Kagat-labing binitbit ni Georginia ang isang di kalakihang box na naglalaman ng cake. Naka tatlong doorbell na siya pero hindi pa rin siya pinagbuksan ng gate. Sandali niyang nilinga ang loob saka siya sumilip sa bakal na bakod ng bahay nila Freya. ''Hello! may tao ba diyan?!'' Tawag nito at muling pinindot ang doorbell. ''Anong kailangan mo?'' Gulat na napatigil mula sa pagpindot nito si Georginia ng magsalita ang isang lalaking may malamig at baritonong boses mula sa kanyang likuran. ''God!'' Gulat niyang sambit at habol ang hiningang napahawak sa dibdib dahil sa sobrang t***k ng kanyang puso. Binigyan lamang siya ng walang emosyong tingin ng lalaki bago ito humakbang papalapit sa pwesto niya na ikina atras naman ni Georginia. Huminto sandali si Anthon at binigyan ng masamang tingin

