TILA isang malungkot na musika ang ulan. Sumabay pa ito sa pagdadalamhati ng mga taong nakasuot ng itim, marahang naglalakad sa likod ng karosa. Iyon ang huling araw na makikita ni Soledad ang kaniyang lola. Pero iyon ang unang araw na naramdaman niya ang labis na pighating nararamdaman. Sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang tao, wala na siguro mas sasakit pa roon. Hindi niya alam kung may panghuhugutan pa siya ng lakas, dahil ang taong inaasahan niyang magbibigay noon ay wala na. Sa paglisan nito, hindi na niya alam kung paano pa niya imumulat ang mga mata na may saya. Mag-isa na lang siya sa buhay at wala nang dahilan para sa kaniya na ipagpatuloy pa ang lahat. Hawak niya ang larawan ng matanda. Masaya ito sa larawang iyon, kabaligtaran ng sitwasyon at nararamdaman ni Soledad sa mga oras

