Chapter 67

1098 Words

MALIWANAG ang paligid ng bahay nina Soledad at ng kaniyang lola. Maingay ang paligid dahil sa mga taong nagsusugal. Tipikal na eksena kapag may patay sa barangay. Ganoon ang bumungad kay Soledad nang gabing iyon. Nakaupo siya sa tabi ng ataul ng kaniyang lola. Tulala pa rin siya at hindi makausap hanggang sa mga oras na iyon. Panay ang pagsasabi ng pakikiramay ng mga taong tumitingin sa bangkay ng matanda. Tumitingin lang siya at saglit na ngumingiti sa tuwing may taong lalapit sa kaniya at magsasabi ng pakikiramay. Pero hindi magawang bawasan noon ang bigat ng nararamdaman niya. Hindi niya kayang isipin na sa loob ng napakahabang panahon, mangyayari ang bagay na iyon. Nilapitan siya ni Julieth na nag-aabot ng mga inumin noong mga oras na iyon. "Kanina ka pa hindi kumakain. Kumain ka na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD