“NANDITO na—” Walang segundong pinalagpas si Benjamin, nang sa pagsakay ni Soledad sa kaniyang kotse ay agad niyang sinibasib ng halik ang dalaga. Tila ba nasasabik ang kaniyang mga labi sa ginagawa. Hindi na halos pakawalan ang dalaga sa maiinit niyang halik. Nagulat pa si Soledad nang sunggaban ito ni Benjamin, pero pagkaraa'y hindi na rin napigilan ang sarili at nakisabay na sa apoy ng kanilang nag-aalab na sandali. Habang hawak ang batok ng dalaga, siya na mismo ang nagtanggal ng butones sa suot niyang puting polo. Nang tuluyan nang matanggal isa-isa iyon, agad naman niyang hinubad ito at tinapon sa kung saan na hindi man lang natitinag ang mga labi nila na noo’y magkadikit. Ninanam naman ni Benjamin ang labi ng dalaga. Para siyang mababaliw habang kahalikan si Soledad. Tingin niya ay

