It was a very stressing day at gusto ko nang magpahinga. Actually hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Was I happy dahil hindi na nagpapakita si Digby, or was I sad dahil sa akin lahat humahampas ang lahat. Parang ang lahat ng kanyang pagkukulang ay dapat kung punan. Ganyan ba dapat kapag may asawa na? Dahil this is not what I was dreaming. Pagpasok ko sa bahay, malamig agad ang sumalubong sa akin. Hindi dahil sa aircon. Kundi dahil sa bigat ng alaala. Dito sa bahay na ito dapat mangyayari ang buhay na pinapangarap ko kay Von. Dito sana kami mag-uumpisa. Dito sana kami tatawa, mag-aaway, magluluto ng breakfast nang magkasama, manonood ng pelikula sa gabi—lahat ng pangarap, pinlano namin dito. Pero ngayon, ang lahat ng ‘yon ay nauwi sa katahimikan at multo ng alaala. Kaya’t lakin

