“Are you even listening? Daisy?!” Ilang beses akong napakurap nang tuminis ang boses ni Klio. Nasa treadmill na naman ito at ang panggabing trapiko ang nasa background. She sipped from her Hydro Flask while giving me a side-eye. Bumuntong-hininga ako. “Sorry. I didn’t get much sleep last night. What is it?” “Kulang ang tulog? Tingnan mo nga iyang mata mo. Busog na busog e!” She pressed a button, making her jogs turn into a run. “Ang sabi ko, some of your clients are willing to sponsor your art exhibit! That’s great news!” “Oh. That’s nice...” Dahan-dahan akong tumango. Mukhang hindi iyon ang gusto niyang reaksyon kaya nakatanggap na naman ako ng pag-irap. I sighed and sipped my morning coffee. Alam ko namang magan

