Hindi ko na alam kung pang-ilang baso na ‘to.
Ang tanging alam ko lang, humalo na ang pait ng whiskey sa init ng katawan ko—at sa kabog ng dibdib na ayaw tumigil.
Nasa parehong table pa rin kami ni Digby sa sulok ng lounge. Mas madilim na ngayon. Mas maingay ang paligid. Pero sa gitna ng lahat ng tunog, parang kaming dalawa lang ang gumagalaw sa mabagal na ritmo ng gabi.
"Anong oras na ba?" tanong ko, medyo slurred na. Nakatingin ako sa glass ko, hindi sa oras.
"Late enough to regret things tomorrow," sagot niya habang pinapaikot ang yelo sa baso niya.
Napatawa ako, lasing na halakhak. “Seryoso ka? Parang lagi ka ngang walang pinagsisihan.”
Tumingin siya sa’kin. Medyo mapula na ang pisngi niya, halatang nakarami na rin.
“Akala mo lang ‘yon,” bulong niya.
Tahimik.
Biglang may kung anong lungkot ang sumingit sa pagitan naming dalawa.
Wala sa plano ko ‘to. Dumating lang ako sa club para makalimot. Pero ngayong narito siya… para kaming dalawang sugatang kaluluwa na biglang nagkatapat sa gabi ng pagkabigo.
“Digby…” sinimulan ko, mahina. “Ikaw ba, na-in love ka na talaga?”
Napalingon siya, parang nabigla. “Wow. Straight to the point.”
“Lasíng na tayo pareho,” sabi ko, pilit pa ring ngumiti. “Wala ng filter.”
Napaisip siya. Then, he nodded.
“Once,” aniya. “At akala ko ‘yon na ‘yon. Pero hindi pala.”
“Anong nangyari?”
Tumingin siya sa akin. Diretso. Walang takas.
“She left. And I realized… I was in love with the idea of being loved. Not her.”
Natigilan ako. Napayuko.
“Sakit naman non,” sabi ko, mahina.
“Mas masakit kung hindi mo alam kung ‘yung nararamdaman mo ba ay pagmamahal... o awa lang.”
Napatingin ako sa kanya. “What do you mean?”
He leaned forward, elbows on the table. “I look at you, Carla... and I don’t know anymore if I love you because I do—or because I want to prove that I’m not the man everyone thinks I am.”
Bigla akong natigilan. Parang huminto ang hininga ko.
“Digby…”
“I hurt you. I stole a future you already built with someone else. I made you hate me,” tuloy niya, tila wala nang pakialam sa mga mata ng mundo. “Pero sa gitna ng lahat ng gulo, hindi ko na maintindihan kung bakit... ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko.”
Napapikit ako.
Hindi ko alam kung epekto ng alak ‘to, o kung lumalabas na lang talaga ang lahat ng pinipigilan ko.
“Carla,” marahang tawag niya. “What about you?”
Napakagat ako sa labi. Umikot ang tiyan ko. Pumikit ako ng mariin, pero kahit ipikit ko pa ang mata ko ng matagal, hindi mawawala ang isang katotohanang bumabagabag sa’kin.
Tumagilid ako. Tiningnan siya sa mata.
“I hate you.”
He didn’t flinch.
“Pero...” dagdag ko, halos bulong, “I hate you because every time I try to walk away, you pull me back.”
Tumawa siya. Mahina. Hindi panunuya—kundi parang pag-amin na rin.
“I hate you because... kahit wala akong balak na mahulog, kahit dapat si Von lang talaga... bakit ikaw ang hinahanap ko tuwing gabi?”
Tumigil ako. Hawak ang baso. Nanginginig ang kamay ko.
“Bakit ikaw ang naiisip ko nung tinanggap ko ang kasal na ‘to? Bakit kahit ang gulo-gulo mo, kahit anong pilit ko pa, unti-unti kang sumisingit sa mga damdaming pilit kong sinasara?”
Hindi siya gumalaw.
Huminga ako nang malalim. Halos pabulong.
“I hate you, Digby, because I think I’m slowly… falling for you.”
Tahimik. Para bang pati ang musika sa background ay lumambot.
Hindi ako makatingin. Nilapag ko ang baso ko. Naramdaman ko ang bigat ng katawan ko, parang nilamon ako ng sariling mga salita.
Hanggang sa bigla kong maramdaman ang palad niya sa kamay ko. Mainit. Maingat.
“Carla…” mahina niyang tawag.
Hindi ako makatingin.
“Sorry,” bulong ko, napailing. “Lasing lang ako. Kalimutan mo na.”
Pero tumayo siya. Lumapit. Lumuhod sa tabi ko.
“No,” sabi niya. “Ito na yata ang pinakamalinaw mong sinabi sa akin.”
Tumingala ako. Sa wakas, nagtagpo ulit ang mga mata namin.
At sa unang pagkakataon, wala na akong lakas para magkunwari.
Hindi ko man planong umamin. Hindi ko man sigurado sa bukas. Pero sa sandaling ito—sa pagitan ng alak at luha, ng galit at pag-amin—isang bagay lang ang malinaw:
Wala na akong tinatakbuhan. At wala na rin siyang tinatago.
Dalawa kaming sugatan. Dalawa kaming naliligaw.
Pero ngayong gabi…
Parang pareho naming nakita ang isa’t isa, sa wakas.
Hindi ko na alam kung ilang baso na ang naubos namin.
Ang alam ko lang, masyado nang malabo ang paningin ko. Umuuga na ang paligid. Tumatawa ako sa mga bagay na hindi naman nakakatawa, at nagugulat na lang ako sa sarili kong tinig na parang hindi ko na kilala.
“Isa pa?” alok ni Digby, pero halatang lasing na rin siya. Magulo na ang buhok niya, at medyo namumula na ang mata. Pero hindi siya lasing na bastos. Kalmado pa rin. Tahimik. Malalim ang tingin.
Umiling ako. “H’wag na… baka matawag ako ng media as ‘the Montrose mess,’” sabay tawa na halos maiyak.
Hindi ko alam kung ano na ang pinagtatawanan ko.
Pagod ako. Hindi lang sa MCC. Hindi lang sa pagkukunwari sa press, sa kasal, sa pangalan namin. Pagod ako sa sarili ko. Sa dami ng emosyon na pilit kong iniipit para lang magmukha akong matatag.
“Carla,” tawag niya nang marahan, habang pinagmamasdan ako. “You okay?”
Tumingin ako sa kanya. At para bang sa isang iglap, umapaw lahat ng naipong sakit, pagod, lungkot.
“Hindi ko na alam kung ano ako,” bulong ko. “Hindi ko alam kung asawa mo ako, secretary mo, o tau-tauhan lang sa buhay ng mga Montrose.”
Tumahimik siya.
Hindi ako makatingin. Pinipilit kong pigilan ang luha pero tumulo na rin. Inabot ko agad ang tissue sa mesa at mabilis na pinunasan ang pisngi.
“Gusto ko lang ng simpleng buhay,” patuloy ko. “Gusto ko lang ng pamilya. Gusto ko lang sana si Von…”
Tapos napatigil ako. Mabigat.
Digby didn’t say anything.
Sa halip, tahimik niyang binayaran ang bill, kinuha ang bag ko mula sa gilid, at lumapit sa akin.
“Let’s go home.”
Home.
Parang may tumusok sa dibdib ko.
Hindi ako kumibo. Tahimik lang akong tumayo, at hinayaan siyang hawakan ang braso ko nang marahan. Naglakad kami palabas ng lounge, at sa ilalim ng malamig na ilaw sa parking area, ramdam ko ang bigat ng gabi.
Tahimik ang biyahe pauwi. Ako, nakasandal sa bintana, pinipilit hindi masuka habang pinapakinggan ang mabagal na tunog ng makina. Si Digby, nakatingin lang sa kalsada—parehong lasing pero alerto, tahimik pero halatang puno ng iniisip.
Pagdating namin sa bahay—oo, bahay… bahay namin na hindi ko pa rin matanggap—ay agad niyang binuksan ang pinto at inalalayan ako.
Dumaan kami sa hallway, patungo sa guest room. Pero sa sobrang hilo ko, nabitawan ko ang bag ko at muntik nang madapa. Agad niya akong sinalo.
“Teka lang, dahan-dahan…” bulong niya, hawak ako sa baywang.
Naramdaman kong mainit ang kamay niya. Pero hindi ako natakot. Wala akong naramdamang pang-aabuso o pagpilit.
Sa halip, parang ligtas.
Dinala niya ako sa kama at maingat akong pinaupo. Tinanggal niya ang heels ko, saka iniabot ang baso ng tubig.
“Drink this.”
Uminom ako, dahan-dahan. Tahimik kami. Puno ng tensyon, pero walang kahit anong pilit.
Pagkatapos, siya naman ang naupo sa tabi ng kama. Hindi siya umalis agad. Nakatingin lang siya sa sahig, habang nilalaro ang wedding ring niya sa daliri.
“I’m sorry,” sabi niya. Mahina. Seryoso.
Nilingon ko siya, kahit malabo pa ang ulo ko.
“Sa ano?” tanong ko.
“Sa lahat,” sagot niya. “Sa pagkakasal natin na hindi mo ginusto. Sa pagiging selfish ko. Sa paniniwalang… mapapalapit kita.”
Tahimik ulit.
Ramdam ko na hindi lang ako ang lasing. Pati damdamin naming dalawa—lasíng sa bigat ng mga hindi nasabi, hindi napag-usapan, hindi inamin.
“I saw you,” bulong ko. “Sa ospital. Kay Von.”
Napatingin siya.
“Tahimik lang ako sa labas. Pinakinggan ko lahat ng sinabi mo.”
Napalunok siya. Halatang hindi niya inaasahan ‘yon.
“Digby…” tuloy ko. “Hindi mo kailangang buhatin ang buong mundo para lang patunayan na karapat-dapat kang mahalin.”
Nagtagpo ang mga mata namin.
Pagod. Malalim. Uhaw sa pag-unawa.
Tumayo siya, marahang yumuko, at hinalikan ako sa noo. Banayad. Walang halong pwersa. Para lang akong ipinapaalala sa sarili niya.
“I’ll take the couch,” sabi niya. “Rest ka na.”
Ngumiti ako sa sinabi niya. “Why the couch?”
“Because that's one of your rules, diba? Na bawal akong tumabi sayo?”
“And you have your rules too, right? To never follow any of mine.”