Tahimik ang buong lounge sa private ward ng ospital. Ako lang at si Tita Loraine ang naroon ngayon, pero ang katahimikan ay parang sumisigaw sa bawat sulok ng kwarto. Nasa harap ko siya, may hawak na tasa ng kape na hindi niya iniinom. Ako naman, naka-upo pero parang hindi mapakali. Nakatitig lang ako sa sahig habang naglalaban ang takot at galit sa dibdib ko. "Anak," marahang sabi ni Tita Loraine, ngunit dama ko ang bigat sa likod ng kanyang tinig, "kailangan na nating magdesisyon. The press is asking, the church is calling. Sponsors are waiting. We need to finalize the announcement within tonight." Napasinghap ako, pilit hinahabol ang lakas ng loob. "Tita... hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong pipiliin. Paano kung... kung hindi na siya magising? Paano kung forever nang ganito? Paan

