Yakap ang magkabilang tuhod ng tumuntong siya sa malapad na kabatuhan sa gilid ng dagat, mabato kasi ito at kay-sarap tambayan. Nalulungkot niyang hinawi ang buhok nitong nililipad ng hangin saka lamang siya makalabas satwing umaalis ng bahay si Gal at pumupunta kung saan na ayaw naman niyang tanungin. Hindi siya interesado sa kung saan ito pupunta at kailan babalik baka ay pag-iisipan pa nito siya ng kakaiba. ''Bakit hindi ka maligo? Maganda ang alon ngayon, hindi ganun kalakas.'' Dinig niyang boses ni Mang Canor na ikinataas nito ng mukha saka nilingon ang matanda. Hinawi niya ang buhok na siyang umaabala sa mukha niya. Pinagpag nito ang damit matapos tumayo saka kinausap si Mang Canor. ''Sige ho, mamaya na lang siguro.'' Ngiting tipid na ani Freya. Ngumiting simple si Mang Canor sak

