Sa isang malaki at malapad na kwarto, namayapang natutulog si Freya pinalilibutan ng manipis na kulay puting kurtina ang kama. May mga maliliwanag na ilaw na nakakabit sa kisame na animo yari iyon sa mamahaling perlas dahil sa kinang, at dagdag ganda ang makintab na kulay tsokolate ng buong kwarto na pinares din sa kulay ng kamang mala king size ang laki. At duon, malayang-malayang pinagmasdan ni Gal ang maamong mukha ng dalaga, he touch her hair at pinadausdos pababa ang daliri sa makinis na mukha ng dalaga na hindi tumatapat sa balat nito ang daliri niya. Masama na kung masama man ang magiging tingin sa kanya ni Freya at maging ang mga taong nakapalibot sa kanya. Kung kasalanan man ang ginawa niya ay handa siyang mapanagutan ito. ''I'm sorry, Freya. But this is my only way to prove th

