HINDI pa man nahihimbing sa kaniyang pagkakatulog ay naramdaman kaagad ni Soledad ang pag-vibrate ng phone sa bulsa niya. Naka-silent mode kasi iyon dahil ayaw niyang maistorbo ang kaniyang lola sa pamamahinga nito. Lumalalim na rin ang gabi kaya naman naisipan na rin sana niyang magpahinga kung hindi lang dahil sa mensaheng natanggap niya. “Sino na naman kaya ito?” wika niya sa sarili bago kinuha ang cell phone sa kaniyang bulsa. From: Gov We need to talk. Hintayin mo ako sa parking lot. Hindi na niya nagawa pang ipikit ang mga mata sa pagkakataong iyon. Nang mabasa niya ang mensahe ay napabalikwas siya ng bangon sa couch. Bigla rin niyang naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso niya nang mabasa ang mensahe ni Benjamin. Kailangan nilang mag-usap. Sigurado siyang napakaimportante ng

