Nakabalik sila galing sa pinanggagamutan kay Gal dahil sa nagpasyang umuwi agad ang binata mula sa kakaibang nararamdaman nito matapos mainom ang gamot. Para kasing bumaliktad ang sikmura niya at naamoy pa din nito ang kakaibang amoy ng gamot. ''F*ck! I'm okay. I'm okay.'' Anito sabay mug-mog at napahilamos ng mukha. Namumula ang buong mukha ni Gal pati ang tainga nito ng mapansin iyon ni Freya kaya mahina siyang tumawa saka palihim na sinusulyapan ang lalaki. ''Arte-arte.'' Bulong niya at ngumisi. Kinagabihan, hinintay lamang ni Freya makatulog si Gal pati si Mang Canor para matawagan si Sabel gamit ang gumaganang telepono sa sala ngunit ang hindi niya alam ay naka konekatado iyon sa linya ni Gal. Kagat nito ang kuko sa daliri habang hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya. Agad s

