“YOU are so good, General Rosales.” Gener Rosales, iyon ang totoo nitong pangalan. Hindi na maalala ni Veronica kung kailan nagsimula ang lahat sa kanila ng retiradong heneral. Basta ang alam lang niya, at naaalala pa rin hanggang ngayon, kinailangan niyang pakisamahan ang matanda para sa kapakanan ng kaniyang asawa. Masyadong mataas ang ambisyon ni Benjamin simula pa noon. Kaya naman sinuportahan siya ni Veronica noong maisipan nitong tumakbo sa politika. Pero may kapalit ang tulong na iyon at kailangan niya itong pagbayaran sa pamamagitan ng kaniyang katawan. Kaya kahit labag sa kalooban ni Veronica, pumayag siya sa kagustuhan ng matanda. “So what's your next plan?” tanong nito sa kaniya. Habang pinapanood niya ang video, unti-unti niyang nararamdaman ang sakit sa kaniyang dibdib. Ti

