Chapter 3

3182 Words
Bea's POV "Umalis ka na Gio, ako ng bahala sa kanya," sabi ko kay Gio at hinawakan siya sa kamay. Hindi ko naman hahayaan na mapaaway ang asawa ko dahil kay Keith. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob si Keith at pumunta pa siya dito. For what? Wala na kaming dapat pang pag-usapang dalawa. Makakagulo lang siya sa amin kapag hahayaan ko siyang gawin ang gusto niya. "Siya pala ang ex mo na hindi pa rin matanggap na ako na ang asawa mo," sabi ni Gio at nakangisi na hinawakan ng mahigpit ang kamay ko ang humarap kami kay Keith. Nakita ko ang sakit na bumalatay sa gwapong mukha ni Keith nang napatingin siya sa magkahawak naming kamay ni Gio. Napakagat ako sa ibabang labi dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan si Keith. Ginawa ko ang lahat para pigilan ang sakit na nararamdaman ko dahil mali 'yon lalo na't hawak ng asawa ko ang kamay ko. Si Gio na ngayon ang kailangan kong alayan ng lahat lahat. "Let's go inside, Amore, I'm ready to fight for you to your father. Let's go inside and why the hell are you letting this man hold your hand?" tanong ni Keith kaya napayuko ako. Bakit niya ba sinasaktan ang sarili niya? Huli na siya! Dapat noong una palang ay pinaglaban na niya ako. E 'di sana siya ang asawa ko ngayon. Nangako na ako kay Gio at hindi ko sisirain ang pangakong 'yon. "Go home," mahinang sabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng asawa ko. "Why are you sending me home? You are my home," sabi niya kaya napapikit ako ng mga mata. Pinapahirapan lang ni Keith ang sarili niya. Nagmumuka siyang kawawa ngayon. "Leave Gio. I take care of Keith," mahinahon na sabi ko kaya napatingin sa akin ang asawa ko. Nginitian ko siya para ipaalam na kaya ko si Keith. "Kaya mo ba talagang mag-isa?" mahinang tanong sa akin ni Gio. Ngumiti ako ng pilit at tumango-tango dahil gusto ko din makausap si Keith ng masinsinan. 'Yong kaming dalawa lang. "Okay," sabi niya at hahalikan na sana niya ako sa noo nang magsalita si Keith. "Put that dirty lips of yours on my Amore's forehead and you'll find what you're looking for," Keith said coldly. Napaka-seryoso ni Keith kaya napanganga ako at gulat na napamulat ng mga mata dahil sa lamig at kaseryosohan sa boses ni Keith. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Gio dahil sa sinabi ni Keith. "Asawa ko siya," asar ni Gio kay Keith kaya nakita ko ang paggalaw at pangangalit ng mga panga ni Keith at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. "Gio please, tumigil ka na," buong ko sa asawa ko dahil alam ko kung anong kayang gawin ni Keith. Magaling makipaglaban si Keith. Kaya niyang patumbahin ang kahit na sino sa isang kislap lang ng mga mata. Ayaw ko naman ng gulo. Humarap sa akin si Gio at seryoso ang tingin na binigay niya sa akin. "Please umalis ka na. Kakausapin ko lang si Keith," pakiusap ko sa asawa ko dahil kapag hinayaan ko pang magtagal na manatili si Gio ay talagang magkakagulo at 'yon ang iniiwasan kong mangyari. "You are my wife Bea. That man has no right to my f*****g property and you are one of my property. 'Wag kang gagawa ng ikakagalit ko, Bea," sabi niya sa akin habang titig na titig sa mga mata ko. Napalunok ako ng ilang beses bago sinalubong ang seryosong tingin ng asawa ko sa akin. "Trust me. I won't do anything to make you angry," mahinahon na sabi ko sa kanya at ako na ang humalik sa pisngi niya at madiin siyang hinawakan sa kamay. "Pinagkakatiwalaan kita," seryoso pa din niyang sabi kaya nginitian ko siya. "I won't ruin it," madiin kong sabi kaya nakita ko siyang tumango siya bago naglakad papunta sa sasakyan niya at sumakay. Bumusina pa siya bago pinaharurot ng mabilis papalayo sa pwesto namin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis na si Gio. Humarap ako kay Keith at nagulat ng makita ko ang galit sa gwapong mukha ng lalaking minahal ko ng higit pa sa akin noon. "Mahal mo na ba?" seryoso at mahinang tanong ni Keith sa akin. "'Wag tayong mag-usap dito. Ang init," seryoso kong sabi at nakita ko siyang napatingin sa kotse niya kaya ako na ang naunang pumunta do'n at pumasok dahil 'di naman naka-lock. Nang makasakay na ako sa passenger seat ay sumunod rin agad sa akin si Keith. Napalunok ako ng ilang beses dahil ngayon ko nalang siya nakita ulit. Hindi ko naman akalain na pupunta pa siya dito sa bahay para lang sabihin na handa na siya. Pakiramdam ko ako pa ang mali dahil hindi ko man lang siya hinintay. Bakit ngayon pa kung kailangan kasal na ako at nakapagbitaw na ako ng pangako sa sarili ko na hindi ko hahayaan na masira ang relasyon namin ni Gio. Nagsisimula palang kami at ayaw ko naman na sirain agad-agad ang magandang simula naming mag-asawa. "Bakit hindi mo ako hinintay?" tanong sa akin ni Keith na nagpamanhid ng utak ko. Bakit nga ba? Dahil sa pride ko?! Oo, baka nga sa pride ko na meron nalang sa akin dahil iniwan niya ako sa ere noong malaman na ipapakasal ako sa iba. Iniwan niya ako nang sinabi ko sa kanya na pakasalan nalang niya ako at lumayo kasama ako. Handa kong waksakin noon ang pangarap kong maging mabuting anak sa daddy ko. Handa kong iwan ang daddy ko para sa kanya noon pero iniwan niya lang ako dahil sa kadahilanan na hindi pa siya handa tapos ngayon babalik ito at sasabihin sa akin sa harap ng asawa ko na handa na niya akong ipaglaban sa Daddy ko. Bakit ngayon lang? "Bakit iniwan mo ako sa ere?" balik na tanong ko sa kanya at napayuko at napahawak sa wedding ring namin ni Gio na siyang ebidensiya na kasal na ako at kailangan kong itapon lahat ng nararamdaman ko kay Keith at ibaling lahat 'yon sa asawa ko. Si Gio hindi man lang siya nagpakita na ayaw niya sa akin. Mabait at maganda ang pakikitungo niya sa akin kahit na pilit lang ang kasal naming dalawa. Hindi man lang niya ako sinaktan physically dahil Hindi niya gustong iparamdaman sa akin na ayaw niya sa akin. "Sinabi mo bang hintayin kita?" tanong ko pa dito habang hawak hawak ang wedding ring namin ni Gio na nakasuot sa palasingsingan ko. "But if you really love me you will wait for me no matter what," madamdamin na sabi niya sa akin kaya napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang iyak na nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. Pinikit ko din ang mga mata ko. "Nang ayain kitang pakasalan ako at makipagsapalaran sa malayo kasama ako ay tinalikuran ko lahat ng pangarap at pangako ko sa buhay Keith," sabi ko habang nakapikit ang mga mata. "Kilala mo akong may isang salitang tao at hindi binabali ang pangakong binitawan ko. Alam mo nang tanggihan at iwan mo ako ng basta basta... para akong sinampal ng lahat ng pangarap at pangako ko," sabi ko sa kanya at hindi na napigilan na mapaiyak. Tuwing naaalala ko ang araw na tinalikuran ko ang lahat para lang sa iisang lalaki ay nanghihina talaga ako dahil pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kong tao dahil pilit kong pinaglalaban ang ayaw akong ipaglaban pabalik. "Tinalikuran ko kasi lahat para sa 'yo.Tinalikuran kong maging mabuting anak para ipaglaban ka, tinalikuran kong maging mabuting tao para lang ipaglaban ka kahit na maging masama ang tingin sa akin ng Daddy ko. Lahat... Keith, tapos bigla mo akong iniwan sa ere at sinabi sa akin na hindi ka pa handa? Anong gusto mong gawin ko?" umiiyak na sabi ko at napatingin kay Keith na nakatingin din sa akin. Ang tangi ko lang nagawa noon ay bumalik sa Daddy ko at nangako ulit na hindi na hahayaan na biguin ko ang taong nagpalaki sa akin. 'Yon nalang ang kaya kong ibalik. Kailangan kong bumangon at mangarap ulit ng pareho sa tinalikuran ko dahil sa pagpili ng maling tao. "Pero handa na ako," mababang sabi sa akin ni Keith. "Huli na," mahinang sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya. "Nangako ka sa akin na ako ang pakakasalan mo. Nasaan na 'yon? Akala ko ba hindi ka nagbabali ng pangako sa isang tao. Handa na ako Bea," sabi niya sa akin kaya natawa ako. "Sino ba'ng bumali ng pangako, una palang? Ako ba Keith?" tanong ko sa kanya kaya natigilan siya. Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Walang may lakas ng loob na magsalita nakaupo lang kaming dalawa na para bang 'yon na ang huli naming pagkikita. "Kung wala ka nang sasabihin mauuna na ako," sabi ko sa kanya at bababa na sana ng magsalita ulit siya. "Aagawin kita..." Pinapahirapan niya ako masyado! "Hindi ako magpapaagaw sa 'yo. Kung pursigido ka talagang agawin ako. Kailangan mo munang humarap sa asawa ko," sabi ko sa kanya. "Don't call him your husband," madiin na sabi niya kaya matapang akong humarap sa kanya. "He is my husband." Napangisi naman siya at seryoso akong hinawakan sa pisngi na agad ko namang tinanggal. "Sa akin ka naman talaga," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko kaya ako naman ang malakas na tumawa. "Hindi mo ako naging pag-aari," sabi ko sa kanya kaya biglang sumeryoso ang mukha niya. "Take back what you said," seryosong sabi niya sa akin kaya natawa ako. "Naging tayo, Oo. Pero hindi mo ako naging pag-aari. Ngayon na kasal na ako si Gio... ang nagmamay-ari sa akin ngayon. Siya lang," matapang na sabi ko kaya mas dumilim ang tingin niya sa akin. "'Wag mo akong subukan Bea," sabi niya sa akin habang nakangisi. "Ako ang 'wag mong subukan Keith. Matagal na tayong natapos." "Kailan tayo natapos? Wala akong maalala Amore. Hanggang hindi ako pumapayag na tapos na nga tayo ay pag-aari pa rin kita. May asawa ka man o wala ay akin ka," sabi niya sa akin kaya napanganga ako. "Baliw ka," kinakabahan na sabi ko sa kanya. Naging malamig naman ang titig niya sa akin bago nag-iwas ng tingin. "Ikaw ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito. Mahal na mahal kita Bea. Hanggang mahal kita hindi ako titigil na maging akin ka nga talaga," sabi niya sa akin kaya nagmamadali akong lumabas at pumunta sa harap ng gate namin dahil sa takot kay Keith. Minsan lang gano'n si Keith. Nababaliw na si Keith! Ang dami-daming babae d'yan. Hindi pwedeng manatili siyang ako ang minamahal niya. Hindi pwede at hindi ako papayag. Madiin akong napapikit nang marinig ko ang sasakyan ni Keith na pinaharurot niya papalayo. Sana ay hindi na niya ako masundan. Hanggang dikit ng dikit si Keith sa akin baka magkasala ako sa asawa ko at hindi pwedeng mangyari ang bagay na 'yon. Mahal ko siya pero hindi ibig sabihin no'n ay hahayaan kong sirain niya ang pagsasama namin ni Gio. Seryoso ako ng sabihin kong magiging mabuti akong asawa sa kanya. I'm having a hard time what I'm going to do. Hindi ako pwedeng tumakbo at talikuran ang pagiging asawa ko at sumama na naman kay Keith na hirap malaman kung anong desisyon ang gagawin. "Ma'am Bea kanina ka pa po ba diyan? Bakit hindi po kayo nagdoorbell?" tanong ni Manang Soleen. Matagal na itong namamahala sa bahay namin. Noon pa habang nabubuhay ang ina ko. "K-kadarating ko lang rin 'Nay," pagsisinungaling ko at hinintay siyang pagbuksan ako ng gate. Nangmamadali naman akong pumasok at napatingin kay Nanay Soleen. "'Nay si Daddy?" tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "Nasa library niya sa taas. Alam mo naman 'yon kahit na retired na, gustong-gusto pa rin tulungan ang mga kuya mo sa pagpapatakbo sa kumpanya niyo," sabi ni Nanay Soleen at ngumiti sa akin. "May gusto ka bang kainin?" Umiling naman ako agad. Busog pa naman ako. "Kumain na po ako bago ako pumunta dito," sabi ko sa kanya at sabay kaming pumasok sa mansyon. Nagmamadali na akong tumaas para makausap ko si Dad kasi aalis na din kami ni Gio. Gusto ko naman na makausap ang Daddy ko bago ako sumama papuntang Visayas kay Gio. Pumunta naman sa kusina si Nanay Soleen dahil may gagawin pa raw kaya ng kumatok ako sa pinto ng library at narinig ang boses ni Daddy ay pumasok ako. "Good morning Dad," nakangiti kong sabi kaya tumayo naman si Daddy at lumapit sa akin. "Kasama mo ba ang asawa mo?" tanong nito kaya agad akong umiling. "May iche-check raw siya sa mga ibang business na pamumunuan niya here in Manila," sabi ko kaya napatango-tango si Dad. "Gusto ko pa naman makipag inuman sa asawa mo," sabi nito at naupo sa sofa ng library kaya tumabi naman ako sa kanya. "Dad, gusto mo na naman magpakamatay?" masungit na sabi ko kaya natawa si Dad. "Katulad na katulad ka ng mommy mo," sabi nito at napailing-iling. Inakbayan niya ako at ginulo ang nakalugay na buhok ko. "Namimiss ko na ang Mommy mo," sabi sa akin ni Dad kaya hindi ko mapigilan na napatingin sa family picture namin dito sa library. Gustong-gusto kasi ni Dad nakikita ang family picture namin kaya nagkalat dito sa bahay. "Same here, Dad. Same here," mahinang sabi ko. Gusto kong maging katulad ni Mommy na kahit na arranged married lang sila ni Daddy ay naging mabuti itong asawa at ina sa amin. "Dad bakit hindi niyo pinaglaban ang pagmamahal niyo kay Nanay Soleen?" tanong ko kaya nakita ko ang gulat sa mga mata ng Daddy ko. Hindi siguro na sabi ni Mommy na naikwento niya sa akin ang love story ni Nanay Soleen at Daddy. "Nasabi sa akin ni Mommy," sabi ko kaya kumalma naman ang mukha ng daddy ko. "Naikwento pala sa 'yo ni Bianca ang nakaraan namin ni Soleen," sabi ni Dad. Humilig ako sa balikat niya. Gusto kong malaman ang sagot dahil baka kapag narinig ko ang paliwanag ni Daddy ay kalimutan ko si Keith dahil hindi naman nagkakalayo ang nangyari noon kay Dad at sa nangyayari sa akin ngayon. "Bakit hindi mo pinaglaban Daddy?" tanong ko sa kanya kaya napabuntong hininga si Daddy. "Mahal ko si Soleen noon. Magkababata kaming dalawa at parehas na gustong makaahon sa kahirapan. Sabay na nag-aral at pinangako sa isa't isa na kapag nakatapos kami ng pag-aaral ay kami ang magpapakasal na dalawa," sabi ng Daddy ko kaya tahimik lang akong nakikinig. Parang kami ni Keith na nangako din sa isa't isa na magpapakasal kapag dumating ang tamang panahon pero hindi nagkatotoo dahil natali ako agad kay Gio. "Pero kailangang huminto ni Soleen at magtrabaho para pag-aralin ang mga kapatid niya. Nagsakripisyo siya para lang sa mga kapatid niya. Dahil hindi sapat ang kinikita ko noon para pag-aralin siya at sinabi niya sa akin na pag-aaral ko muna ang pagtuunan ko ng pansin at tsaka ko na siya isunod kapag natapos na ako," sabi ng Daddy ko at hinalikan ako sa noo. "Tapos Dad?" tanong ko dahil nagkaroon ako ng interes malaman ang nangyari kung bakit si Mommy ang pinakasalan niya. Hindi naman kasi buo ang sinabi ni Mommy sa akin. Ang sabi niya lang noon ay may nakaraan si Nanay Soleen at Daddy at talagang nagmamahalan silang dalawa. Si Mommy raw ang kontrabida. "Tapos mas pinagsikapan kong makatapos ng pag-aaral dahil kailangan kong masustentuhan ang pag-aaral ni Soleen. Pero nakilala ko ang Mommy mo. Umamin siya sa akin na gusto niya ako at lahat gagawin niya para sa kanya ako magkagusto. Hanggang sa lagi na kaming magkasama sa University noon. Binibigyan niya ako ng pagkain dahil wala naman akong pambili noon. Tapos pinapahiraman niya ako ng libro dahil wala akong pambili at nakikihiram lang sa library. Hanggang sa nakalimutan ko si Soleen na naghihirap sa pagtratrabaho dahil nga hindi nakapagtapos ng pag-aaral," sabi ni Dad at ramdam ko ang lungkot sa boses ng Daddy ko. "Tapos?" tanong ko sa kanya. "Pinakilala ako ng Mommy mo sa mga magulang niya at dahil nga nag-iisang anak ang mommy mo ay pinag-arranged kami. Noong una tumanggi ako pero nang sabihin niya sa akin na buntis siya ay pumayag ako. Kagra-graduate namin noong nagpakasal kami. Mapera ang Mommy mo pero ni isang singko hindi ako humingi sa kanya at nagsikap hanggang sa maipatayo ko ang mga ari-arian ko ngayon. Mag kaiba kami ng pera ng mommy mo at magkaiba ng pinapatakbong kumpanya. Hanggang sa naging tatlo ang anak namin," sabi nito habang nakatingin sa family picture namin. "Anong nangyari kay Nanay Soleen?" tanong ko sa kanya. Babae si Nanay Soleen kaya alam kong masakit malaman na maikasal ang lalaking minamahal mo tapos wala kang kakayahan na pigilan 'yon. Lalo na ang nararamdaman ni Daddy para sa kanya. "Pinaalam ko sa kanya at alam mo ba ang sinabi niya sa akin noong sinabi ko sa kanyang ikakasal na ako? Tandang-tanda ko pa ang bawat katagang binitawan niya," malungkot na sabi ni Dad at narinig ko ang pagsinghot-singhot nito. "Ano Dad?" tanong ko sa kanya. "'Kung talagang ako ang mahal mo ay hindi ka magpapakasal. Pero alam kong matagal nang nawala ang pagmamahal na meron ka sa akin. Ang pangakong binitawan natin sa isa't isa... nawa'y tuparin mo sa kanya. Maging masaya ka dahil kapag naging masaya ka ay magiging masaya na rin ako. Mahal na mahal kita Raul.'" Tumingin ako kay Dad at namumula ang mga mata niya. Mahal pa rin kaya nito si Nanay Soleen? "Nagsisi ka;ba na si Mommy ang pinakasalan mo?" tanong ko dahil nakikita ko talaga ang sakit sa mga mata ng daddy ko. Tumitig lang ito sa family picture namin. "Hindi. Mahal ko si Bianca at kung si Soleen ang pinili ko wala sana kayong tatlo," sabi ni Dad pero ramdam kong may pagsisisi din siyang nararamdaman. "Sabi ni Mommy nakapagtapos daw si Nanay Soleen dahil sa perang binigay niyo noon sa kanya. Bakit naging katulong siya dito sa bahay? Masyado na ang sakit na binigay niyo sa kanya noon tapos hinayaan niyo pa siyang manatili dito. Nakita niya ang paglaki namin at nakikita ka niyang masaya sa amin. Bakit Daddy? Bakit sinaktan mo ng gano'n si Nanay Soleen?" tanong ko at nangingilig na ang luha sa mga mata ko. "'Yon ang hiling ng Mommy mo. Gusto niya kahit papaano ay malapit sa akin si Soleen. Sinubukan kong makipagbalikan kay Soleen ng pinagbubuntis ka pa lang ng mommy mo noon pero ayaw ni Soleen dahil hindi niya raw hahayaan na magkasala ako," sabi ng Daddy ko kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. "Kung mahal mo pa si Nanay bakit hindi ka makipagbalikan sa kanya. Siguradong gusto rin ni Mommy na makita kang masaya," sabi ko sa kanya pero umiling-iling si Daddy. "Ayaw ni Soleen at nirerespeto ko siya," sabi niya at tumayo. "Cr lang ako, Anak," sabi niya pa at nagmamadaling pumasok sa Cr. Napapikit naman ako ng madiin. Anong gagawin ko?! Nagsisi din si Dad nang pinili niya si Mommy! Paano kapag magsisi din ako ngayong pinipili ko si Gio?! Dapat ba si Keith ang piliin ko? O si Gio? Sino?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD