MAGANDA ang naging bungad kay Veronica ng gising niya. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata, katabi pa rin niya ang asawa, walang saplot na pang-itaas at nakapikit pa. Tanghali na pero pakiramdam niya ay umaga pa lang. Ang naudlot nilang pagninig kagabi ay tila ba sa wakas ay natuloy nang umagang iyon. Matapos humingi ng tawad ng kaniyang mister, hindi niya natiis na patawarin ito. Doon niya napatunayan ang pagmamahal sa kaniya ni Benjamin. Handa nga itong isakripisyo ang oras ng trabaho para lang sa kaniya. Nag-aalala pa siyang umuwi kanina nang mag-message ito sa kaniya na may emergency daw. “Hello, beautiful.” Just like those mornings together, she always heard that greeting of her husband for her. Parang musika na nga ito sa kaniyang tainga. Hindi niya kayang ipagpalit iyon sa kahit

