17: It's a person

2518 Words
Mabilis kong hinubad ang damit na suot ko at tanging naiwan lang sa akin ay ang underwear ko. Tsk. Baka may nakakahawa pa tong sakit eh. Angel was surprised. Maybe she didn't expect me to undress just like that infront of her at sa condo pa ng boss niya. Confident naman ako sa katawan ko kaya bakit ako mahihiya? I immediately throw the dress at her. Nasalo naman niya agad ito. "Here, you don't need to come back." Padabog ko ng isinirado agad ang pinto pagkasabi ko 'non. Kinalma ko ang puso ko dahil sa umusbong na inis dito. Bakit may damit siyang naiwan dito sa condo ni Luca? Kaya ba hindi umuuwi si Luca sa bahay ng ilaw araw dahil nandito silang dalawa at nagjugjugan? Ano bang meron sa kanilang dalawa? Ganoon ba ang tipo ng babaeng gusto niya? An innocent and timid woman? Agad kong nilingon si Luca nang lumabas siya sa kuwarto niya. Nakapagpalit na siya ng damit at mukhang naligo rin siya ulit dahil sa basa niyang buhok at dahil na rin siguro sa usok kanina. I glared at him. Napaiwas naman agad siya ng tingin sa akin nang makita niya ang kabuoan ko. Bakit hindi siya makatingin nang deretso sa akin, when he already saw it all twice. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng tubig doon as if hindi niya akong nakitang walang saplot na nakatayo sa malapit sa pinto. Mas sexy ba sa akin ang katawan ni Angel kaya parang wala na lang ang katawan ko sa kaniya? Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Naiinis ako sa pagmumukha niya at mas lalo akong nainis sa tuwing naiisip kong magkasama silang dalawa ni Angel kahapon at may ginawang kababalaghan. I stalked her timeline before at may nakita akong post niya about her full length body mirror shot habang nakasuot siya ng mahabang damit na panlalaki and after kung tingnan ang kabuoan ng condo ni Luca, I knew na dito niya 'yon kinuhanan ng picture. I even saw the full length mirror na pinanggamitan niya rito. I'm obviously jealous here... but why the hell I feel this way? I hate the fact that I felt insecure towards that woman. She's pretty, kind, innocent and timid. While here I am... kulang na lang lahat ng masasamang ugali ay ibinato na ng diyos sa akin. I clicked my tongue at napaismid. "Hindi ko alam na si Angel pala ang tipong babaeng gusto mo," I said bitterly. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. "What are you talking about?" walang ganang tanong niya nang pumunta siya sa malaking salamin at inayos ang necktie niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin. I rolled my eyes and clenched my fist. Can he look at me for once? Bakit ba iwas na iwas siyang tumingin sa akin? "Why are you wearing nothing? Nasaan ang damit na suot mo?" tanong niya. "I am obligated to answer your question?" nakataas na ngayon ang kilay na tanong ko. Humalukipkip na rin ako sa harapan niya. Tumigil siya sa pag-aayos ng necktie niya at marahang tiningnan ang kabuoan ko sa salamin. Nasa salamin ang reflection ko kaya malaya niya akong nakikita kahit hindi niya ako nililingon. I slowly covered my chest and my lower part of my body when he look at me with those burning eyes of his again. I saw how his eyes darkened kaya napalunok ako nang wala sa oras. I felt so uncomfortable. His stare is so intense that it could fry me. *Knock* *Knock* *Knock* Nilingon ko ang pintong nasa likuran ko nang may kumatok dito. Tsk. Is she still here? Hindi pa ba siya umaalis? Nag-usap ba ang dalawa na sabay pumunta sa kompanya? Marahas kong pinihit ang doorknob at binuksan agad ang pinto. "Can you... f**k!!" My eyes looked as if they were ready to pop out of my sockets. Agad akong napayakap sa katawan ko nang makitang hindi si Angel ang kumatok. Three gorgeous men wearing a simple pair of clothes are here. They look like a high demand model kahit simpleng damit lang ang suot nila. Namumukhaan ko sila dahil sila lang naman ang kasama ni Luca noon sa Bar ni Jarren. "Woahhh!! What a nice body," komento ng isang lalaki na alam kong napakababaero dahil sa malagkit na tingin niya sa akin nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang isa sa kanila ay umiwas ng tingin sa akin at ang isa naman ay nagpapanggap pang tiningnan ang relo niya. What a gentleman! Hindi katulad ng isang 'to na kulang na lang hubarin pa ang naiwang saplot sa katawan ko. He don't know how much I want to dig out his eyeballs together. Naramdaman ko ang kamay ni Luca na humawak sa palapulsoan ko at agad akong inalis sa b****a ng pinto. Mabilis niya agad na pinulupot sa akin ang isang kumot. "Naughty.“ Marahan niyang pinitik ang noo ko. He still looking at me with those burning eyes. "Go to my room and dress up. Don't let anyone see your body," seryosong sabi niya at ipinagtulakan ako sa loob ng kuwarto. "Naks naman! Binakuran agad," rinig kong sabi noong lalaki kanina na kung makatitig sa akin ay parang kakainin na ako ng buhay. Isinarado ko na ang pinto ng silid at idinikit ko na rin ang tenga ko roon upang makinig sa pag-uusapan nila. Luca is not an ordinary person. He can kill anyone without regretting it. Kaya posibleng din ganoon ang mga kaibigan niya. "Cut the crap, womanizer. What brings you here?" rinig kong tanong ni Luca. "Sabi sa baba ay may sunog daw dito. Hindi ba puwedeng nag-aalala lang kami sa'yo dahil baka na lechon ka na ng wala sa oras dito." "You're cooking?" Hindi ko masabi kung sino ang nagsalita, basta nakinig lang ako. "Kaya naman pala nagkakagulo eh. Nagluto pala ang mokong." "Don't beat around the bush. Tell me why all of you are here?" seryong tanong ulit ni Luca. Mas idiniin ko lalo ang tenga ko dahil mukhang seryoso na silang mag-uusap ngayon. "Nothing. May issue lang sa headquarters kaya kami naparitong tatlo. 'Yong pinatay mo....." Napakunot ang noo ko nang hindi ko na marinig pa ang sasabihin ng womanizer na 'yon kahit anong diin ang ginagawa ko sa tenga ko sa pader. "Tapos na ba silang mag-usap? Ano 'yong pinag-uusapan ba kasi nila? Bakit hindi na sila nag-uusap sa labas?" *Knock* *Knock* Napalayo agad ako sa pinto dahil sa katok na iyon. "W... Why?" nauutal kong tanong dahil kinabahan ako bigla. Baka kasi naramdaman niyang nakikinig ako sa usapan nila. "We will just go out. May mga damit diyan sa closet. Pumili ka ng gusto mong suotin," aniya kaya nakahinga ako nang maluwag. "Okay," tugon ko bago mabilis na idinikit ulit ang tenga ko sa pinto. "Sigurado ka bang wala siyang alam? Balita ko eh nandoon siya sa location kagabi at nagkagulo pa. At saka, hindi ba't delikado na nandito siya sa condo mo? Baka malaman niyang...." rinig kong salita ng isa sa mga kaibigan niya. "She doesn't know anything. She's dumb." Boses iyon ni Luca at narinig ko na lang ang pag bukas-sara ng pinto sa condo, senyales na lumabas muna sila. Napairap at hindi maipinta ang mukha ko nang marinig ang huli niyang sinabi tungkol sa akin. Tsk. Trying to insult me behind my back, huh? Binuksan ko ang pinto ng kuwarto at sinilip ang labas. Wala na nga sila sa loob at mukhang ipagpapatuloy nila ang pag-uusap sa labas upang hindi ko marinig. Napabuntong hininga naman ako. Nagiging mailap si Luca matapos ang nangyaring pagbuntot ko sa kaniyang kagabi. Mukhang malaki ang sekretong itinatago nila at hindi niya gustong malaman ko ito. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng silid na 'to. Sigurado akong may mahahanap akong ebidensya o impormasyon na magbibigay sa akin ng linaw kung ano ba talaga ang mga ginagawa ni Luca. Bakit mukhang bihasa na siya sa pagpatay ng tao. Hindi naman siguro siya hired killer? Mayaman naman siya at hindi na niya kailangang gawin iyon. Pero may posibilidad pa rin lalo na't nasaksihan ko ang ginawa niya kagabi. O baka naman psychopath siya? Nanindig ang mga balahibo ko dahil sa inisip ko. Bumabalik din sa isip ko ang mga napapanood kong crime movie noon tungkol sa mga psychopath. Huwag naman sana. Nagbihis muna ako nang panibagong damit at inumpisahan ko na ang paghahalungkat ng mga gamit niya. Nagsimula ako sa labas ng kuwarto. Kahit sa kasuluk-sulukan ay tiningnan ko kung may makuha ba akong impormasyon, pero bigo naman ako. Sunod kong tiningnan ang kuwarto, pero wala rin aking nakitang kahina-hinala. Hinihingal akong nakapamewang habang tinitingnan ang kabuoan ng kuwarto. Ano ba kasing itinatago niya? Naningkit ang mga mata ko. Ngayon lang pumasok sa isip ko. Parang may hindi tama sa kuwarto niya. O mas magandang sabihin na may hindi tama sa condo unit niya. Nang dalhin niya ako rito kagabi ay napansin kong malaki ang condo niya kapag sa labas ka nakatingin, pero kapag nasa loob ka na ay parang hindi naaayon ang laki nito kumpara kapag nasa labas ka. "Right! Safe room! Paniguradong may safe room siya dito," anas ko bigla nang mapagtanto ko iyon. Agad kong hinanap ang pader na puwede niyang paglagyan ng safe room. Kinakatok ko ito at pinapakinggan ang tunog na bumabalik. Tumigil lang ako nang may kakaibang tunog na akong narinig. "Bingo!" nakangiti kong sabi. May safe room si dad sa mansyon namin dati kaya alam ko kung paano maghanap ng ganito dahil may pagkakataon na pumupuslit ako sa safe room niya para lang makita ang loob and of course, mahilig akong manood ng mga ganitong movie kaya basic na lang ito sa akin. Ngayon ay kailangan ko lang mahanap kung anong gagalawin ko para mabuksan ito...The mechanism. Ginalaw-galaw ko na lahat ng gamit sa kuwarto. Pati nga kama at kurtina ay ginalaw ko na pero wala pa rin. Mabilis naman akong pumunta sa closet at binuksan agad ito nang may mapansin akong kakaibang libro na nakalagay lang doon kanina nang kumuha ako ng damit. Hinakawan ko kaagad ito at ginalaw, napaatras pa ako nang biglang gumalaw ang closet papunta sa tabi at bumulaga sa akin ang isang pinto sa likuran nito. "I knew it. Kahit hindi ako nag-aral ay matalino pa rin ako," puri ko sa sarili ko. Agad ko ng pinuntahan ang pinto at pipihitin ko na sana ito nang mapaigtad ako sa gulat dahil bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok dito si Luca na hingal na hingal. Mukhang tumakbo siya papunta rito. Napansin ko naman ang isang maliit na cctv na sa gawi ko pa talaga nakatutok. Mariin akong napakagat sa labi. "Damn it! Bakit hindi ko man lang na pansin ang letseng cctv na 'yan? Bumalik tuloy kaagad siya," bulong ng isipan ko. Mabilis siyang lumapit sa akin. Napangiwi naman ako sa sakit nang bigla na lang niyang hinawakan nang mahigpit ang malapulsohan ko. "What the hell are you up to, lady? It's not good to poked your nose into someone else business," malamig at seryosong sabi niya sa akin bago tiningnan ang hidden door na nakita ko. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga niya bago masamang inilipat ang tingin muli sa akin. Luca's hand tightened, almost causing my wrist to break. Napaatras ako ng isang hakbang palayo sa kaniya. He's faces darkened and his sharp gaze as though wanted to penetrate my whole soul. "L... let me go! Gusto ko lang malaman kung sino ka. You are not an ordinary person, Luca. May tinatago ka ba sa loob ng safe room mo? Is it a gun? A bomb? Or a drugs," matapang kong sabi kahit na sa loob-loob ko gusto ng manghina ng mga tuhod ko. "It's a person." A low noise rumbled on his throat. Saglit akong natigilan. Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Napalunok na rin ako nang maraming laway. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya. "Get out of here before I decided to kill you," malamig na banta niya sa akin bago marahas na binitawan ang kamay ko. "And one more thing, incase your brain forgot. You only have 1 week left para bayaran ang utang ng daddy mo. Don't make this things worse, Asuna. Or else I have no choice but to take your life as a payment," mariin na banta niya sa akin. Nanlilisik pa ang kaniyang mga mata sa galit. Nanginig ang buong kalamnan ko sa klaseng pagbabanta niyang 'yon. Bumalik din sa isip ko na parang sirang plakang ang nangyari sa abandonadong gusali. The way he pointed the gun at me, pulled the tigger while wearing his emotionless and dark face makes my whole body shivered in fear. Damn him! Why he need to threaten me like this?! Magbabayad naman ako! Tiningnan ko muna sa huling pagkakataon ang pintong malapit ko na sanang buksan kanina bago ko halos takbuhin na ang pinto ng condo unit niya para makalabas lang. Sapo-sapo ko pa ang dibdib ko nang tuluyan na akong makalabas. Goodness! Seryoso ba talaga siya sa pagbabanta sa akin? Hindi ba't okay lang naman kami kanina? He even cooked for me kahit hindi niya alam kung paano iyon gawin. May nangyari ba sa usapan ng mga kaibigan niya kanina kaya bigla na lang nag-iba ang trato niya sa akin? Or maybe ayaw niya lang may nangingialam sa mga gamit niya? It's just safe room, pero kung maka-react siya ay parang malaking kasalanan na ang nagawa ko. Unless if may tinatago nga siyang tao sa loob. Nag commute na lang ako pabalik sa mansyon nang lutang pa rin ang isipan ko. Nakita ko pa si Amethyst sa living room pagkapasok ko. She tried to talk to me pero gaya pa rin ng ginagawa ko ay hindi ko siya pinapansin at dumeretso na lang sa kuwarto ko. Hindi pa kami magkaayos and wala akong balak makipag-ayos kahit pa lumuhod siya sa harap ko. Oo, mataas ang pride ko at wala akong pakialam kung mas mataas pa ito sa mount everest. Agad kong isinalpak ang sarili ko sa malambot na kama at pumikit. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang hidden door sa loob ng unit ni Luca and the way he acted earlier makes me want to know more what is hidden inside. Pero hindi ko alam kung paano gagawin iyon. Hindi ko nga alam kung makakabalik ba ako sa condo niya matapos ang nangyari. Is he really hiding a person inside? Bumangon naman ako at marahang pinalo ang sarili. "Asuna, come on! Nakita mo na ngang pumapatay siya, pagtatago pa kaya ng tao sa loob ng condo unit ang hindi mo paniniwala? Arghh!!" anas ko sa sarili. Kung paniniwalaan ko naman ang sinabi niya kanina. Eh, bakit niya iyon gagawin? Anong intensyon niya at isa pang bumabagabag sa isip ko ay kung sino ang taong iyon? Bakit ko pa ba pinoproblema ang mga bagay na 'yon? I need to think first kung paano makakabayad kay Luca. Ayokong makipag-usap kay Amethyst dahil lang dito. Arghh!!! I need to see Tasha. Baka may solusyon pa siya sa problema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD