Right at that moment, I didn’t know what was going on inside his mind. He was so quiet. And calm. Ilay had this silence in him that was neither cold nor furious. He was just there, leaning against the window sill with a cigarette dangling between his two fingers. He was looking at me but it felt more than that. “Why do you think like that?” Sa wakas ay nagsalita na rin siya. Bumagsak ang aking tingin sa kaniyang mga kamay. Tahimik kong pinanood kung paano nito ilang beses na inilapit ang sigarilyong hawak sa bibig hanggang sa upos na lang ang natira. Naubos na. Unti-unti akong umatras hanggang sa muling bumalik sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama. “It doesn’t matter.” “To me, it does…” Ilay breathed low. Umayos ito ng tayo kaya sumunod ng anggulo ang aking panga. He brought his cigar

