Chapter 1

3062 Words
Bea's POV "Siya pala ang babaeng mahal mo. Ang ganda niya," sabi ko kay Gio nang papalabas na kami sa pinagdarausan ng kasal ni Yna at ni Ainsley. Nakilala ko na si Ainsley noong nakita ko siyang kausap ni Daddy. Hindi ko naman akalain na si Yna pala ang tinutukoy nitong asawa niya. Tahimik lang si Gio na nakahawak sa bewang ko. Ang ganda-ganda ng babaeng gusto ni Gio. Nakakababa ang babaeng mahal na mahal niya. Napakaganda ni Yna walang halong biro. Hindi ako magtataka kung bakit mahal na mahal ito ni Gio. Siguro ay nasasaktan pa ang asawa ko kaya hinayaan ko nalang siya hanggang sa alalayan niya akong makasakay sa bago niyang kotse. Wala akong masyadong alam sa asawa ko basta pinakasalanan ko ito dahil ayaw kong madismaya ang papa ko sa akin. Gusto ko namang mapasaya ang ama ko kahit na papaano. "Napagod ka ba?" tanong ni Gio kaya napatingin siya sa asawa ko. "Hindi naman," mahinang sabi ko kaya natahimik na naman kami. Nasasaktan pa talaga ang asawa ko dahil hindi man lang kami nagtagal sa kasal ni Yna kanina. Ang yayaman talaga ng mga nakapaligid kila Ainsley. Hindi na ako magtataka kung gano'n din kayaman ang asawa ko. Wala akong alam masyado dito pero mayaman ito. "Pasensiya na kung hindi ka nag-enjoy sa kasal. Pinamadali kitang umuwi ng pilipinas kaya siguro ay pagod na pagod ka na," sabi nito kaya napangiti nalang ako dahil laking pasasalamat ko rin dahil hindi naging malamig sa akin si Gio kahit na arranged married lang kaming dalawa. Hindi siya nagpakita sa akin ng kapusukan. Nahihiya pa din ako sa kanya pero sinasaksak ko nalang sa isip ko na asawa ko siya at karapatan niya ang atensyon na binibigay ko dito. Ayaw ko namang sabibing wala siyang kwentang asawa. Nagsisimula palang kami. Lahat naman gagawin ko para hindi magsawa ang asawa ko at masira ang marriage naming dalawa. Mahinhin at tahimik man ako na tao pero alam ko ang pinaglalaban ko. Alam ko namang ipagtanggol ang sarili. "Ayos lang naman," mahinang sabi ko kaya natahimik na naman kaming dalawa. Wala akong naaalala na nagtagal ang isang topic sa amin. Tsaka lang kami magsasalita kapag kinakailangan. Sasagot sa tanong o kaya magtatanong. Kapag nakuha na ang gustong sagot ay mananahimik na naman kami. Nag-aadjust palang kami bilang mag-asawa. Siguro naman ay hindi magtatagal ay tra-tratuhin din namin ang isa't isa bilang mag-asawa. "Wala ka bang bahay dito sa Manila? Bakit ayaw mong manatili muna tayo sa mansyon namin bago tayo pumuntang visayas?" tanong ko sa kanya. Dahil mas gusto ni Gio na maghotel kami. Gagastos lang kami dahil mukhang matatagalan bago kami pumunta sa bahay nito sa visayas. "Ayaw ko," tipid na sagot niya kaya napakunot ako ng noo. "Gio, kasi si papa nalang ang natitira sa bahay gusto ko naman makapagpaalam sa kanya," sabi ko dahil sa pagtanggi niya. Hindi ko alam kung sino ang kasama ng papa ko kapag umalis na kami ni Gio. Nag-aalala din ako sa ama ko dahil alam kong mag-isa nalang ito. Hindi pa namin napag-uusapan kung paano ang papa ko. Matigas pa naman ang ulo nito at ayaw sumunod. "Hindi ka ba makakapagpaalam ng nasa hotel tayo? Pwede ka namang dumalaw bukas o sa susunod bago tayo umalis," bored na bored na sabi sa akin ni Gio kaya napakunot ako ng noo. "Alam mo kung badtrip ka dahil kinakasal 'yong babaeng gusto mo, 'wag mo akong idamay. Pasalamat ka at hinahayaan kitang makipagkita o makita 'yang mahal mo. Nagtatanong ako ng maayos, nagbibigay ng suggestion tapos 'yan isasagot mo sa akin?" mahinhin na sabi ko habang nakatingin sa bintana. Hindi niya dapat ako kinakausap ng gano'n. Kakakasal lang namin, sa tingin niya ba ginusto ko din itong kasal? Nagkakamali siya! Gusto kong maikasal na lalaking mamahalin ko habang buhay at mamahalin din ako ng higit pa sa pagmamahal na meron ako sa kanya. Lahat ng kababaihan na katulad ko ay gustong maging masaya sa piling ng mapapangasawa nila. Magkaanak dahil ginusto nilang dalawa. I want to experience the experiences of women who getting married to what they want. Hindi 'yong pilit pero wala naman na akong magagawa. Nandito na at kinasal na ako sa lalaking kasa-kasama ko ngayon at ilang araw ko palang nakikilala. I will not let our marriage break down. Sa akin na si Gio ngayon at ang goal ko ay maging mabuting asawa sa kanya. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "Sorry. Gusto lang naman kitang makasama ng tayong dalawa lang. Getting to know each other kungbaga. Gusto ko naman na hindi ako estranghero sa sarili kong asawa," sabi niya sa akin kaya napatitig ako sa kanya kahit nagmamaheno pa siya. Hawak-hawak pa din ni Gio ang kamay ko. If you look at the two of us like we are so in love with each other kahit hindi naman talaga. Napakagat ako sa ibabang labi at tumingin nalang sa bintana. Hindi ko alam kung bakit ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Imbis na hilain ang kamay kong hawak hawak ng asawa ko ay hinayaan ko nalang dahil meron sa isip ko na gustong-gusto ang hawak ng asawa ko. "S-sorry. Sige sa hotel nalang tayo," mahinang sabi ko habang nakatingin lang sa bintana. "That's my girl," he said seductively? Ngayon lang siya nagiging ganito. Na para bang nagmamahalan talaga kaming dalawa kahit hindi naman. Kung kausapin ako nito ngayong araw ay tila ako ang iniirog nito. Hindi na lang ako nagsalita buong byahe namin papunta sa hotel na tinulugan namin kagabi. Napabuntong hininga nalang ako ng tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ng dati kong nobyo. Lumabas ako sa sasakyan at agad namang sumunod sa akin si Gio. Nagtataka itong nakatingin sa akin kaya nginitian ko nalang siya. "Mauna ka na, sunod nalang ako. Sagutin ko lang ito," nakangiti kong sabi kaya tumango nalang si Gio at iniwan ako sa parking lot. Sinagot ko ang tawag ng dati kong nobyo. "Hello? Bakit na naman ba?" tanong ko sa kanya dahil sa inis. Hindi na dapat ako nakikitawagan sa kanya, wala na dapat kaming kominikasyon ng dati kong nobyo. May asawa na ako ngayon at kailangan ko siyang respetuhun dahil siya ang nagmamay-ari sa akin. "Why are you torturing me? Hmm, Amore?" Halatang lasing siya dahil kinakain na niya ang salitang lumalabas sa bibig niya. Kilalang-kilala ko ito dahil matagal din ang pinagsamahan naming dalawa pero kailangang tapusin dahil hindi naman kami para sa isa't isa. "Are you drunk? Come on. Stop calling me. 'Wag mo naman na akong pahirapan Keith. 'Wag na," nahihirapang sabi ko. Aaminin ko naman na hindi basta basta mawawala ang nararamdaman ko kay Keith. Matagal rin ang pinagsamahan naming dalawa at pinasaya niya ako ng sobra sobra pero hindi pa siya handa at hindi ako kayang ipaglaban. "You torment me because of your stubbornness. Amore please. I said, just wait for me. I'm going to marry you," malambing na sabi niya pero alam kong lasing na siya. Hindi ko alam kung nasa pilipinas na ba siya o nasa america pa din dahil hindi ito pinapakawalan ng mama nito. "Huli ka na Keith. Kasal na ako," sabi ko at napakagat sa ibabang labi para pigilan ang pagkapiyok. Napatingala ako dahil nag-init ang gilid ng mga mata ko. "What?" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin kaya napakagat ako sa ibabang labi. Mas diniinan ko ang pagkakagat bago magsalita dahil pakiramdam ko namanhid ang ibabang labi ko. Mahal na mahal ko ang lalaking 'to. "I'm married now. It is your fault for leaving me alone, fighting for our relationship alone. Please 'wag mo na akong guguluhin. Dahil hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa asawa ko na kinukulit mo pa din ako," malamig na sabi ko at hindi ko na napigilan na mapaiyak kaya napatakip ako sa aking bibig. Mahal ko pa rin siya hindi ko itatanggi ang nararamdaman kong 'yon. Mali na kung mali pero gano'n din naman ang asawa ko. May mahal pa din itong iba. "Don't make fun of me. Please Amore, come back to me. I'm ready to get married to you. I promise to marry you in whatever church you want. Please just come back to me. Please." Desperado na siya kaya mas napaiyak ako lalo. Bakit ba mas pinapalala niya lang ang lahat? Ako ba ang mali dahil hindi ko siya nahintay? Kasalanan ko ba?! Kasalanan ko pa? Papatayan ko na sana siya ng tawag dahil hindi ko na talaga kayang marinig ang boses niya dahil baka magkasala pa ako at balikan ko siya habang kasal ako kay Gio. Nangako ako sa Tatay ko at sa Asawa ko. Ibibigay ko ang lahat maging mabuting asawa lang at ina sa magiging anak namin ni Gio. Alam kong matatagalan dahil parehas kaming hindi ito ginusto at may mahal kaming iba. Pero hindi dapat ako ganito. Tinapos ko na ang relasyon namin ni Keith. Kahit kailan hindi dapat ipagpatuloy ang tinapos ko na lalo na't nagbukas ako ng panibagong kabanata sa buhay ko kasama si Gio. Mahal ko man siya o hindi, pag-aari niya ako. Pero nagulat ako nang may umagaw ng cellphone ko. "Don't ever call my wife again. Once you disturb her, you will find what you are looking for," malamig na sabi ni Gio at binaba na ang cellphone ko. Nagtatagis ang mga panga nito at kunot ang makakapal na kilay. Akala ko ay nauna na ito sa hotel room namin pero mukang bumalik siya para alamin kung bakit ang tagal kong sumunod. Napayuko naman ako para itago ang luha sa mga mata ko. Hindi dapat ganito ang itsura ko. Kung iiyak man ako hindi dapat sa ibang lalaki dahil alam kong masasaktan ang asawa ko. Gusto ko namang maging isang katulad ng Mommy ko na napakabuting asawa kay Daddy. Hindi ko dapat nararamdaman ito dahil kailangan kong tuldukan ang nararamdaman ko kay Keith at ibaling sa asawa ko. "S-sorry," nakayuko kong sabi pero napatingala ako ng marinig ko ang boses ng asawa ko. "'Wag na 'wag kang iiyak dahil sa ibang lalaki. Irespeto mo naman ako bilang asawa mo," malamig na sabi niya kaya napatango-tango naman ako. "Sorry." 'Yon lang ang tanging lumabas sa boses ko. Tumalikod na si Gio at nagsimulang maglakad papalayo sa akin kaya nakatingin lang ako sa likod niya. What a sexy man! Pinalo ko ang ulo ko dahil kung ano-anong kahalayan ko. Pero tumigil siya sa paglalakad at parang slow motion na humarap sa akin kaya napanganga ako dahil tila nabingi ako dahil sa lakas ng tipok ng puso ko. "I don't want my wife to cry because of another man," seryoso niyang sabi sa akin kaya napanganga ako. Tama siya. "If you ever cry again, I swear to God, parurusahan kita," sabi niya at naglakad na papasok sa hotel. Naiwan naman akong napanganga at paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang huli niyang sinabi sa akin. Hindi ko alam pero ang lakas lakas ng t***k ng puso ko dahil pakiramdam ko hinabol ako ng kabayo dahil sa bilis nito sa pagtibok. Relax, heart. Relax. "If you ever cry again, I swear to God, parurusahan kita." "Duyan ka na ba hanggang sa mag-umaga?!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Gio kaya napahawak ako sa dibdib ko. "S-sorry," sabi ko at mabilis na tumakbo para sabay kaming pumasok sa elevator ng asawa ko. "If you ever cry again, I swear to God, parurusahan kita." Mababaliw ako kakaisip kung anong parusa ang gagawin ng asawa ko sa akin! Bwisit! Third Person's POV Nakatingin lang si Gio sa asawa niyang mahimbing ng natutulog sa tabi niya. Kung hindi niya lang kailangan ng easy money hindi siya papayag sa kagustuhan ng ama niya. Kanina habang tinitignan si Yna na masaya na sa asawa nitong si Ainsley. Pakiramdam ni Gio kaawa-awa siya. Minsan na niyang pinangarap na magpapakasal siya sa babaeng mamahalin niya pero tignan mo naman ang mapaglarong tadhana. Ipinakasal siya sa babaeng hindi naman niya mahal at sigurado siyang hindi niya mamahalin. Masyadong lunod siya sa pagmamahal niya kay Abilene. Hindi 'yon basta basta mawawala. Nadala na siya kay Yna na hindi naman talaga niya minahal bilang babae. Namali lang siya sa pagiintindi sa salitang pagmamahal. Pesteng pagmamahal 'yan dahil diyan nasaktan at namatay ang kaisa-isang pamilyang maitatawag niya. Dahil sa pagmamahal ng ina ni Gio na wala niyang kwentang ama nakalimutan ng ina ang sarili at binuhos sa ama niya ang pagmamahal nito pero sa huli sila pa din ang iniwan at ang ina pa niya ang sinisi sa kasalanan na dapat ang ama naman talaga niya ang may responsibilidad. Kinahihiya ni Gio ang dugong nananalaytay sa dugo niya. Apelyido na ginagamit niya. "Forgive me but for now I need you, kailangan kita para sa pangarap ko pero pangako hindi kita dudumihan. Masasaktan man kita pero pangako hindi ko kukunin ang p********e mo. Para 'yan sa lalaking para sa 'yo. Kung naibigay mo naman na sa iba ang p********e mo hindi pa rin kita gagalawin. 'Yon lang ang pambawi ko dahil sa kasalanan ko sa 'yong paniguradong madadagdagan pa," sabi ni Gio sa asawang mahimbing na natutulog. Sa lahat ng ayaw niya ay may babae siyang nasasaktan. Mas gugustuhin niyang siya ang masaktan kaysa sa babae. Kaya no'ng nakita niya si Yna at malaman ang nakaraan nito, namali ang pagkakaintindi niya sa nararamdaman niya para dito. Para na itong nakakabatang kapatid sa kanya dahil hindi naman siya nabigyan ng pagkakataon na makasama ang kapatid sa ama. Hindi niya din naman hahayaan na mapalapit siya sa mga 'yon. Ngayon alam niyang ginagamit siya ng ama niya dahil magkaibigan ang ama nila ni Bea at bilang kapalit gagamitin niya din ito para lang makaipon ng pera. Sa mundong ginagalawan nila kapag wala kang pera kawawa ka. Kapag wala kang pera hindi mo mabibili ang ikakaligaya mo. Pera ang nagpapaikot sa buong mundo. Sa mga tao lahat nagiging sakim dahil lang sa pera at kung sakim nga ang tawag sa kanya ay tatanggapin niya. Minsan lang naman siya naging masaya. Tsaka ang perang kikitain niya bilang CEO ng kumpanya ng ama niya ay para sa kanya dahil hindi naman siya nito binigyan ng pera habang lumalaki siya. "Please just love the man who called to you earliar. If I can let you all know. I'll tell you and beg for your forgiveness. But until I had no money to get the woman I love. I will not let you go. Not now, Bea. Not now. I'm sorry in advance," sabi niya at napakagat sa ibabang labi at napaupo sa kama habang hawak-hawak ang noo. Sorry Nay. Pero kailangan kong maging masama para maging masaya. Sa ngayon pakibantayan kami ni Abilene. Mahal na mahal kita Nay. Napatingin siya sa tabi ng unan niya kung nasaan ang cellphone. Ngayon may cellphone siyang Iphone. Mamahaling cellphone na hindi niya kayang bilhin noon, ngayon meron siya. The Devil's Calling "Hey, D-Dad," sabi niya agad nang sinagot niya ang tawag nito. Hindi pa din sanay si Gio na tawaging ama ang lalaking kausap ngayon sa cellphone niya. "Is your wife beside you?" seryosong tanong ng ama kaya napatingin siya sa asawa niyang mahimbing nang natutulog. Napakaganda talaga nito. Hindi niya ipagkakaila. "Yes." Hindi niya pa din maatim kausapin ang demonyong ito pero pinipilit niya dahil na rin sa yumao niyang ina. Hanggang sa kamatayan nito ay ang ama padin niya ang iniisip at kung paano siya magkakaayos "Get away and we have something to talk about," sabi nito kaya umalis siya sa kama at pumuntang terrace. Napairap nalang siya sa hangin dahil kung utos -utusan siya nito parang hindi siya anak. Malamang hindi naman talaga siya nito mahal katulad nalang sa nanay niya kung itapon nito gano'n-gano'n lang. Ngayon na ginagamit siya ng ama niya, hindi siya papayag na walang makuhang malaking halaga dito bago siya nito itapon. "I told you to marry her to give you an inheritance and to be the CEO of our family company," sabi nito kaya napangisi siya. Family my ass! f**k this old man. You're not belong to my so called family, old man. "You're my son so I want to give you everything. Sundin mo lang ako, ibibigay ko sa 'yo ang lahat. Pinagkakatiwalaan kita sa kumpanyang matagal ko nang pinapatakbo. Tinayo pa ng ninuno ko. Don't disappoint me, son. Paibigin mo ang anak ng kaibigan ko. Para sa 'yo lahat ng ginagawa ko," sabi nito kaya napalunok siya ng ilang beses. Siguro ganito ang ginawa ng ama niya sa nanay niya. Masyadong mabulaklak magsalita at pilit ipaniwala sa 'yo na importante ka sa kanya. Tsk! Akala nito tanga siya at gano'n nalang kung kontrolin. Tignan nalang niya kung saan babagsak ang kumpanyang sinasbi nitong matagal nang pinatakbo ng ninuno nito. "Opo, alam ko," bored na sabi niya at napairap sa hangin. Nakakuyom din ang kamao niya dahil sa galit. Gusto niya itong sigawan at sumbatan dahil hindi niya pa nagagawa ang bagay na 'yon dito. Pero tsaka na kapag nakuha na niya ang lahat lahat ng gusto niya. "You're still mad at me and I know that. And I understand. Babawi ako anak, pangako," sabi nito. Tsk! Ang galing umarte gusto lang nitong pahirapan siya. Dahil kung talaga naman importante siya dito dapat sa ibang anak nito ibinigay ang trabahong ito. Pinapakagat lang siya sa patibong nito dahil alam niya, ayaw nitong mapahamak ang kapatid niya. Pero ito ang pagsisisihan nito na ginawa siyang CEO kung saan kaya niyang manipulahin ang lahat. "Oo gagawin ko 'yong gusto mo. May hiling ako, pera ko naman 'yong kikitain ng kumpanya 'di ba o gusto mong ako ang magtrabaho para sa minamahal mong legal na anak?" Malamig na tanong niya dito. Ayaw niya nang na walang mapupuntahan ang mga plano niya sa buhay. "Syempre pera mo. Ikaw na ang may hawak no'n at alam kong nasa mabuting kamay 'yon. Pero tandaan mo, mababawi ko 'yon oras na hindi mo mapaibig si Bea," sabi ng ama niya kaya natawa siya. Tangina, muhkang mas masasaktan niya lalo si Bea. Napatingin siya sa asawa niyang mahimbing na natutulog. Make her fall in love to someone like me? I can do that. "Of course. Hindi matatapos ang taon na ito na hindi niya pa rin ako mahal. Sisiguraduhin kong titibok ang puso niya para sa akin." I'm so sorry my wife, but I have to do this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD