Kanina pang umaga napapansin ni Taski na kakaiba ang ikinikilos nina Alwyn at Jhay L. Simula lang iyon nang mag-usap ang dalawa at parang may tinitingnan sa cellphone ni Alwyn. Bold kaya iyon? At sa buong maghapon halos hindi mag-imikan ang dalawa. At pag kakausapin niya si Jhay L parang wala ito sa sarili. Kapag si Alwyn naman, ngingitian lang siya ng pilit. At nang mag-uwian pagkatapos ng huling klase, napansin niyang sumakay ang mga ito ng tricycle at sa opposite direction ang punta. Pagkakaalam kasi niya'y naglalakad lang naman ang dalawa pauwi. Out of curiosity sumakay din siya ng tricycle at sinabihan ang driver na sundan sina Alwyn at Jhay L. Umibis si Taski ng tricycle ilang metro ang layo sa binabaan nina Alwyn at Jhay L para hindi siya mahuling sinusundan niya ang mga ito. Na

