Simula
When it comes to people, only few will stay. What I regret the most is hinayaan ko ang sarili kong masanay sa maraming nakapalibot sa'kin.
I started my year with so many friends, pero noong kami'y natapos na sa aming senior year ay tatlo lamang ang natira. Medyo nakakapanghinayang na hanggang alaala na lamang sila pero it is what it is, wala na akong magagawa doon.
"Thala, saan mo ba balak mag college? Kung saan ka, doon din kami nila Ymara since wala naman kaming pinaplanong school" Karina said.
Kaming apat nalang nila Ymara, Karina, and Sid ang natira sa circles, which is I don't regret because it is more peaceful when it's just the four of us, no competition and no dramas.
Masyadong toxic ang nauna naming circle pero it is what it is, we tried correcting their attitudes but it's still their decision to change not us.
Humiga muna ako sa lap ni Ymara bago ko siya tinignan.
"Sa UP Diliman ako, g kayo?" I asked in a sweet voice, as usual.
Inirapan ako ni Ymara sabay pitik sa noo ko.
"Sis! Ikaw lang 'tong sobrang talino sa ating apat, hindi namin carry sa UP, please maawa ka!" she replied in frustrated tone.
"Sabi mo kung saan ako, doon din kayo?"
"Joke lang beh, syempre ano, ahm..." sagot ni Ymara tsaka siya natulala saglit at ngumiti sa'kin na parang tanga.
Ymara is the slow one to us pero grabe ang batak ng score sa math. Kulang nalang sambahin namin si Ymara para lang maturuan kami sa math.
Sino ba kasing tanga ang maglalakas loob mag STEM, syempre kaming apat.
Saktong pagtayo ko ay biglang pumasok sila Karina at Sid nang may dalang pagkain. Nasa iisang condo lang kami dahil ayaw na namin mawalay sa isa't-isa basta 'wag lang nila gagawin 'yong shampoo at sabon ko, baka masabunutan ko sila ng hard.
"Siomai para sa mukha ni Athalang nakaka umay!" sigaw ni Sid tsaka niya itinabi sa lamesita 'yong siomai.
"Soju para kay Ymarang pinagpalit sa malayo!" sunod naman ni Karina tsaka niya nginisihan ng nakakainis si Ymara.
Kawawang Karina, hindi man lang nagets ni Ymara. Hindi din naman kasi rhyme 'yong napiling banat ni Karina.
Tumayo na ako ng tuluyan tsaka ako lumapit sa pinaglalagyan nung siomai, buti nalang at hindi sila nagtipid ngayon. Mga kuripot kasi 'tong dalawang 'to, akala mo hindi anak mayaman eh.
Nagsikuhaan na rin sila ng bilang nang makakain nila. Ako naman ay dumiretso na sa sala para doon kumain habang nag sscroll sa IG.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay nagsisunuran sila dito sa sala. As usual, girls talk lang ang naganap.
Binuksan ko ulit ang IG ko para sana picturan sila ngunit pagbukas ko ay nangunguna sa feed ko ang isang fan page.
Napaka galing nung edit niya doon sa sikat na artista ngayon, sana all magaling mag edit. Kudos talaga sa lahat ng editor na sobrang sipag.
Gusto ko pa sana siyang istalk kaso tinamad ako bigla kaya nag scroll-scroll nalang ulit ako. Nagulat naman ako bigla dahil sa pagkalabit ni Sid sa akin.
"What?" I asked curiously.
"Pautang 2k, bayaran ko nalang mamaya kasi tinatamad akong magpalagay ng pera sa Gcash, bibili ako pang battlepass sa COD beh" Sid replied while nodding as if encouraging me to let her handle some cash.
Inirapan ko lang siya tsaka ko binuksan 'yong Gcash ko tsaka ko sinend sa number niya. Wala namang kaso 'yon, alam ko namang babayaran din 'yon ni Sid. Si Sid pa hahamunin niyo, mukhang pera 'yon pero alam niya magbayad sa tamang oras.
Tumili naman bigla si Karina kung kaya't dali-dali ko siyang binatuhan ng kalamansi galing sa pinangsawsawan namin ng siomai.
"Aray! Bawal na ba akong kiligin ngayon?" Ani ni Karina tsaka niya kami iniripan.
Ngumiti naman siya ulit at ipinakita sa amin 'yong cellphone niya. Nasa Yubo app nanaman siya kung kaya't inayos ko ang upo ko dahil baka may irereto ulit 'to. Syempre, char-char lang.
"Oy! Ano ulit meron sa Yubo, mareng Karina? May mairereto ka ba ulit?" Tanong ko habang nakangiti.
Dinilaan niya lang ako tsaka siya ngumisi ulit.
"Alam mo Athala, bumalik ka na sa Yubo kasi dumadami na ang gwapo doon, malay mo nandoon na talaga 'yong para sayo, 'wag kang umasa sa akin kasi kaya nga ako nag download ng Yubo, para may kalandian ako, hindi para ireto sayo, che!" She said while grinning.
"Anyways, ang gwapo niya no?" Tanong ni Karina sa amin habang pinapakita 'yong mukha nung boy na bet niya.
"He likes the color of red daw, nako sis! Walking red flag na 'yan" sambit ko habang patando-tando pa.
"Epal 'tong si Athala, napaka judgemental, bahala ka nga diyan" sabi ni Karina tsaka siya bumalik sa pagtingin sa cellphone niya na parang tangang nakangiti.
"Delikadao ka na Karina, picture pa lang 'yan ah, iswipe mo na sa right, nahiya ka pa eh!" Hirit ni Sid tsaka siya tumawa.
Si Ymara naman ay busy lang na nanonood sa TV habang kumakain pa rin ng siomai. Ako naman ay ibinalik ang pag scroll sa IG nang biglang nag notif sa akin 'yong account ni Chloe na naka live daw siya.
Pinindot ko 'yon ngunit ganoon na lamang ang panlalamig ko nang makita rin doon 'yong lalaking hindi ko inaasahan na makakasama ni Chloe. Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, bakit itong tao pa 'yong makakasalamuha ni Chloe.
Si Chloe tsaka Aritha 'yong dalawa pa naming kaibigan noon, ngunit mas pinili nilang dalawa na panigan 'yong toxicity nila, kung kaya't napilitan kaming hindi sila pansinin hanggang sa matapos nalang kami sa senior years namin.
Masaya silang dalawa na nagkakantahan sa live, marami rin ang nagshiship sa kanilang dalawa. Hindi alam ni Chloe na isa ako sa mga viewer dahil sa busy siya sa pakikipag kantahan kay Shawn.
Narinig naman ata nila Sid 'yong boses ni Chloe tsaka Shawn kung kaya't dali-dali silang tatlo lumapit sa akin. Nakita ko ang worried look ni Ymara ngunit nginitian ko lang sila, pahiwatig na hindi na ako lubos apektado sa ganito.
Nakakainis lang na sa maling isang desisyon, magkakagulo ang lahat. Hindi ko inasahan na sa simpleng hindi ko pagsipot noon sa lugar ng aming tagpuan ay magbabago na ang lahat.
Nakakapanghinayang, ngunit wala na akong magagawa sa naka tadhana. Kung maibabalik ko man ang oras, edi sana mas pinili ko nalang maging matigas kila Chloe noon kaysa hindi siputin ang pinakamamahal ko sa tagpuan naming iplinano.
Naalala ko nanaman 'yong puno sa ilalim ng mga nalilinawang tala, ang puno kung saan nabuo ang aming storya. Storyang hindi ko alam kung wakas na ba o magsisimula pa lang.
___________________________________________________
Disclaimer:
All of the mentioned names are purely fictional characters only except to the places since I want this story close to reality. All of the characters haves its individual character development, so I want you all to bear with their toxicities for they are also human in my own imaginations.
-metanoiaae