CHAPTER 17

1594 Words
Halos araw-araw, binibisita ko si Von. Tahimik lang. Walang announcement. Walang paalam sa Montrose family. Just me, my guilt, and a hospital hallway that never seems to change. Today felt the same. The usual scent of alcohol and antiseptic filled the air. The nurses at the station gave me the usual soft nods as I passed by. Room 417. ICU. Still no change. I clutched the small thermos I brought—his favorite chamomile tea, though I knew he couldn’t drink it. It was more of a ritual than anything else. A way to talk to him. A way to feel like he could still hear me. Pero paglapit ko sa pinto ng silid… napatigil ako. Bukas ang pinto, hindi naka-lock. Maliit lang ang awang, pero sapat na para marinig ko ang isang tinig mula sa loob. Mababang boses, pamilyar. Hindi ako gumalaw. Hindi ako huminga. Digby. ā€œVonā€¦ā€ mahina ang tinig niya, may panginginig. Napakapit ako sa doorframe. Ang buong katawan ko, nanigas. Hindi ko alam kung lalapit ako o lalayo. Pero pinili kong manatili. Tahimik. Nakikinig. ā€œYou idiot,ā€ bulong ni Digby. ā€œBakit ka pa sumayaw sa akin nung gabing ā€˜yon, huh? I could dance with anyone else... but you laughed—you laughed, and you dragged me. Alam mo namang lasing ako eh and I am beyond happy for you that night.ā€ May hapdi sa boses niya, ramdam ko kahit hindi ko siya nakikita nang buo. ā€œLasing ako. Alam mo ā€˜yon. Dapat ako na lang ang nahulog. Hindi ikaw.ā€ Napasinghap ako. Hinigpitan ko ang hawak ko sa thermos. ā€œI should’ve protected you,ā€ patuloy niya. ā€œFrom me. From all of this.ā€ Muling sumunod ang katahimikan. Matagal. Parang wala akong ibang maririnig kundi ang langitngit ng bench sa loob ng kwarto kung saan siya marahil nakaupo. ā€œAlam mo ba kung gaano ako kabaliw nung sinabi ng doktor na baka hindi ka na magising?ā€ tanong niya, mababa, halos pabulong. ā€œI thought… I thought I’d lose the only person who ever believed in me.ā€ Kumirot ang puso ko. Hindi ko alam na ganito kalalim ang hinanakit niya. Na sa likod ng yabang, ng gulo, ng sapilitang kasal, ay may kapatid pala siyang halos mabuwal sa bigat ng konsensya. ā€œI failed you, Von.ā€ Muling natahimik ang silid. Then came the most unexpected words—mga salitang hindi ko kailanman inakala na maririnig ko mula sa kanya. ā€œCarla didn’t deserve this.ā€ Nanlamig ang batok ko. Napakapit ako sa pader, pilit nilulunok ang biglang pamimigat ng dibdib. ā€œI dragged her into this nightmare because I couldn’t stand the thought of losing both of you.ā€ Napapikit ako. Pinilit kong huwag umiyak. ā€œI thought marrying her would make things right. That somehow, preserving the name, the deal, the image… would make things mean something. But all I did was chain her to the wreckage.ā€ Digby… ā€œEvery day, she looks at me like I’m the storm she’s trying to escape. And maybe I am.ā€ Pigil na ang luha ko, pero ramdam kong kahit pisil ko ang palad ko, hindi na ito matitigil. Hindi ko siya kilalang ganito. Hindi ko akalaing may ganitong puso sa likod ng matigas niyang postura. ā€œBut I made a promise,ā€ dagdag niya. ā€œTo Mom. To Dad. And now to you.ā€ ā€œI’ll protect her, Von.ā€ I swallowed. ā€œEven if she never loves me… even if she leaves one day—I’ll protect her until you wake up again. I’ll carry the blame. I’ll carry her pain. Because that’s what you would’ve done.ā€ Hindi na ako nakagalaw. ā€œI’ll never replace you,ā€ bulong niya. ā€œBut I’ll honor what you started. Because you loved her. And now… I think I’m learning how to love her too. Kahit masaktan ako sa bawat pagtanggi niya. Kahit wala siyang ibalik.ā€ Tuluyan nang bumagsak ang luha ko. Tahimik. Mainit. Malinaw. Biglang kumirot ang dibdib ko, hindi sa galit o pagkasuklam, kundi sa isang damdaming matagal kong tinulak. Isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan. Digby… Hindi niya alam. Wala siyang kaalam-alam na naroon ako. Hindi niya alam na narinig ko ang mga salitang iyon—hindi scripted, hindi pampalubag loob, kundi totoo. Mula sa puso. Marahas man ang simula ng relasyon namin, marumi, at puno ng puwersa… ngayon ko lang nakita ang lalaking humihingi ng tawad sa paraang tanging katahimikan lang ang saksi. Muli kong tiningnan ang silid. Gusto kong pumasok. Gusto kong yakapin si Von. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko pa rin siya, na patawarin niya ako. Pero hindi ko rin maialis ang bigat ng narinig ko kay Digby. Walang halik. Walang pilit. Walang pagmamayabang. Tanging kapatid lang siya, lumuluha para sa kapatid niya. At lalaking umiibig… kahit hindi siya minamahal pabalik. Digby Montrose, anong ginagawa mo sa puso ko? Dahan-dahan akong umurong palayo sa pinto. Wala siyang dapat malaman. Hindi ko pa rin alam kung kaya ko siyang mahalin. Pero isang bagay ang sigurado ko ngayon: For the first time, I saw the man… not the monster. At sa kanyang katahimikan, sa gitna ng kanyang pagluha, doon nagsimulang mabasag ang pader ng puso kong akala ko’y hindi na muling titibok. Pagbalik ko sa bahay, tahimik ang lahat. Walang tugtog, walang usapan, walang galaw—tanging tunog lang ng heels ko sa sahig ang maririnig habang unti-unti akong pumapasok sa sala. Ito ang bahay na dapat ay magiging tahanan namin ni Von. Dito sana magtatapos ang mga plano naming binuo simula noong una kaming nagkita. Pero ngayong mag-isa ako rito, wala ni anino ng pag-ibig sa paligid. Tanging alaala. Alaala, at ang multo ng pangarap na hindi na matutupad. Bitbit ko pa rin ang thermos na dapat sana’y iiwan ko sa hospital. Hindi ko nagawa. Hindi ko kayang iwanan iyon sa tabi niya—hindi pagkatapos ng lahat ng narinig ko. Ilang beses akong huminga nang malalim. Pilit kinakalma ang sarili. Pero sa bawat buntong-hininga, mas lalong lumulubog ang puso ko sa bigat ng damdaming hindi ko maintindihan. Hindi ako dapat naapektuhan. Hindi ako dapat nahulog. Hindi ako dapat... natigilan sa sinabi niya. Pero totoo. Narinig ko si Digby. Narinig ko ang bawat piraso ng pagkasira niya. Ang bawat luhang iniluha niya para sa kapatid. Para kay Von. Para sa akin. At ngayon, habang nakaupo ako sa gilid ng sofa, yakap ang mga tuhod ko, paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang tinig niya. ā€œI’ll protect her until you wake up againā€¦ā€ ā€œEven if she never loves meā€¦ā€ ā€œBecause that’s what you would’ve done.ā€ Masakit. Dahil sa unang pagkakataon, hindi ko siya makitang halimaw. Si Digby Montrose—ang lalaking kinamumuhian ko, kinatatakutan, at pinandidirihan—ngayon ay parang isang batang ligaw. Lumuluhang kapalit ng kasalanan. Nagsusumamo sa katahimikan ng kapatid na hindi siya masagot. Bakit parang may unti-unting natutunaw sa akin? Bakit parang, kahit ayaw kong aminin, naramdaman ko ang bigat ng pagdadalamhati niya? Bakit? Napapikit ako, pinigilan ang luha pero tuluyan na itong bumagsak. "Von..." bulong ko. "Kung nandito ka lang, baka ikaw ang makasagot sa mga tanong ko." Kinuha ko ang isang framed photo namin ni Von sa console table. Magkahawak kamay. Masaya. Puno ng pangarap. Tiningnan ko ito nang matagal. "Sorry..." bulong ko, nanginginig ang boses. "Sorry kung napasok ako sa gulong ā€˜to. Sorry kung hindi kita nasalo. Sorry kung ikaw ang naghirap habang ako… ako ang naiwan." Napayuko ako. Iniiyak ang lahat ng bigat ng pagkukulang. "Pero Von, narinig ko siya," patuloy ko. "Narinig ko si Digby. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngayon pero... hindi na siya ā€˜yung Digby na inakala ko. Hindi na lang siya bastos. Hindi lang siya mayabang. Nasasaktan siya. At hindi ko alam kung anong gagawin ko roon." Kumunot ang dibdib ko, parang may balakid na hindi ko maalis. "Hindi ko siya mahal, Von," pabulong ko. "Hindi ko siya mahal. Pero..." Napahawak ako sa dibdib ko. Ang t***k ng puso ko, parang hindi normal. Parang may gustong kumawala. "...bakit parang hindi ko na rin siya kayang kamuhian?" Naglakad ako papunta sa kwarto, dala pa rin ang larawan. Inilapag ko ito sa gilid ng kama. Nahiga ako nang patagilid, nakaharap sa dingding. Malamig ang kumot. Tahimik ang paligid. Pero ang utak ko, gising na gising. Naalala ko ang mga sandaling pinilit niya akong kausapin. Ang mga gabing niluluto niya ang paborito kong pagkain. Ang ngiti niyang pilit ngunit totoo. Ang mga paalalang, kahit sapilitan ang kasal namin, siya lang ang walang sawang sumusubok pa ring lumapit. Twisted. Yes. Pero may effort. May guilt. May… puso? Hindi ko alam kung awa ba ā€˜to. O simpatiya. O baka… unti-unti na akong nababaklas sa mga pader na itinayo ko. Bumaling ako, tumitig sa kisame. Bakit ngayon pa? Bakit kailanman, laging late si Digby Montrose? Laging huli sa lahat. Kung narinig ko ā€˜yon noon, baka may saysay pa. Kung naging ganyan siya noon, baka… baka hindi ganito ang lahat. Pero ngayon, ako na ang nasasaktan. Ako na ang nalilito. Ako na ang natatangay sa alon ng damdamin na ayaw ko sanang harapin. Muli, pinikit ko ang mga mata ko. At sa katahimikan, tanging pangalan lang niya ang hindi ko maialis sa isip ko. Digby... Pakiusap lang… Huwag mo akong mahalin kung hindi mo kayang saktan ang sarili mong kapalit. Dahil ayokong masaktan ka… gaya ng pagkasira ko kay Von. At higit sa lahat— Huwag mo akong baguhin. Kasi baka… Baka matutunan din kitang mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD