1: I don't play with a little kid
Asuna Letizia Hera
"Ate, saan ka pupunta? Iiwanan mo ba ako?"
"Hindi kita iiwanan, bunso. Pangako 'yan ni ate sa'yo."
Liar!
Alalang-alala ko pa ang huling sinabi niya sa akin noon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang ipinangako niya.
I was 15 years old then when she broke her only promise. She left me. She didn't even say goodbye. Nagising na lang ako sa balitang sumama na pala siya sa totoo niyang ina.
She's my half-sister at magkapatid lang kami sa ama. Nalaman ko lang din na hindi pala kami buong magkapatid noong kunin si Amethyst sa pangangalaga ni papa.
Dating asawa ni papa ang ina ni Amethyst at iniwan lang nito si papa dahil sa ugaling mayroon nga ito. Minamaltrato kasi niya ito at ang masaklap pa ay muntik niya ng mapatay ang dati niyang asawa.
Kung nagtataka naman kayo kung nasaan 'yong ina ko. Well, I don't know her. Lumaki kasi akong walang ina. Hindi ko na rin magawang tanongin si papa dahil noong unang tinanong ko siya ay nagalit siya at binugbog pa ako. Mabuti na nga lang at nandoon si Amethyst at pinotrektahan niya ako.
Napabuntong hininga ako saka ako mapaklang natawa nang maalala ko na naman siya.
I remember the pain and heartbreak that washed over me during the day she left me. Na para bang pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko sa tuwing iniisip kong wala na akong kakampi sa lahat, na nag-iisa na lang ako.
I was left wondering why she need to abandon me without even saying goodbye. Pero kahit naman siguro magpaalam siya ay parihong sakit pa rin ang mararamdaman ko.
Naghintay pa rin naman ako sa kaniya. Naghintay ako na babalik siya.
Time passed, turning into weeks, months, and years, and yet I couldn't shake off the lingering emptiness within me. Na para bang a part of me had been ripped away, leaving behind an emptiness that seemed impossible to fill.
Hindi niyo naman ako masisi kung bakit ganito na lang akong masaktan. Simula bata pa ay si Amethyst lang talaga ang nasasandalan ko sa lahat.
She was like my mom, my only Bestfriend, sister and protector. But now? I've never really thought that a day will come where I'll think of her as my enemy.
_______
"Hey, Girl! You're spacing out!"
Bumalik ang isip ko sa realidad nang sigawan ako nang babaeng katabi ko and she snapped her finger infront of me to wake me up. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako rito sa loob ng bar.
She's Tasha. My partner in crime.
She begged me to be her friend actually. Ako naman itong pet lover, kaya pinagbigyan ko na lang din. Kidding!
We met 2 years ago sa isang bar din and after we become friends ay sabay na rin kaming gumala ng weekends. Weekends lang dahil may pasok naman kasi siya, habang ako ay everyday nakakagala dahil tumigil na akong mag-aral after I graduated in senior high school.
I'm rich at marami akong pera, kaya bakit ko kailangan pang mag-aral?
I leaned back on the couch before I sighed. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko kakatulala kanina. Naboboring na rin ako kahit pa parang mabibingi na ako sa sobrang lakas ng musika at may pasamo't-saring pailaw pa silang paandar dito ngayon.
I glanced at Tasha with a weary gaze.
"I'm bored," I sighed before I sip at the glass of alcohol.
Talagang nakakaboring ang araw na 'to ...or maybe I was not really in the mood to celebrate my birthday. Paano naman ako magsasaya kung ganitong araw din naman ako iniwan ni Amethyst? Tsk! That freak! Hindi ko maiwasang hindi magalit sa kaniya.
I saw how Tasha rolled her eyes in response bago unti-unting sumilay ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi habang may pasimpleng itinurong direksiyon.
When it comes to a freaking gorgeous guy ay lilinaw talaga ang mata ng babaeng 'to kahit pa dim lights lang ang tanging ilaw sa loob ng bar.
"Then, why don't you spice up your night by flirting with those guys over there, just like what you always do. Playing, darling," She suggested with a knowing grin before she giggled.
I rolled my eyes at her. She better make sure they’re worth my time. Otherwise, I’ll literally dig her eyeballs out.
Walang kagana-gana kong binalingan nang tingin ang itinuro niya na kaharap lang namin ng table pero nasa bandang kalayuan sila sa amin. In fact, nasa VIP area sila. Not bad! Gwapo nga sila at mukhang may maipagmamalaki rin dahil na sa kanilang awrahan at pananamit.
Honestly, they are unfamiliar to me.
Mukhang ngayon ko lang sila nakitang nandito sa bar. Well, Tasha and I always hang out here, kaya siguro pamilyar na sa akin ang lahat ng lumalabas-pasok sa bar na ito. Suki kami rito at kahit hindi kami naka-VIP ay tinatrato pa rin nila kaming VIP costumer. Kulang na nga lang siguro ay gawin naming bahay itong bar.
Umiiling-iling agad ako nang makita ko ngang kaliwa't-kanan na ang mga babae nila. Wala na akong puwesto kapag nakisali pa ako roon.
I sighed and I was about to face Tasha again when someone caught my attention. Kasama siya sa mga grupong lalaking itinuro ni Tasha sa akin. Naagaw niya ang atensyon ko dahil sa tatlo niyang mga kasama ay siya lang yata ang walang babaeng nakapulupot at nakadikit sa kaniya. He looked dangerous and intimidating.
He looks like a man in his 30s.
Well, lahat naman siguro sila ay mukhang nasa 30s na. Obvious naman sa mukha nilang matured na tingnan.
He sat confidently, with one hand resting on the top of the sofa while he drank from a glass of alcohol. Napataas ang dalawa kong kilay nang pinagmasdan ko siyang uminom. Damn! He looks freaking hot! Idagdag mo pa ang nakabukas na apat na butones ng kaniyang black polo shirt, kaya malinaw na malinaw sa paningin ko ang masculine chest niya.
I unconsciously bit my lower lip nang mapunta ang tingin ko sa tattoo niya sa dibdib. I really can't see clearly what type of tattoo he had dahil nga dim light lang ang nandito. Nakatupi rin ang magkabilang manggas niya kaya kitang kita ko sa kaliwang kamay niya ang mga tattoos niya roon na parang nilukob na ang kabuoan ng kaniyang kamay at halatang pati braso niya ay punong-puno rin ng mga tattoo.
He looks freaking hot with those tattoos of his. Nakakadagdag pa ng charisma niya. It turned me on. Damn! I hate tattoos ...BEFORE! I love it now. Seeing them on him felt like witnessing a work of art on his body.
I almost drooled.
I couldn’t remember the last time a man caught my attention like this. Marami na akong kilalang lalaki na talagang maganda ang pagmumukha, but he's somewhat different from those guys. Hindi ko lang ma pinpoint kung anong kakaiba sa kaniya.
Unti-unti namang pumorma ang pilyong ngiti sa labi ko.
I will make you mine tonight ...as my birthday gift. I thought before I took a final sip of my drink, never taking my eyes off him. The liquid immediately burned my throat and wake up the sluttiest soul inside my body. Just the way I like it.
"Hey, ladies! Hindi niyo naman sinabing nandito pala kayo sa bar ko."
Hindi ko pinansin ang lalaking bigla na lang dumating at umupo sa tabi ko at saka ako inakbayan. He is not even worth glancing.
"Jarren, who are those guys over there? Mukhang bago lang sila sa bar mo?" tanong agad ni Tasha nang hindi na niya kaya pa ang kuryosidad niya. Itatanong ko rin sana iyon kay Jarren pero naunahan lang ako ni Tasha .
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa lalaking umagaw ng atensyon ko habang hinihintay ko ang isasagot ni Jarren.
"I really don't know them personally," He simply replied.
I rolled my eyes as I turned to look at him with disbelief. That's not the answer we are looking for, dumbass! Siya ang may-ari ng bar kaya dapat alam niya kahit maliit lang na detalye ng mga costumers na naglabas-pasok sa bar niya, like their names or family background man lang.
"Paano sila napunta sa VIP area ng bar mo without even knowing them, aber?" masungit na tanong na ngayon ni Tasha. Napakamot na lamang sa batok si Jarren. He looks like he really don't know them.
Napapailing na lang akong ibinalik ang tingin sa lalaking 'yon at pinagpatuloy ang pagpapantasya ko sa kaniya.
He is just too gorgeous to take in at once.
Well, mahaba pa naman ang gabi at hindi ako mapapagod kung ganito rin lang naman kaguwapo ang tanawin ko. He is too pleasing in the eyes.
"Tinawagan kasi ako ni kuya kanina na may dadating na apat na lalaki, kaya pumunta agad ako rito para e welcome sila. Alam niyo namang minsan lang tumawag si kuya sa akin tungkol sa bar. At saka kahit naman gustuhin kong malaman kung sino sila e hindi ko kayang itanong. There's something off about them. 'Yong aura nila, 'yong tindigan nila ay kakaiba talaga. Lalo na 'yang lalaking tinitingnan ninyo ngayong dalawa. He's a type of person that cannot be offended," mahabang litanya ni Jarren, na parang nanakot sa huli.
"Kaya kung ano man 'yang iniisip ninyong dalawa. Tigilan niyo na baka bumaliktad pa ang lamesa at kayo pa ang madihado," paalala niya sa amin.
Matapos niyang sabihin 'yon ay sakto namang tumunog ang cellphone niya.
"Anyways, if gusto niyo pa ng drinks sabihin niyo lang saakin. It's on the house. Sasagotin ko lang ulit ang tawag ni kuya." Naramdaman kong tumayo na siya sa pagkakaupo at umalis na.
Lumingon ako kay Tasha at nakita ko nga ring nakatitig siya sa lalaking 'yon bago niya ako nilingon nang nakangisi na rin. Nagkatitigan pa kami nang ilang segundo na para bang nag-uusap kami gamit ang mga mata namin. Alam kong konektado ang utak naming dalawa, kaya alam kong pareho kami ng iniisip ngayon.
Tsk. Jarren is just a coward man and besides we don't seriously take any advise. Ang alam lang namin ni Tasha ngayon ay it's such a waste of opportunity if hindi ko mabibingwit iyong malaking isda.
Inilahad ko na ang kamay ko sa harap niya at nakuha naman agad niya ang ibig kong sabihin. She just chuckled and may kinuha agad siya sa bag niya. She secretly gave it to me bago napangisi. Ito talagang babaeng 'to palaging may baon e.
"You evil being," natatawang sabi niya sa akin. I'll take that as a compliment.
"You better make that guy scream tonight," aniya pa na nagpangisi sa akin nang sobra.
"Scream?" I raised my eyebrows and did my signature evil smile.
"I am planning to make him lose his mind until I devour his last string of sanity, Tasha,” I said confidently.
"Oh! Then, good luck because he's a type of tiger that cannot easily be tame," bulong niya sa akin pabalik na may halong babala. I just smirked at her.
Let see.
Nilagyan ko ulit ng alak ang baso ko at binuksan ang pakiti ng isang aphrodisiac drug bago ko ito inihalo sa inumin.
"I am a professional tamer Tasha, remember?" sambit ko naman nang may nakakalokong ngiti sa aking labi bago ako tuluyang tumayo at naglakad na sa gawi ng lalaking umagaw ng atensyon ko.
Habang dahan-dahan akong naglakad ay pinapaikot-ikot ko ang hawak kong baso para ihalo nang mabuti ang inilagay ko roon habang titig na titig ako sa kaniya.
Hindi ko talaga maiwasang huwag siyang titigan. He's really a freaking gorgeous man alive. Kahit poker face lang siya ngayon ay nakadagdag pa rin ito sa kaguwapuhan niya. Walang kahit na anong bahid ng emosyon akong nakikita sa mga mata niya habang nakatingin lang siya sa mga nag sasayawang mga babae sa entablado. There was an emptiness in his eyes that could make anyone shudder in fear ...but not me. Any moment from now he will be under my control—I can guarantee that.
Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong napansin niya ang paglapit ko, kaya I showed my deadly weapon—my seductive look at tuluyan na nga akong lumapit sa kaniya. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang unti-unting pagsalubong ng dalawa niyang makakapal na kilay nang maramdaman niya ang presensya ko sa harap niya.
Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko upang magsalita nang maunahan niya agad ako.
"If you can't talk any sense then you better shut your mouth up," aniya sa malalim at seryosong boses pero hindi naman siya sa akin nakatingin. Kaya napalingon pa ako sa likuran ko dahil baka iba ang kinakausap niya.
"He was talking to you," seryosong sabi sa akin ng isang guwapong nilalang rin na mukhang kaibigan ng isang 'to.
He's talking to me?
Napatikhim ako nang wala sa oras. Hindi pa niya ako tinataponan ng tingin kaya alam kong pa hard to get pa ang isang 'to. No one can resist my beauty. Kahit bata man o matanda ay nahuhulog agad sa kamandag ko and it's already proven.
I bit my lower lip upon hearing how beautiful his voice. It was undeniably masculine and manly. Parang magandang musika sa pandinig ko ang malalim at buo niyang boses. Now that I got a closer look at him, my desire to have him tonight doubled.
He has this thick eyebrows, a pointed nose, a well defined sharp jawline, and lips that are sexy and kissable and a messy dark hair that really made him an outstanding beauty that one would never get tired of seeing.
Hindi siya kaputian pero bumagay naman sa kaniya ang kulay ng kutis niya. Mukha nga siyang modelo sa isang tingin pa lang. No, scratch that—he looked like a Greek god, the kind you read about in myths. A divine being walking among mortals. He also carries an aura that drives me wild, leaving me longing for him tonight.
Tsk. Tsk. I'd be really a fool if I didn't chase after such a beauty.
Don't get me wrong. I am still a VIRGIN. It just become my hobby to play someone. Paglalaruan ko lang naman siya and then leave him in pain. No s*x, just play. May kaunting dignidad pa naman akong itinira sa sarili ko.
Itinukod ko ang isa kong kamay sa arm rest ng sofa as I learned closer to him, dahilan upang ilang pulgada na lang ang pagitan sa amin.
“Hey, handsome,” I seductively called him. “Wanna ...have fun with me tonight?"
I sweety smile bago ko ipinakita ang basong alak na dala ko sa harap niya at hindi pinansin ang sinabi niya sa akin kanina.
Tiningnan niya lang ang nakalahad kong kamay bago dahan-dahang iniangat ang tingin niya sa akin. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.
We are so close to each other that I could see how clear and beautiful his eyes were. Those eyes—They were like a lake under a moonlight sky. So mesmerizing… and yet, there was something else— An emptiness. It was vivid, as if it had always been there.
It is really possible for a person to have this kind of emptiness in their eyes? Why?
He tilted his head and it looks like he carefully examined my whole face. He intently looked at me dahilan upang makaramdam ako ng pagkailang sa sarili at napabalik ako sa ayos ko kanina.
"What's your name?" malamig ngunit seryosong tanong niya sa akin. Damn! His deep and husky voice!
I bit my lip, seductively this time.
"Asuna," I flirty said.
I was taken aback when I saw an evil smirk hung at the corner of his lips. Hindi ko alam kung bakit kinabahan na lang ako bigla sa klaseng ngiti niyang 'yon. His smile was looked a bit too.... err... Sinister. Parang it's not usual for him to smiled like that and when he did, it wasn’t for good reasons.
Para na ring tinakasan ako ng tapang at gusto ko na lang itigil ito at kalimutan na lang ang lahat.
"Well, Asuna..." He stopped and raised his eyebrow.
I gulped.
"I don't play with a little kid."
He firmly replied without missing a beat.
“….“