SA ABALANG paligid ng Sta. Cecilia, walang kahit na sino ang nakapapansin sa itim na sasakyan na nakaparada lamang sa tapat ng isang ospital. Nang bumaba ang bintana ng kotse ay bumungad ang nakamasid na si Veronica. Alam niya kung sino ang may-ari ng ospital na iyon. Isa sa mga kaibigan nila ni Benjamin. At alam din niya na roon ipinadala ng asawa ang lola ni Soledad. Mamahalin ang ospital at hindi basta-basta makakapagpagamot doon ang kahir na sino kung walang sapat na pera. May charity work naman doon si Benjamin pero para lang iyon sa mga hindi afford na magpagamot sa nasabing pagamutan. May libreng ospital naman sa Sta. Cecilia na ipinatayo mismo ni Benjamin para sa mga taong nahihikaos sa buhay at walang pera para magpagamot. Bukod pa roon, buwan-buwan din ang medical mission ng go

