bc

THE MYSTERIOUS DEVIL BILLIONAIRE (SPG/R18)

book_age18+
78
FOLLOW
1K
READ
dark
contract marriage
HE
escape while being pregnant
age gap
opposites attract
pregnant
playboy
dominant
badboy
kickass heroine
boss
mafia
gangster
heir/heiress
tragedy
bxg
city
friends with benefits
assistant
like
intro-logo
Blurb

❗❗ ❗READ AT YOUR OWN RISK ❗❗❗

⚠️ TRIGGER WARNING: STRONG PARENTAL GUIDANCE | 18+ ONLY ⚠️

This Dark Romance contains mature and graphic content including explicit s****l scenes, dubious consent, violence, blood, torture, murder, emotional/psychological abuse, manipulation, gaslighting, mafia/crime, kidnapping, blackmail, substance use, strong language, and mentions of trauma, PTSD, and past child abuse. Toxic behaviors are fictional and not condoned. Please read at your own discretion and prioritize your mental health.

Sa kagustuhan ng stepsister ni Elizabeth o Lizzy na si Veronica na maagaw nito ang fiance niya, sinet-up siya nito sa kama ng isang lalaking hindi niya kilala. Layunin din nitong sirain ang pangalan niya upang hindi niya makuha ang scholarship grant para sa prestehiyosong unibersidad na nais niyang pasukan. Nagbayad si Veronica ng mga taong kukuha ng video at magpapanggap na katalik ni Lizzy. Tagumpay nilang naisagawa ang lahat ng ito. Nag-viral ang mga pictures at madidilim na video na sinadyang maipakita ang mukha niya. Hiniwalayan siya ni Howard, itinakwil siya ng papa niya at ang pinakamasakit, hindi siya nakapag-exam para sa scholarship. Nasira ang buhay niya at ang tanging nais na lamang niya noon ay magpatiwakal. Ngunit bago pa niya iyon magawa ay isang misteryosong lalaki ang nagligtas aa kaniya. Nagulat pa siya nang makita ang mukha nito. Lubhang napakaguwapo ngunit natalim tumingin ang mga mata. Labis na nadismaya siya ng tawagin siya nitong bobo at tanga dahil kikitilin di umano niya ang buhay niya dahil lang sa mababaw na bagay. Nag-alab ang galit niya ngunit ni hindi man lang niya nalaman ang pangalan ng lalaking iyon. Pero dahil sa pangyayaring, hindi na niya itinuloy ang pagpapakamatay, bagkus ay ipinangako niya sa sariling babangon siya at babalikan ang mga naging dahilan ng kaniyang pagkalugmok at pagbagsak.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Lizzy’s POV "Sige. Payag akong tulungan ka, basta ibigay mo ang sarili sa akin," walang emosyong saad ni Glen. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa narinig. "Ano? Hindi nga tayo totoong magkakilala, tapos gusto mong isuko ko sa ‘yo ang sarili ko? Baliw ka ba?" angil ko sa kaniya. "They want me to marry some stupid b***h. So, I will just choose you instead," walang kagatol-gatol na sagot niya. Lalong umawang ang mga labi ko. Pakiramdam ko talaga ay may kausap akong taong wala sa sariling katinuan. "Baka nakakalimutan mo, tinawag mo rin akong tanga at bobo!" sumbat ko sa kaniya. Iyon lang ang pagkakataon na tiningnan niya ako. "At least, maganda kang tanga... Better you than her." Umigkas ang kamay ko para sampalin siya, ngunit mabilis niyang nahuli iyon. Hinila niya ako palapit sa kaniya at hinapit ang baywang ko. Napasinghap ako sa biglaang pagkakadikit ng mga katawan namin. His body is hard and hot... he even smells so damn good. Ang bango na parang ang sarap yumakap. Damn, Lizzy! Pull yourself together. You're in danger now! Saway ko sa sarili. "If you lay a hand on me, I will f**k you hard that you won't be able to sit or walk for days!" banta niya, kaya muling namilog ang mga mata ko at nangalisag ang mga balahibo ko. "Baliw ka talaga! Bitiwan mo nga ako!" nagpumiglas ako ngunit parang bakal ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko. "Marry me... and I will help you with anything you need." Unti-unting bumaba ang mukha niya papalapit sa akin. Bumilis din nang bumilis ang t***k ng puso ko. Napapalunok ako kasi parang mas lalo pa siyang pumogi ngayong sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Shit! This man is really dangerous. It's either I fall for his trap, or I should escape his grasp! ______________________________________________________________________ Paano nga ba kami nagkakilala ni Glen? He is Glenville Elizondo. The so-called shame of the Elizondo clan. The son of his father through an affair. Galing siya sa mayamang pamilya na ang impluwensya at kapangyarihan ay hindi masusukat ng isang ordinaryong tao. He was tagged as psycho, useless, kinatatakutan ng marami dahil walang sinisino at patapon daw ang buhay. Mabuti na lamang daw at galing siya sa mayamang pamilya kaya walang nagkakalakas ng loob na tablahin siya. Ngunit sa lahat ng negatibong bagay na ipinupukol sa kaniya, isang pangyayari ang hinding-hindi ko malilimutan. Ang araw na nakilala ko siya… isang misteryosong lalaki na lumitaw sa panahong nais ko na lang tapusin ang lahat – kasama ang buhay ko. Umuulan nang gabing iyon. Hindi basta mahinang ulan lang… kundi iyong klase ng ulan na parang galit, dumadagundong sa bakal ng tulay at sumasabay sa ingay ng mga sasakyang dumaraan sa ibaba. Ramdam ko ang bawat patak sa balat ko, malamig, mabigat, pero mas mabigat pa rin ang pakiramdam sa dibdib ko. Nakatayo ako sa gilid ng tulay, mahigpit ang kapit sa bakal na railing. Madulas at kalawangin na iyon. Para akong hahampasin ng ulan pabalik anumang oras. Nanginginig ang mga kamay ko… hindi ko alam kung dahil ba sa lamig o sa takot. O baka dahil pagod na pagod na talaga ako. Basang-basa na ang suot kong blouse at pantalon. Dumidikit sa balat ko na parang ayaw na akong pakawalan ng bigat ng gabing iyon. Nakalubog na sa tubig-ulan ang sapatos ko, pero hindi ko na ramdam. Wala na akong maramdaman kung tutuusin. Kanina lang, hawak ko pa ang cellphone ko. Kanina lang, binabasa ko pa ulit ang mga comments… kahit alam kong masasaktan lang ako. Malandi. Kadiri. Nagpapagalaw kahit kanino. Peke ang pa-innocent. Mas makati pa pala sa higad! Scholarship? Joke ka ba? Pinatay ko ang cellphone. Nanginginig ang hinlalaki ko habang inilalagay ko iyon sa bulsa. Parang kahit maliit na ilaw ng screen ay masyado nang masakit sa mga mata ko. Iniwan ako ni Howard, ang lalaking mahal ko. Walang paliwanag. Isang maikling mensahe lang, parang wala kaming pinagsamahan. Babe Howard: Ayokong madamay sa gulo mo. Nakakahiya ka! At ang Papa ko? Hindi man lang ako kinausap at binigyan ng pagkakataong maipaliwanag ang side ko. Isang papel lang ang ipinadala sa akin. May pirma niya. Malinaw ang mga salita: Wala na akong anak. Wala akong anak na isang kahihiyan. Natawa ako, pero walang tunog. Ganito pala kabilis mawala ang lahat. Sunod-sunod ang guhit nang hindi mailarawang kirot sa puso ko. Umakyat ako sa gilid ng tulay. Isang hakbang na lang. Isang bitiw lang ng kamay at tapos na ang lahat. Wala na ang kahihiyan. Wala na ang sakit at galit. Hindi na ako magdurusa sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Tanging kamatayan na lang ang solusyon para hindi na ako mahirapan pa. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para tumalon at mamatay nang biglang… “Hoy!” Malakas akong napasinghap at napamulat ng mga mata. Parang may humila pabalik sa isip ko. Napalingon ako… galit, gulat, at pagod na pagod ang makikita sa mga mata ko. Ilang hakbang lang ang layo ng pinanggalingan ng boses. Nakatayo sa ilalim ng ilaw ng poste, kaya kitang-kita ko ang mukha niya kahit umuulan. Ang guwapo niya. Parang isang modelo o artista sa ilalim ng ulan, at sobrang lakas ng dating. Matangos ang ilong, prominente ang panga. Basa ang buhok niya, parang kalalabas lang din at nabasa lang sa ulan. Pero ang pinakanakakatakot… iyong mga mata niya. Matalim at direktang nakatitig sa akin. Parang wala akong maitatago sa kaniya. “Anong ginagawa mo?” tanong niya, kalmado pero may bigat. “Wala kang pakialam,” sagot ko agad. “Umalis ka na.” Pero hindi siya umalis. Sa halip, mas lumapit pa siya. Ramdam ko ang presensya niya kahit ilang hakbang pa ang pagitan namin. “Bobo ka ba? O sadyang mahina talaga ang utak mo?” Parang may nagpuyos agad sa loob ko sa sinabi niya. “Ano’ng sabi mo?” singhal ko, nanginginig na ako sa galit. “Tanga ka ba?” dagdag niya, walang pag-aalinlangan. “Papatayin mo ang sarili mo dahil lang sa walang kuwentang dahilan?” Daig ko pa ang sinampal sa sinabi niya. “Wala kang alam sa pinagdaraanan ko!” sigaw ko, hindi ko na napigilan. “Nasira na ang buhay ko! Iniwan ako ng fiancé ko! Itinakwil ako ng sarili kong ama! Wala na akong pangarap… wala na akong kahit ano! Kaya wala na rin akong dahilan para mabuhay pa!” “Pero buhay ka pa,” putol niya agad. “Iyon nga lang, medyo tatanga-tanga ka lang talaga.” Natigilan ako. Parang biglang huminto ang ulan sa tenga ko. Hindi dahil tumigil talaga, kundi dahil nalunod ako sa sinabi niya. “Hindi mo kasalanan kung sinira ka nila,” dagdag niya, mas mababa na ang boses. “Pero kasalanan mo kung ikaw mismo ang tatapos sa buhay mo.” Parang may humigpit sa dibdib ko. Nangangatog ang mga tuhod ko. Unti-unting bumitiw ang kamay ko sa railing, parang saka lang bumigay ang katawan ko. “Hindi mo ako kilala,” bulong ko, nangingilid ang mga luha, hanggang sa pumatak na ang mga iyon. “Hindi,” sagot niya. “Pero kilala ko ang hitsura ng isang taong gusto nang sukuan ang mundo.” Hindi ko alam kung bakit, pero umatras ako mula sa gilid ng tulay. Napahigop ako ng hangin, malalim, parang ngayon lang ulit. “Umalis ka na,” mahina kong sabi. Tila ba mas pakiusap pa iyon kaysa direktang pagtataboy. Tinitigan niya ako nang ilang segundo. Parang may gustong sabihin, pero pinili niyang hindi. Tumalikod siya, naglakad palayo sa ulan. “Hindi na kita ililigtas ulit,” pahabol niyang sabi, hindi na rin lumingon. “Kaya siguraduhin mong susulitin mo ang ikalawang buhay mo.” At bigla na lang siyang nawala. Walang pangalan. Walang paliwanag. Naiwan akong mag-isa sa gitna ng tulay… basang-basa, nanginginig, pero… buhay. Umupo ako sa sahig, niyakap ang sarili ko. Humagulgol ako, pero iba na. Hindi na lang puro sakit. May halong galit at may bakas ng tapang. “Babawi ako,” bulong ko sa sarili ko, sa pagitan ng mga hikbi. “Babangon ako at gagantihan ko ang lahat ng mga nanakit sa akin!” At sa gabing iyon, sa ilalim ng ulan at ilaw ng tulay, ipinangako ko sa sarili ko na hindi doon magtatapos ang buhay ko. Dito pa lang magsisimula ang pagbawi ko. Muli kong tinanaw ang kinatatayuan ng misteryosong lalaki kanina. Napangiti ako. Hindi ko man lang siya nakilala o napasalamatan man lang, pero iniligtas niya ang buhay ko. “Bakit natulala ka na riyan?” singhal sa akin ni Glen. Doon ay bigla akong nabalik sa reyalidad at napakurap nang ilang ulit. Pagkatapos ay inirapan ko siya. “Oo na!” asar na sagot ko. “Ano’ng oo na?” tanong niya, madilim pa rin ang mukha. Umikot pa ang mga mata ko bago sumagot. “Oo na… payag na akong magpakasal sa ‘yo! Pero sa isang kondisyon!” angil ko. Kumunot ang noo niya. “Anong kondisyon?” “Hindi libre ang serbisyo ko. Babayaran mo ako ng sampung milyong piso!” walang kagatol-gatol na sagot ko. Agad siyang natawa. Totoong tawa talaga kasi namula pa ang mukha niya at yumugyog maging ang mga balikat niya. “Deal!” saad niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Bluff ko lang sana iyon para hindi niya ituloy iyong kasal na sinasabi niya, eh. “Sure ka? May pera ka ba?” dudang tanong ko. “What the f**k! Are you insulting me?” galit niyang tanong. Dumilim ang mukha niya kaya bigla akong kinabahan. “Para nagtatanong lang, eh!” ingos ko. Malay ko ba kung may pera siya o eme-eme niya lang. Alam ko naman kasing mayaman siya, pero parang hindi naman kasi siya bet ng pamilya niya. “At saan mo naman gagamitin ang ten million?” nakataas ang kilay na tanong niya. “Secret!” humalukipkip ako at umiwas ng tingin. Naiinis ako sa titig niya. Para bang pati kaluluwa ko ay kaya niyang basahin. “Fine! Get ready, we will be married in three days!” deklara niya. Nanlaki ang mga mata ko. “Ang bilis naman?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Mas mabilis kung ngayon na tayo magpapakasal. Gusto mo ba, ngayon na?” hamon niya sa akin kaya lalo akong napailing. “Sige, three days. Grabe ka naman! Napaka-bossy mo!” sumimangot ako. “Get used to it. Because I hate being lied or betrayed, too!” seryosong saad niya. At bago pa ako makapagsalita para kumontra ay tumalikod na siya at lumakad na agad palayo. Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. **** Hello guys, This is Another Dark Romance story na medyo psycho ang dating. I hope you like it. Happy reading! Please followe Miss Thinz in Dreame & Yugto App!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.7M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
632.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.2M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
870.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
303.9K
bc

Not just, the Beta

read
311.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook