"Ito ba iyon Alwyn?" Tiningnan ko ulit ang scratch paper kung saan nakasulat ang address ni Sir Jayson. Tama ang kalye at ang numero ng malaking bahay na nasa isang kilalang subdivision. Gawa sa makapal na bakal ang gate at halos seven feet ang taas ng bakod. Lubog na ang araw at nagsisimula ng dumilim ang paligid. "Ito na nga iyon Tol," paniniyak ko kay Jhay L. Bakas sa mukha niya ang sobrang kaba na nagsimula pa kaninang umaga bago pa magsimula ang una naming klase nang ipakita ko sa kaniya sa aking cellphone ang scandal video galing sa laptop ni Sir Jayson Amaneo. Hanggang ngayon parehas pa rin kaming hindi makapaniwala na may nakapag video sa ginawa namin sa may fire exit two days ago lang. Ang anggulo ng pagkakakuha ng video ay nagmula sa taas kaya most probably ang kumuha noon ay

