Hated 1
Isang malalim na buntong hininga ang pinakwalan ko nang tuluyan na akong nakababa sa taxi na sinakyan ko patungo rito sa bahay ng tita Belen ko. Nagdadalawang isip ako kung papasok o hindi pero mas nanaig sa akin yung tapang at pagiging pursigido para makituloy sa kanila. Wala na si mama ko at tanging itong adress lamang na nakasulat sa papel ang hawak-hawak ko ngayon ang ibinilin niya sa akin nung mga panahong malapit na siyang malagutan ng hininga.
Mariin kong winaksi yung mga luha kong nakikipagsabayan sa pagbasak nung maalala ko na naman si mama. Pareho na nila akong iniwan ni papa, masaya na siguro sila ngayon sa langit dahil magkasama na sila. Iisipin ko na lang na para rin sa kanila itong gagawin ko, na magsisikap ako upang makatapos at makapagtrabaho. Isang taon na lang ang bibilangin ko at matatapos na ako sa kolehiyo at tanging si Tita Belen na lang ang malalapitan ko para makatapos nga ako. Lahat gagawin ko, pag-aaralin niya lang ako.
"Tao po." Sigaw ko sa labas ng isang bahay na simple lamang at katamtaman ang laki. Ito na siguro yung bahay ng tita Belen ko. Hindi ko na natatandaan yung mukha ng tita ko dahil bata pa lamang ako nung huli kaming nagkita.
Nilalaro ko lang yung kamay ko habang naghihintay na pagbuksan yung gate nila. Kinakabahan ako pero kaya ko'to.
"Sino sila?" Napaangat ako sa may gate nung marinig ko ang boses na nagmumula doon. Isang babae na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng limang taon ang nakita kong nakatayo doon. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya --nalilito ako kung ano ba yung dapat kong sabihin o kung meron nga ba.
"Nandiyan po ba si Belen Esqueza?" Alanganin kong tanong.
"Nanay ko siya. Halika pasok ka muna at nandoon siya sa may sala." Sabi niya saka ako pinagbuksan ng gate.
"Ma! May naghahanap po sa inyo." saad niya nung tuluyan na kaming nakapasok sa may sala. Nadatnan namin ang isang babaeng nakaupo sa may silya na hindi ako nagkakamaling si Tita Belen dahil magkahawig sila ni mama.
"Cherish?" Sambit niya sa pangalan ko na ikinatuwa ko naman dahil nakikilala pa niya ako.
"Ako nga po tita."
"Naku'y maupo ka muna iha." Pag-iimbita pa niya na pinaunlakan ko naman.
"Ma, sa kwarto muna ako." Pagpapaalam niya kay tita Belen na tumango naman.
Marami kaming pinag-usapan ni Tita. Una na dun yung pagkamatay ni mama na hindi ko man lang naipaalam sa kanya dahil sa kawalan ng pera, napiyak na lang siya sa nalaman niya at pangalawa yung pakiusap ko sa kanya na maninilbihan ako bilang katulong para pag-aralin niya ako.
"Naku iha, huwag ka ng magtrabaho. Patutuluyin pa rin naman kita dito at papaaralin. Malaki rin yung naging utang na loob ko sa kapatid ko kaya hayaan mo't suklian ko iyon."
"Nakakahiya naman po kung makikituloy pa ako rito at pag-aaralin niyo pa ako tapos wala akong gagawin man lang."
"O siya, tumulong ka lang kung gusto mo pero huwag yung sobra-sobra ha. Halika't ihahatid kita sa kwarto mo at mamayang hapunan ay ipapakilala kita sa mga anak ko, mamaya na lang dahil hindi pa nakauwi yung bunso ko." Masayang kwento niya sa akin habang tinatahak namin yung daan papunta sa kwarto ko daw.
Maya-maya pa ay iniwan niya na ako sa kwarto ko. Nilagay ko na yung mga gamit ko sa tamang lalagyan, agad rin naman akong natapos dahil kaunti lang yung mga dala ko. Ilang minuto pa ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako at dinala na ako ng antok ko sa dreamland.
----
"Iha?" Sunod-sunod na katok yung narinig ko nung nagising ako. Dinig na dinig kong sinasambit ng tita ko yung pangalan ko mula sa labas kaya dali-dali akong napabangon at nag-ayos para makaharap siya. Tiningnan ko muna yung orasan bago lumabas saka napansing mag-aalasiyete imedya na. Limang oras rin pala akong nakatulog, siguro ay dahil na rin sa mahabang biyahe kanina mula sa probinsiya.
"Ahh tita sorry po kung natagalan ako at hindi nagising agad." Pagpapaumanhin ko nung nakalabas na ako ng silid ko.
"Okay lang yun iha, alam kong napagod ka rin sa layo ng biyahe mula dito. Hali ka na at kakain na tayo, nandun na rin sila sa baba."
Tahimik lang habang bumabaybay kami papuntang kusina doon ko nakita yung babae na nagbukas ng gate sa akin kanina, saka yung katabi niya na kamukhang-kamukha niya pero lalaki nga lang ito. Napasulyap naman ako sa direksiyon na inupuan ni Tita Belen, may katabi siyang isang lalaki na sa tansya ko ay kasing edad ko lamang. Ngumiti ako sa kanya pero tanging matalim lamang na titig ang iginawad nito sa akin pabalik. Napakasuplado naman pala nito sa likod ng mala-anghel nitong mukha.
"Mga anak si Cherish nga pala, anak ng tita Celia niyo. Dito na siya titira sa atin simula ngayon. Saka Cherish siya si Ate lucy mo at yan si Kuya Levan mo." Pagpapakilala sa akin ni tita nung nakaupo na rin ako.
"Hi Cherish, cute naman ng pangalan mo. Huwag mo na akong i-po, ate na lang tawag mo sa akin, same with Levan, huwag mo na yang i-po, kuya nalang... and by the way kambal kami kung naku-curious kah." Nakangiting tugon sa akin ni ate Lucy sa akin. Tumango-tango lang si Kuya Levan, tanda ng pag-sang ayon niya.
"Heto naman yung bunsong kapatid namin, si Troy. Pasensiya ka na kung snob yan tsaka suplado... masanay ka na sa ugali niyan."
"Okay lang."
Sabay na kaming kumain lahat. Si ate Lucy saka si Kuya Levan, nakuha pang magbiruan.. sinuway nga sila ni tita dahil ang dadaldal daw nila sa harap ng hapag kainan. Kabiligtaran naman nitong si Troy, kanina pa kasi hindi nagsasalita.
Natapos na rin silang kumain kaya nag-volunteer na rin akong mang-hugas ng pinggan. Mga ilang minuto rin bago ako matapos nung nagulat akong nandiyan pa pala siya sa kinauupuan niya kanina.
"What's your name again?" Istriktong tanong nito sa akin.
"Cherish po, kuya."
"Kuya? Nagpapatawa ka ba? How old are you?" Ngumiti siya but sa gagong paaran, yung parang nang-iinis.
"22."
"We're on the same age kaya don't call me kuya saka hindi naman tayo magkapatid para tawagin mo akong kuya. Hindi mo ako kuya, hindi kita kapatid." Iniwan niya lang akong nakatunganga doon. Ipinikit ko na lang yung mga mata at inisip na kaya ko to, kaya kong pakisamahan yung ugali niya. Masasanay rin siguro ako kalaunan.