CHAPTER 14

1479 Words
Tahimik ang ICU. I stayed here for hours now. Walang ibang tunog kundi ang paghinga ng makina at ang mahinang beep ng monitor sa gilid ni Von. Isang linggo na mula nang bumagsak siya mula sa second floor. Isang linggo na rin akong nabubuhay sa bawat araw na parang hinuhukay ang sarili kong libingan. Pero ngayon
 andito ulit ako. Suot ang simpleng coat at cap, para lang makalusot sa press na nag-aabang pa rin sa labas. Bitbit ang maliit na bouquet ng lilies—paborito niya. Si Von. Tahimik. Di kumikibo. Pero para pa rin siyang ang lalaking minahal ko. Lumapit ako. Umupo sa gilid ng kama at pinilit ngumiti, kahit ang totoo, durog na durog ako. “Hi, Von
” mahinang bungad ko. “Nandito na naman ako.” Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang makinis niyang pisngi, ang tahimik niyang mata, ang dibdib na bumababa-taas dahil sa respirator. “Wala pa ring pagbabago,” bulong ko, pilit na ngumingiti habang pinipigil ang luha. “Pero alam mo
 kahit ganito ka, ikaw pa rin ang tahanan ko.” Hinawakan ko ang kamay niya—malamig, pero totoo. At doon na, tuluyang nabasag ang tinig ko. “Von, patawarin mo ako,” sabi ko, umiiyak na. “Hindi ko ginusto ‘to. Hindi ko ginustong mapunta sa ganitong buhay. Hindi ko ginustong iwan ka
 sa gitna ng laban natin.” Tumulo ang luha ko sa kama. Hinaplos ko ang braso niya, sabay yakap sa gilid niya. Parang bata. “Ang dami kong gustong sabihin
 pero hindi ko alam kung maririnig mo pa ako,” bulong ko. “Pero kailangan kong subukan, kahit isang beses man lang.” Huminga ako nang malalim, pilit na pinapatatag ang sarili. Pero bawat salitang lumalabas sa bibig ko, parang kutsilyong humihiwa sa puso ko. “I married Digby,” sabi ko, halos hindi ko marinig ang sarili. “I did it, Von. I let them control my life. Pumayag ako
 sa kasal na hindi ikaw ang groom. Pumayag akong gamitin ang pangalan mo, ang sakit mo, para lang mailigtas ang negosyo n’yo
 ang pangalan n’yo.” “Pumayag ako dahil pinili kong maging Carla Montrose
 pero hindi bilang asawa mo, kundi asawa ng lalaking pinaka-ayaw ko sa buhay ko.” Napasandal ako sa gilid ng kama niya. Pumikit. Tuloy-tuloy ang luha. Hinahaplos ko ang kamay niya na parang doon lang ako kumukuha ng lakas. “Hindi ko alam kung matatawaran mo pa ako kung maririnig mo ‘to. Baka sa isipan mo ngayon, ako pa rin ang bride mo. Ako pa rin ang babaeng papakasalan mo. Pero hindi na, Von
 hindi na ako ‘yon.” “Sa gabing dapat ay honeymoon natin, umiiyak ako sa isang silid na hindi ko pinili. Sa piling ng lalaking pinilit kong hindi pansinin. At alam mo ang mas masakit? Pati sarili ko
 hindi ko na makilala.” Sumandal ako sa dibdib niya, maingat sa mga tube at sensor. Pinakiramdaman ko ang tunog ng makina. Paulit-ulit. Pare-pareho. Pero walang sagot. “I miss you so much,” bulong ko. “Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang pinili ko. Hindi pera, hindi pangalan, hindi pamilya. Ikaw lang.” Kumapit ako sa kanyang kamay, mas mahigpit. Umiiyak. Nanghihina. “Kung pwede lang kitang ipaglaban muli, gagawin ko. Kung gigising ka lang, Von
 kahit bukas
 iiwan ko ang lahat. Lahat. Basta ikaw ang babalikan ko.” Pero tahimik lang siya. Tila nahihimbing sa mundong hindi ko maabot. “Alam mo bang araw-araw akong nagsisisi?” tanong ko. “Alam mo bang habang sinasabi ko ang ‘I do’ kay Digby, ang nasa isip ko ay ‘I don’t’?” Tumayo ako at nilapitan ang mga bulaklak. Inayos ko ito sa gilid ng kama. “Pero kahit anong gawin ko
 late na. Asawa ko na siya. At kahit hindi ko siya mahal, hindi ko rin kayang takasan ang kasinungalingan na ‘to.” Humarap ako muli sa kanya. Ngayon, diretso akong nakatitig sa tahimik niyang mukha. “Pero Von
 gusto kong malaman mo: hindi ka kailanman napalitan sa puso ko.” Napahawak ako sa sarili kong dibdib. “Lagi kang nandito.” Muli akong naupo sa tabi niya. Tahimik na sandali. Tanging ako, siya, at ang mundong ‘di niya maramdaman. Pero kahit gano’n, pinilit kong ngumiti sa gitna ng luha. “Kapag nagising ka, Von
 at kaya mo na akong tanungin, huwag mo akong saktan. Sabihin mo lang kung hindi mo na ako mapapatawad
 pero sana, kahit papaano, maintindihan mo.” Pumikit ako, pinunasan ang luha. “I love you,” huli kong bulong. At sa tahimik na silid ng ospital, iniwan ko ang isang bahagi ng puso kong hindi kailanman matututunang mahalin si Digby—sapagkat ang lahat ng pagmamahal ko ay nanatili sa taong hindi makasagot. After kung bumisita kay Von at dumiritso ako ng MCC. Wala pa ring pagbabago. Isang linggo na mula nang ikinasal ako kay Digby, pero pakiramdam ko, hindi pa rin ako asawa. Parang isang anino pa rin akong umiikot sa loob ng gusaling ito—paulit-ulit sa trabaho, paalala, schedules, meetings. Ganoon pa rin ang desk ko, ganoon pa rin ang aircon na minsan ay masyadong malamig. Pero ang pinaka-nagbago? Ang kawalan ni Digby. Simula noong gabi ng honeymoon
 hindi na siya bumalik. Wala sa opisina. Wala sa mga meetings. Wala sa mga board decisions. Nagpadala lang ng ilang memo via email, pero walang presensyang personal. Halos isang linggo na. At dahil doon, ako ang umaako sa lahat ng init ng mga kliyente—lalo na ngayon. Pagkapasok ko sa top floor ng MCC, diretso na ako sa opisina ni Digby. Maaga pa, wala pang ibang tao, pero napansin kong may nakatayong lalaki sa tapat ng glass door. Paglapit ko, agad niya akong hinarang. “Mrs. Montrose,” singhal ni Mr. Darious, ang may-ari ng Darious Development na may kasamang joint venture sa MCC para sa isang luxury housing commercial. “One week. One damn week of silence. And nothing’s been done!” Agad akong natigilan. Huminga ako nang malalim at pinilit manatiling mahinahon. “Mr. Darious, I understand your frustration, but—” “Do you?” singit niya, nanlalaki ang mata. “Because from where I stand, it doesn’t look like anyone from this company gives a damn!” Napatingin ako sa loob ng opisina ni Digby. Wala talaga siya. Walang gamit. Walang kahit anong palatandaan na may boss kaming CEO. “I’ve rescheduled three launches,” dagdag ni Mr. Darious. “Investors are backing out. Workers are idle. The commercial site is bleeding money by the day!” Lumunok ako. “I’ll contact the board. I’ll try to move—” “No.” Pinutol niya ulit ako. “You tell your husband that if he doesn’t show up within this week, I’m pulling the project. Entirely. I don’t care about your personal drama. I want the damn housing commercial done.” Napayuko ako. Ang bigat ng tingin niya. Hindi ako si Digby. Wala ako sa posisyon. Pero dahil ako ang secretary—at asawa pa ngayon ng CEO—ako ang puntirya ng lahat. “Yes, sir. I’ll do my best,” sagot ko, bagama’t hindi ako sigurado kung saan ko huhugutin ang ‘best’ na ‘yon. Umiling siya, hindi satisfied. “He better show up. Or MCC goes down with it.” Umalis siyang galit na galit. Naiwan akong mag-isa sa hallway, pakiramdam ko ay nilubog ako sa sahig. Walang tao, pero parang lahat ng pader ay naniningil ng kasalanan ko. Pumasok ako sa opisina ni Digby. Tahimik. Amoy kahoy pa rin at mamahaling cologne na parang multo na lang ngayon. Napaupo ako sa swivel chair niya. Lumingon ako sa paligid. Ganito ba talaga ang buhay ng isang asawa sa papel? Araw-araw akong bumabangon para punan ang kawalan niya, para saluhin ang mga galit na dapat ay sa kanya ibinabato. Pero wala siya. Hindi siya humaharap. At habang ako, kahit hindi handa, ay nagpatuloy
 siya naman ang piniling tumakas. Digby
 hanggang kailan mo tatakbuhan ang responsibilidad mo? Pinatong ko ang kamay ko sa lamesa. Napapikit. Humikbi. Ayoko na. Hindi na ito tungkol sa MCC. Hindi na ito tungkol sa project ni Mr. Darious. Ito ay tungkol sa lalaki na pinakasalan ko, at kung paanong mas pinili pa niyang magkulong kaysa harapin ang gulo na siya rin naman ang gumawa. Muli kong binuksan ang laptop sa mesa niya at tinignan ang calendar. Tatlong meetings ang pending. Lima ang cancelled. At isa ang nakalagay bukas: “Lunch with Montrose Foundation investors.” Napabuntong-hininga ako. Ako na naman. Ako na naman ang haharap. Pero habang pinagmamasdan ko ang profile niya sa screen, isang tanong ang sumagi sa isip ko: Hanggang kailan ko kakayanin? At sa mga sandaling iyon, isang bagay lang ang sigurado: Kung hindi babalik si Digby ngayong linggo, hindi lang ang project ang mawawala. Baka pati ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD