Ano na naman ang iniisip mo na kailangan mong saktan ang sarili mo?" tanong ng asawa ko sa akin. Ngumiti nalang ako at umiling kaya napangiti nalang din si Gio at lumabas na naman ang dalawang malalim nitong biloy.
"I like your dimples," sabi ko habang titig na titig sa asawa ko.
"I like your dimples too," sabi niya sa akin kaya napailing ako dahil sa kilig na nararamdaman.
Napatili nalang ako ng buhatin ako ng asawa ko. Bridal style!
"Asawa na kita at bahay natin ito. Gusto kong buhatin ang asawa ko at ipasok sa bahay naming dalawa," sabi niya sa akin kaya napayakap ako sa leeg ng asawa ko at napatitig sa kanya
Nando'n na naman ang mga paru-paro sa t'yan ko at ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Nginitian ako ni Gio at hinalikan sa noo.
"Hindi kita ihuhulog kapag nasalo kita," sabi niya kaya napangiti ako.
Bakit ang sweet sweet ng asawa ko? Hindi ko akalain na ganito ka-sweet si Gio sa akin. Hindi naman pala lahat ng nababasa niya ay totoo na kapag hindi ka mahal ng mapapangasawa ay sasaktan ang babae physically at emotionally.
"Thank you Gio," sabi ko habang titig na titig sa mga mata ni Gio.
"You're welcome," sabi niya at nginitian ako. "Open the door... my wife," sabi niya kaya sinunod ko siya.
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay hindi ako nagulat ng puno 'yon ng mamahaling gamit. Mula sa paintings na nakadikit sa pader mga picture frames na naglalaman ng pictures namin noong kasal.
May iilan din na picture niya noong hindi pa sila magkakilala pero wala ni isa kay Gio. Baka si Dad ang nagbigay ng mga litraro para madisplay sa sala namin.
"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Gio at umupo sa sofa at pa-side akong nakaupo sa mga hita nito.
Napangiti naman ako at nilibot ang tingin sa buong sala at sa iba't ibang parte ng bahay na nahahagip ng mga mata ko.
"Tanga lang ang hindi gugustuhin ang ganito kagandang bahay," sabi ko at napangiti.
Pero mamimiss ko pa rin si Daddy . Sana magkausap si Nanay Soleen at ang Daddy ko. Gusto kong ipagpatuloy nila ang matagal nang natapos sa pagitan nilang dalawa. Siguro naman panahon na para mas maging masaya ang Daddy ko.
Sigurado akong gano'n din ang gusto ni Mommy na mangyari. Nasa taas na siya at ginagabayan kami. Hindi naman sasaya si Mommy kapag nalaman niyang nahihirapan pa rin si Daddy.
"Architect ka, hindi ba? Wala ka bang dream house?" tanong ni Gio sa akin kaya napangiti ako.
"Alam mo kung bakit ako nag-Architect?" tanong ko at napangiti. "Gusto kong magdrawing at magdesign ng bahay para sa mga mahihirap. Kaya merong ginawang charity noong ang kaibigan ko then nag-design ako ng bahay ng walang hinihinging perang pambayad. Alam mo 'yon, wala akong pakialam kung anong tinitirhan ko basta safe ako at nabubuhay ako. Mas gusto kong bigyan ng bahay 'yong mga walang pera at matitirhan kaysa isipin kung ano ang gusto kong bahay. Itong bahay natin sobra-sobra na ito," sabi ko sa kanya at ngumiti.
Titig na titig si Gio sa akin kaya hindi ko maiwasan na mapailing dahil sa titig niya para napakaimportante kong tao sa kanya.
"Hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti para magkaroon ng asawang katulad mo," sabi niya kaya napangiti ako.
"Ang dami kasing ang tataas ng pangarap. Pero hindi nila naiisip may mga taong para sa atin ay napakadaling makamtan ang mga pangarap pero sa mga kapos sa buhay... 'yon na pinakamahirap sa kanila ang mangarap ng mangarap na hindi alam kung kailan nila makukuha. Meron akong nakilala na pangarap niya lang bilhan ng cellphone ang anak dahil hindi kayang nakikitang pinagtatawanan ang anak niya dahil walang magandang cellphone. Pero ako napapalitan ko ng basta basta ang cellphone ko kung gugustuhin ko. See... for us it is easy to get what we want but for those who are poor in life, its very difficult," sabi ko at napatingin sa kamay ko kung nasaan ang wedding ring ko.
Napangiti nalang ako at humigpit ang yakap ng asawa ko sa akin. Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa pusisyon naming dalawa.
"Paano kapag tao na ang pinapangarap mo at lahat gagawin mo para makuha ang taong 'yon kaht gumamin ka pa ng iba para lang mapasakamay mo ang taong gusto mo?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
Yna?
The one that he truly love.
Hindi ko alam pero nakaramdam akong ng kirot sa dibdib dahil sa sinabi ng asawa ko. Sa tanong niya sa akin dahil pakiramdam ko ay talagang may pinagkukuhanan ito.
"Kung meron ng ibang handang makasama ang taong naghahangad pa ng iba. Bakit kailangan pa niyang habulin ang isa kung may taong handang manatili sa tabi niya?" tanong ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit nasabi ko.
Pero nandito na ako ngayon at handang ialay lahat kay Gio para lang mag-work ang relasyon namin bilang mag-asawa.
"You need to be satisfied with one person in order to be happy," sabi ko habang titig na titig sa mga mata ni Gio.
Gusto kong sabihin sa kanya na makuntento siya sa akin. Dahil para sa akin ay kuntento na ako sa kanya at handang kalimutan si Keith para magsimula ng bagong pag-ibig sa aming dalawa.
Hindi naman mahirap mahalin ang asawa ko dahil napakabait at ang sweet sweet nito.
"Bea," mahinang sabi niya sa pangalan ko kaya napalunok ako ng ilang beses.
"Remember what I said. Hindi lang dapat kaligayahan mo ang iniisip mo kundi 'yong taong umaasa sa 'yo," sabi ko sa kanya kaya napangiti siya.
"Noted... Misis," nakangiting sabi nito at namula naman ako dahil sa tawag niya sa akin.
Iiwas sana ako ng tingin ng tawaging niya ang pangalan kaya nagkatitigan kaming dalawa.
"Ang ganda ganda mo," sabi ni Gio kaya napangiti ako at humugot ng malalim na hininga at pinakalma ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok. Ang mga paru-parong naglikiparan sa t'yan ko ay hindi ko alam kung paano patitigilin.
"T-thank you," mahinang sabi ko at yuyuko na sana ng halikan nito ang noo ko.
"You're so beautiful," paulit-ulit na sinabi ni Gio bago niya ako niyakap.
Tanging pagkalabog lang ng puso ko ang naririnig at ang t***k ng puso ng asawa ko ang nararamdaman ko.
I will not deny the fact that I'm falling for my husband.