THE PLACE where Benjamin was indeed admirable. Owned by a well-known General Rosales, he didn’t wonder why the hotel where the dinner meeting was held could be luxurious. Noon pa man kasi, bago pa siya mahalal bilang gobernador, alam na ng buong taga-Sta. Cecilia na may kaya ang mga Rosales. Kabi-kabila ang mga negosyo ng matandang heneral bago pa ito makapasok sa serbisyo nito bilang sundalo. Kaya kahit mayroon na itong puwesto, at may masasabi sa lipunan, hindi nito hinayaang maghirap ang sarili lalong-lalo na ang pamilya. That's how Benjamin knew him. Kahit naman general ito ay wala itong halong yabang sa katawan. They have the same personality, he guessed. “Ano’ng atin, General?” Benjamin asked after taking a sip of his wine. Hindi kasi siya sanay na ipapatawag siya ng isang mataas n

