Bea's POV
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Gio. Katatapos namin kumain ng umagahan. Maaga akong nagising at gumayak kaya nagtataka siya.
"Kila Dad sana. Bago tayo pumunta sa Visayas gusto kong makausap si Dad," sabi ko kaya napatango-tango naman ang asawa ko.
Wala akong naalala na nagkausap si Gio at si Dad na para talagang close na silang dalawa. Hindi ko nga narinig na tinawag ni Gio na Dad and ama ko. Siguro naninibago palang dahil hindi man lang sila nabigyan ng pagkakataon na mapalapit sa isa't isa.
I don't know if the two will be close. Mukang ayaw naman mapalapit ni Gio sa ama ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko. Ayaw ko naman magsalita ng patapos pero napapansin ko lang.
Ako rin naman nahihiya akong mapalapit sa mga magulang ni Gio. Hindi ko nga alam kung ano ba'ng mga ugaling meron sa magulang ng asawa ko. Basta ang alam ko lang kailangan kong pakisamahan ang mga magulang ng asawa ko.
Minsan ko lang silang nakita at nakasama noong araw lang ng kasal naming dalawa at wala naman akong nahalata na hindi maganda ang ugali nila.
"Ayaw mo bang sumama sa akin?" tanong ko sa asawa ko. Hindi ko alam kung anong kinakalikot nito sa cellphone niya.
Gusto ko namang mapalapit sa asawa ko. Hindi ko lang alam kung saan magsisimula. Getting to know each other palang kami. Kung ano ang pinapakita at pinaparamdam niya makukuntento ako doon.
Ayaw ko naman ng kumplekadong relasyon. Masakit sa utak, napagdaanan ko na kay Keith at ayaw ko nang maranasan pa.
"Not now my wife. busy din ako," sabi niya sa akin at tutok na tutok pa din sa cellphone niya.
Pasimple ko namang tinignan kung anong pinagkakaabalahan ng asawa ko at gano'n nalang ang pagtataka ko nang makita kong gumagawa siya ng f*******: account. Nakakagulat 'yon sa isang lalaking busy sa buhay dahil dagdag lang 'yon sa pag-aaksayahan nila ng oras.
Sa pagkakaalam ko sa asawa ko, magiging CEO pa naman ito ng isang malaking kumpanya sa Visayas. May kumpanya rin ang mga magulang dito sa Manila pero mukgang sa visayas ang main building ng kumpanya ng asawa ko.
"Pwede bang ihatid mo naman ako sa mansyon?" tanong ko sa kanya. Gusto ko naman kasing ipakita sa Dad ko na maganda ang samahan namin ni Gio at nagsisimulang kilalanin ang isa't isa.
Ayaw ko namang mag-alala ang Daddy ko. Ang alam ko kaya siya pumayag na maikasal ako kay Gio dahil gusto niyang maging maayos ang buhay ko.
May tiwala naman ako kay Dad. Hinding-hindi niya ako ilalagay sa posisyon kung saan mahihirapan ako.
Nag-angat ng tingin sa akin ang asawa ko kaya nginitian ko siya. Ngumiti naman siya sa akin agad at hinawakan ako sa kamay na siyang kinagulat ko.
"Oo naman, bakit hindi? Pupunta kasi ako sa limang business ni Dad dito sa Manila kaya hindi kita masasamahan sa bonding niyo ni tito — I mean ni P-papa. Sorry," paliwanag niya sa akin kaya napangiti ako ng pagkatamis-tamis.
"Ayos lang. Maiintindihan naman ni Dad kapag ipaliwanag ko sa kanya. Ihatid mo nalang ako," nakangiting sabi ko dahil sinusubukan ng asawa kong mapalapit sa akin.
Nginitian nalang niya ako kaya ngumiti din ako agad agad. Ang pogi pogi talaga ni Gio. Malayo sa kutis ni Keith ang kutis ni Gio. Maputi kasi si Keith samantalang si Gio ay napakamoreno. Siguro dahil talagang naalagaan ni Keith ang kutis niya tsaka nasa hospital lang lagi si Keith dahil doctor siya.
Gio's haircut was clean, napaka gwapo tignan. Para ngang hindi laki sa yaman tsaka magaspang ang kamay ni Gio.
Nakakapagtaka 'yon sa mayaman na katulad ng asawa ko.
"Hmm, Bea. Date tayo bago tayo umalis dito sa Manila," sabi ni Gio kaya napanganga ako sa
gulat.
Hindi ko naman akalain na ganito siya kabilis.
"A-Ahh s-sige," putol-putol na sabi ko dahil nakakabaliw naman ang pag-aaya sa akin ng asawa ko. Mukha naman na nakita niya ang gulat sa mga mata ko dahil umiwas siya ng tingin sa akin at binitawan ang kamay ko.
"I mean — a-ano... 'di ba kasi — a-ahm okay lang naman kung ayaw mo pa," sabi niya sa akin at mabilis na tumayo at binulsa ang cellphone na hawak-hawak nito.
Natigilan naman ako at napalunok.
Wew! Magkatabi na nga kaming matulog pero hindi pa din niya mapigilan na mahiya sa akin.
"H-halika na, ihahatid na kita," sabi nito at mabilis na iniwan ako kaya hindi ko mapigilan na mapangiti at mapailing-iling ng ilang beses dahil sa itsura ng asawa ko.
He's so adorable. So cute. Ngayon lang naging cute ang moreno sa akin. Kasi noon ang tingin ko sa kanila ay sexy. Just kidding! hindi ko na naman mapigilan na hampasin ang ulo ko dahil sa kung anong pumapasok sa isip ko.
Nakakatae! Hindi ko na talaga naalis ang paghampas-hampas sa ulo ko para magising ako sa kahibangan ko.
"Bea!" malakas na tawag ng asawa ko sa akin kaya hindi ko napigilan na mapatalon dahil sa gulat.
"Nandiyan na!" sigaw ko naman at mabilis na kinuha ang shoulder bag ko kung nasaan ang wallet at cellphone ko. Hindi na ako magdadala ng kung ano ano.
Nasa likod lang ako ng asawa ko nakatitig ako sa kanya habang naglalakad siya papunta sa elevator.
Ang swerte swerte ko kung sa pisikal lang ng itsura ay talagang may ibubuga ang asawa ko. Sa nakakabaliw na titig palang nito dahil sa maganda nitong mga mata ay talagang tuluyan ka nang mawawala sa tamang pag-iisip.
Nakasakay kami sa elevator at may kasabayan kaming dalawang babae na tingin ng tingin sa asawa ko kaya pasimple akong napairap sa hangin. Mabait akong tao pero kapag sa akin ay sa akin lang pero dahil hindi pa naman namin kilala ang isa't isa ng asawa ko hahayaan kong pagnasaan siya ng mga tao sa paligid namin.
'Wag lang talagang magagawang mambabae ng asawa ko dahil talagang tuluyan akong magwawala. Nirerespeto ko ang asawa ko at dapat gano'n din siya sa akin. Hindi ko pinangarap na maging kaawa-awang asawa sa mata ng lahat.
Nanlaki nalang ang mga mata ko nang hawakan ako sa kamay ng asawa ko. Nasa likod kasi namin 'yong dalawang babae. Nakikita ko sa repleksiyon sa nakasarang elevator sa harap namin ang mga pasulyap sulyap ng mga babae sa asawa ko.
"Hindi ko akalain na marunong umirap ang anghel kong asawa," sabi ni Gio at tinawanan ako ng malakas kaya napailing nalang ako at binigyan siya ng suntok sa tagiliran niya.
"Shut up," nahihiyang sabi ko dahil hindi ko naman alam na nakita pala ng asawa ko ang pag-irap ko sa hangin kanina. Hanggang sa nakasakay kami sa kotse ay tahimik na kami. Pati si Gio ay nanahimik nalang din agad. Nilabas ko ang cellphone ko at napangiti dahil sa wallpaper ko.
Kaming dalawa ng Daddy ko kasi naman ang ilap-ilap ng mga kuya kong magpapicture kaya naiinis ako dahil sa kaartehan na nananalaytay sa dugo ng dalawa kong kuya. Miss ko na rin ang dalawang 'yon dahil matagal na rin ng magbonding kami na hindi nag-uusap patungkol sa trabaho.
"Anong oras kita susunduin?" tanong sa akin ni Gio kaya napangiti ako. Hindi ko na pala dapat sabihin sa kanyang sunduin niya ako dahil mukhang alam naman ng asawa ko ang tungkulin niya sa akin. Natutuwa ako dahil doon, hindi pa din nagpapakita ng masamang ugali sa akin ni Gio. Hindi niya pa pinaparamdam na I'm his unwanted wife at masaya ako kung hindi naman niya nararamdaman ang bagay na 'yon at gustong magbukas ng panibagong kabanata na kasama ako.
"Saan ka pala tutuloy? Sa bahay kalang ni Papa? Wala ka bang dadalawin na mga kaibigan mo here inanila?" tanong sa akin ni Gio. Napailing-iling naman ako dahil sa pagkakaalam ko ang tatlo kong kaibigan ay wala sa pilipinas.
"Wala naman dahil nasa ibang bansa sila. You know, reaching their dreams," sabi ko at ngumiti. Alam na alam ko ang mga pangarap ng mga kaibigan ko.
Gusto ng isa kong kaibigan na magpatayo ng sariling clinic sa ibang bansa. 'Yong isa naman ay mapangasawa ang matagal-tagal na nitong crush na tumira na sa ibang bansa tapos ang pinaka malapit talaga sa akin kahit may pagkapangit ang ugali pero mahal na mahal ko ay may matayog na pangarap. Ang dami nitong gustong maabot at naiintindihan ko 'yon kasi gano'n din naman ako.
Lahat naman tayo ay gano'n dahil mas gugustuhin naman nating mangarap ng mangarap hanggang sa masabi natin sa sarili natin na that's enough. Tama na kuntento na ako. Just like that.
"Kasal na tayo pero hindi ko pa din alam ang trabaho ng asawa ko. Ano nga ba'ng pangarap mo? Bakit hindi ka gumaya sa mga kaibigan mong wala sa sarili nilang bansa?" tanong sa akin ni Gio kaya napangiti ako.
"Isang Architect ang asawa mo. Tsaka pangarap ko? Simple lang naman e. Maging mabuting anak sa mga magulang ko. Maging mabuting kapatid sa mga kuya ko. Maging magandang halimbawa sa mga taong nakapaligid sa akin at maging mabuting tao. 'Yan lang ang pangarap ko pero since naikasal na ako sa 'yo idadagdag ko na pangarap kong maging mabuting asawa sa 'yo," sabi ko sa kanya at nginitian siya ng tumingin siya sa akin dahil traffic naman.
Anong oras na kasi ngayon pa na sa oras na ito ang madalas na traffic dito sa manila. Mas mapapalayo sila kung iikot pa sila para lang sa ibang daan at hindi din sigurado kung traffic din ba do'n o hindi.
Hindi siya mapaniwalang napatingin sa akin kaya ngumiti ako at nagsalita, "pati mga kaibigan ko nagulat ng sabihin ko sa kanila ang pangarap ko noon. Kasi... just think of it, kumakain naman ako kung kailan ko gugustuhin, may pera akong bubuhay sa akin, may trabaho akong talaga naman na kaya akong buhayin pero kasi ang pagiging mabuting anak, kapatid, asawa at tao... iyon 'yong mahirap abutin. Kasi ang daling sabihin na mabuti ka pero hindi mo naman kayang patunayan dahil wala kang nagawa. Para sa akin ah, hindi mo dapat kasi hinahabol ang pangarap mo kundi gawin mo ang tama at maghintay ka sa tamang panahon dahil lahat naman nakakamit sa tamang panahon at sa paghihintay," sabi ko at napatingin ulit sa asawa kong gulat na gulat.
Natawa ako ng malakas dahil sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Sana naintindihan niya dahil ang mga kaibigan ko ay hindi.
"Para lang naman sa akin. Tsaka iba iba naman tayo sa deskarte pagdating sa mga pangarap nating gustong abutin. Naniniwala naman kasi ako na maging mabuting tao kalang at hayaan mo si God kung paanong paraan niya ibibigay sa 'yo ang pangarap mo. Pero kung kabaligtaran naman ang nakamit mo, may dahilan pa rin siya kung bakit niya ginawa 'yon sa 'yo," sabi ko sa kanya at kinindatan siya at natawa ng pagkalakas-lakas.
Sinabi ko lang kung anong pinapangarap ko, na kay Gio na 'yon kung paano niya intindihin. Hindi ko naman kasi alam kung anong pangarap ng asawa ko. Basta ako tinanggap ko lang katulad na ngayon na kasal na ako. Hindi ko naman pinangarap sa hindi ko mahal na tao pero dito na ako pinunta ni Lord.
Tanggapin ko nalang dahil not now but soon malalaman ko kung bakit sa ganitong paraan niya binigay sa akin si Gio. Ngayon mag-eenjoy na muna ako kung saan ako tatahakin ng pagsasama namin ni Gio.
Hindi nalang ako isang anak o kapatid kundi siya na akong asawa na ibig sabihin lang ay may bago akong tungkulin na dapat na gawin bilang asawa ni Gio.
"Hindi ko akalin na meron pang taong katulad mo na napakasimpleng pangarap lang ang gustong abutin," sabi niya sa akin kaya nakangiti akong napatingin sa bintana.
"Bakit masyado bang matayog ang pangarap ng asawa ko?" tanong ko habang nakatingin sa bintana.
Hindi naman nakasagot si Gio at kahit walang salitang lumabas sa bibig ng asawa ko alam ko na kung ano ang sagot nito. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.
"I think so. Alam mo maging isang mabuting tao ang pinakamahirap na pangarap sa buong mundo Gio. Maging mabuting tao dahil ni isa sa atin na nabubuhay ay wala," sabi ko sa kanya at nginitian siya. "Kung ano ang pangarap mo susubukan kong suportahan," Sabi ko sa kanya at mas lumawak ang ngiti sa mga labi ko.
"Bakit hindi ka naging psychiatrist. Makakatulong ka sa mga may depression o sa mga taong kailangan ng payo. Mukhang magaling ka sa pagpapayo binibini," sabi ng asawa ko kaya natawa ako.
Magaling na agad? 'Yon palang ang sinasabi ko tungkol lang 'yon sa pangarap ko wala namang akong sinabi na iba kaya napailing nalang ako sa sinabi ng asawa ko.
Tsaka ang pagkakasabi niya sa akin ng binibini parang ang sarap sa tenga.
"Kuntento ako Ginoo, sa kung anong natapos ko," sabi ko sa kanya kaya napangiti siya.
Hindi ko na tatanungin kung anong natapos ng asawa ko dahil halata naman na patungkol sa business ang tinapos nito. Hindi na ako kumuha ng business ad dahil alam ko naman na nandiyan na ang mga kuya ko para humalili kay Dad.
"Magaling magdrawing ang asawa ko," sabi nito kaya napangiti ako dahil totoo naman, hindi ko kailangan na ipagkaila ang bagay na 'yon.
Magaling din ako sa larangan ng pagpipinta. Siguro talagang ito na ang gusto kong gawin at gusto kong tapusin. Ilang mga tao na ba ang napinta ko? Hindi ko na mabilang dahil kapag may mga problema ako sa pagpipinta ko lang binubuhos ang lahat lahat.
"Magtigil ka," sabi ko habang nakangiti. Hindi ko akalain na magandang kausap ang asawa ko dahil kahit na tagapakinig ko lamang siya ay pakiramdam ko nakikiargumento ako sa kanya kahit hindi naman.
"Pero totoo. Bilib ako sa mga Architect na babae. Bilang lang kasi sa university na pinasukan ko ang mga bababeng kumukuha ng kursong Architecture," sabi niya kaya napakunot ako ng noo dahil sa sinabi nito.
Imposible kasi kapag business ad ang kinukuha mo ay alam mo ang impormasyon sa mga kumukuha ng Architecture. Napakalabong magtabi ang building ng Architecture at Busuness Ad. Imposible talagang malaman mo at makilala ang mga kumukuha ng architecture unless Architecture talaga ang kinukuha mo or Civil Engineering.
Dahil magkakambal daw ang Architecture at Civil Engineering at hindi ako tatanggi dahil may mga nakasabayan akong Civil Engineering Student noong nag-aaral ako. Minsan din ay may mga klase kaming kasama ang mga Civil Engineering Student.
"May niligawan kabang kumukuha ng kursong Architecture?" tanong ko sa kanya kaya napatingin ako sa kanya.
Umiling-iling naman siya habang nakakunot ang noo.
"Hindi ako babaero ah tsaka focus ako noon sa pag-aaral kaya wala sa akin ang pagno-nobya. Ang asawa ko gustong malaman kung may kaagaw din siyang Architect sa akin," asar nito pero hindi ko 'yon pinansin at tumitig sa kanya.
Kung wala siyang kilalang Architecture Student ay imposibleng malaman niya talaga ang bilang ng kumukuha ng kursa sa pag-a-Architect. At busy din ang pagiging mag-aaral ng kursong Business Ad.
"Bakit alam mong kokonti lang ang babaeng kumukuha ng kursong Architecture sa University na pinasukan mo kung Business Ad. ang kinukuha mo? Unless Architecture ang kurso mo o Civil Engineering," sabi ko sa kanya kaya nakita ko ang gulat sa mga mata niya at umiwas ito ng tingin sa akin.
Nakita ko naman na napalunok siya ng ilang beses bago tumingin sa akin at ngumiti.
"Paano mo naman nasabi na Business Ad. ang kinuha ko?" tanong niya sa akin kaya napanganga ako.
Ibig lang nitong sabihin ay Architect ito?! What the f**k! Pwede din Car Engineer since about sasakyan ang business ng mga magulang nito, pero imposible pa rin na malaman nito ang mga kumukuha ng Architecture Students.
Magsasalita pa sana ako nang naunahan niya ako at malakas na tumawa.
"Joke! Business Ad ang natapos ko kaya nga ako ang magpapatakbo ng kumpanya ng ama ko. May kaibigan lang akong Architect kaya alam ko," sabi niya at ngumiti sa akin kaya napangiti nalang din ako.
Hindi ko alam kung bakit tumakbo na naman ang isip ko sa gano'n. Kung bakit ako na curious sa kung ano ba talagang kurso ng asawa ko.
"Sorry," paghingi ko nalang ng tawad. Narinig ko naman ang tawa nito.
"It's okay alam ko naman na nagtataka kalang at gusto mo akong makilala," sabi niya kaya napatango ako kaya ngumiti nalang siya at gano'n din ako bago pinausad ang kotse.
"Maganda palang mag-usap tayo sa mga bagay-bagay," sabi niya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti kaya wala akong ibang nagawa kundi ngitian din ang asawa ko.
Tama ito dahil ang saya nga na nag-uusap kami sa mga ganitong bagay. Kahit napakasimple na topic ay ang ganda sa pakiramdam na may nalalaman ka sa asawa mo.
Napapikit ako at pilit na inaalam kung anong nararamdam ko sa asawa ko. Kakakasal lang naming dalawa at ngayon palang kami nagkakausap sa mga bagay bagay. Ngayon palang naming dalawa nakikilala ang isa't isa. Oo nga't may mga bagay bagay pa kaming nililihim sa isa't isa pero paunti-unti naman ay malalaman din namin 'yon.
Kung ano man ang nararamdaman ko kay Gio aalagaan ko 'yon dahil asawa ko siya at karapatan niyang makuha ang lahat lahat ng pwede at kaya kong ibigay sa kanya. Nangako ako sa sarili ko nang sabihin ko ang salitang 'I do' sa harapan ng altar ay pinangako ko na sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa kay Gio, naging tapat sa kanya kahit na anong mangyari.
Hindi ko hahayaan na mawasak ang pagsasama naming dalawa dahil sa kadahilanan na hindi namin mahal ang isa't isa. Madali lang naman mahalin ang isang tao, ipakita mo lang dito na ikaw na ang taong mamahalin at kayang manatili sa tabi nito. Ang Daddy at Mommy ko ang halimbawa na pwedeng magkaibigan ang dalawang pinilit na ipagsama.
Para sa akin pinilit man ako ay iyon na ang nakatadhanang mangyari una palang kaya walang saysay na humindi pa.
"We're here," napamulat nalang ako ng mga mata ng marinig ko ang asawa kong magsalita.
Nagmamadali akong lumabas dahil baka maipit na naman sa traffic ang asawa ko. Lumabas din siya at nginitian ako, nasa labas na kasi kami ng gate ng mansyon namin. Gusto ko sanang dito nalang kami manirahan kaso asawa ko si Gio at siya ang mas masusunod kung sa pagdating sa kung saan kami maninirahan.
"Thank you," nakangiting sabi ko sa kanya at kumaway, sign na pwede na siyang umalis dahil baka marami pa itong pupuntahan at dapat na icheck sa company na hahawakan na nito.
"Hindi naman na kailangan magpasalamat ng asawa ko. Kiss will do," sabi nito kaya napanganga ako sa sinabi niya at gaya ng una ko siyang makita ay may kung anong kumiliti sa loob ng t'yan ko na hindi ko naman naramdaman kay Keith. Ang tila karera sa puso ko ay hindi na tumigil dahil sa sinabi ng asawa ko
Ang ganito kabilis na t***k ng puso ay hindi na bago sa akin dahil nararamdaman ko naman ito dati sa kung sino ang masilayan kong nasisiyahan ako.
Lumapit sa akin si Gio at napanganga ng papalapit sa akin ang mukha niya. Napapikit ako sa gulat pero natigil din ng may magsalita sa gilid namin ni Gio na nagpanganga at nagpakaba sa akin ng husto.
Hindi na sana siya nagpunta dito dahil mas pahihirapan niya lang ako. Ang pagiging mabuting asawa ang gusto kong mangyari simula ng maikasal ako kay Gio. Hindi bibigyan ng sama ng loob ang asawa ko dahil alam ko naman na nirerespeto niya ako dahil kung hindi ay pinakitaan na sana niya ako ng masama.
"What are you doing here?" tanong ko ng magsalubong ang paningin naming dalawa. Nakita kong napangisi siya at napaiwas ng tingin.
"Is it bad to go to my girlfriend's house?" seryosong tanong niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa gulat.
"Keith."